Witnessing that. Itinigil ko ang panliligaw kay Trane. Nonsense na rin naman na 'yon. Ilang araw lang ay birthday ko na. Wala na ring kwenta kung boyfriend ko man si Trane.
"Prinsesa, salo!"
Hindi ko sinalo ang ano mang ibinato ni Persley. Hinayaan ko ang sarili kong mabato ng libro. Pinulot ko lang 'to at inilagay sa desk niya.
Naupo ako sa silya ko at nagsimulang magsulat ng notes.
Napaisip ako. Sino nga ba naman ako para humingi ng tulong sa kanila e hindi naman nila ako kilala nung una pa lang? Isa lang akong transfer student na naghahangad na hindi maikasal sa kung sino mang taong ipapakasal sa'kin ni Dad.
"Kj mo naman!" angil ni Persley. Hindi ko siya pinansin.
Napalingon ako kay Siopao nang ilapag niya ang candy sa notebook ko.
"Be sweet." aniya.
Napangiwi ako. Bakit naman?
Kinuha ko na lang iyon at binalatan saka kinain. Sweet nga.
"Kiev! Kamusta?!"
Napaangat ako nang tingin nang biglang umingay sa classroom.
"Kiev!" Masayang tawag ko. Nakangiti naman siyang lumingon sa'kin. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Kamusta ka?"
"Ayos na po ako, Ate." Mahina pa rin ang boses niya.
Ginulo ko ang buhok niya. "M-Mabuti kung gano'n, marami ka pang ipapaliwanag sa'kin." Nanggilid ang luha ko. "Namiss kita ng sobra."
"Kiev! Alam mo nung wala ka, panay kopya 'yan si prinsesa sa'kin!"
Hindi ko pa rin pinansin si Persley. Wala akong gana makipagbiruan sakaniya lalo pa't malapit na akong maikasal. Jusko! Bakit ba kasi nangyayari 'to!
Hinayaan ko muna si Kiev na kausapin ang mga kaklase niya. May cast rin sa kaliwang braso niya kaya maingat talagang kumausap ang mga classmate namin. Napansin ko rin si Carlo na patingin tingin lang, hindi magawang lumapit at kamustahin si Kiev.
Nagtataka na talaga ako sa inaasta niya. Hindi ba't engaged na siya? Kawawa naman ang babaeng pakakasalan niya at.. kawawa rin pala ako.
"Prinsesa, wala ka ba talagang balak kausapin ako?" Si Persley. Recess time at ngayon ay kinukulit niya ulit ako.
Lumabas ako ng room at narinig ko naman ang pagpadyak niya sa sahig.
"Nubayan! Wala tuloy akong kalaro!" sigaw niya pa.
I chuckled. Isip bata talaga.
Nang makarating sa classroom nila Dyna ay nakita ko siyang nakatingin sa'kin. Unti-unti niya naman itinuro ang taong nasa likod ko.
Sa pagharap ko ay napaatras ako. "T-Trane,"
Kalmado lang siyang nakasandal sa dingding habang magkakrus ang mga braso.
Inilapit niya ang mukha sa'kin kaya napaurong ako.
"Are you avoiding me?"
"Ha?" I shooked my head. "H-Hindi."
Tumalikod ako sakanya at pupuntahan na sana si Dyna nang maramdaman ko ang kamay niyang dumausdos sa kamay ko at pinagsaklop niya ang mga daliri namin.
Gulat na gulat ako sa ginawa niya at nadagdagan lang 'yon nang hilahin niya ako pababa.
Dinala niya ako sa library at iniharang ang dalawang braso sa gilid ko.
"B-Bakit ba?"
"You're avoiding me." aniya.
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
AçãoSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...