Iyon na yata ang pinaka mahirap na activity na nagawa ko sa buong buhay ko.
Sinong matutuwa sa identification na hindi man lang nag review?
"Itaas ang kamay ng mga itlog sa quiz ni Ma'am!"
Napangiwi ako. Ang lakas naman makasigaw ni Carlo.
"Sige! Ipamukha mo pa sa kabila na bobo tayo!" Asik ng kaklase naming si Dervin.
"Ikaw lang bobo rito, Vin!"
"Kaya pala naka 2 ka lang, Carlo?"
I chuckled. That's right. 2 lang ang score ni Carlo out of 30 items.
"Tabi." Nilingon ko si Persley-gago na bigla na lang sinagi ang balikat ko. Dire-diretso siyang lumabas ng classroom. Anong problema no'n?
"Gotta go, Leisha."
"Ha? W-Where are you going?" I asked Clerard. Lumabas na rin kasi sina Trane at Railey na hindi man lang talaga ako pinapansin!
Oh! I forgot, it's Friday pala, and every Friday ay may pinupuntahan sila.
Saan naman kayo 'yon?
"I told you, the more you're being curious, the more you'll encounter trouble." Saad niya.
Paano naman kasi ako hindi ma c-curious e nagpaalam siya malamang itatanong ko talaga kung saan sila pupunta.
I just nodded at him and agad naman siyang lumabas ng classroom.
"Leisha, mauuna na kami." Napatango na lang ako kay Kleo. "Sorry kung hindi na tayo magkakasama lately ha, medyo busy rin kasi sa bahay."
Bahay? Akala ko silang dalawa lang ni Kiev nakatira doon? Ano naman ang pinagkakabusy-han nila?
Tumango na lang ako at ginulo ang buhok ni Kiev nang dumaan sa harap ko. Wala naman siyang naging reaksyon at ngumiti lang sa'kin.
Magaan na siguro ang loob niya.
"Kamusta, Leisha?"
Napatigil ako sa paglabas ng room nang harangin ako ni Pat.
Hindi ko rin alam kung ano ang kailangan niya sa'kin. Sa tuwing may nangyayari sa buhay ko ay alam na alam niya. Pati nga iyong nangyari sa birthday party ni Justin.
Unti-unti na akong nahihiwagaan sakanya.
Sino ka ba talaga?
"Ayos lang." Sagot ko at nilagpasan siya. Sa totoo lang ay nakakatakot siya.
"Leisha!"
Kumaway sa'kin si Dyna nang makita ako. I waved back and run towards her direction.
"Good news! Pinayagan ako ni Mommy gumala!" Masayang saad niya, kumikislap pa ang mga mata niya habang sinasabi 'yon. "Mall?" Pag-aya niya.
"Sigurado ka? Baka hanapin ka ha. Ako kaya ko namang magpaalam muna kay Kuya Leo na may pupuntahan lang."
"Oo naman 'no! Si Mommy na 'yon. Don't worry, ililibre kita."
--
Pagdating namin sa Mall ay sobrang daming mga estudyante. Ganito yata talaga kapag uwian na.
"Sobrang daming tao!" ani Dyna.
"Oo, baka nga makabunggo mo pa 'yong the one mo." saad ko naman.
Napanguso naman siya. Napaisip rin ako sa babaeng 'to. Wala ba siyang gustong isang lalaki? O kaya kahit na crush man lang?
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
ActionSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...