"Dad," napahakbang ako paatras nang makita siyang nakaupo sa sofa sa living room. Napalunok ako't tinatagan ang loob upang makausap siya ng maayos.
"Bakit po kayo nandito?"
Pagkababa ko ng kotse kanina ay dumiretso ako rito, siya agad ang nakita ko.
He smirked. "Why? Am I not allowed here, my daughter?"
Muli akong napaatras nang tumayo siya at lumapit sa'kin.
"This house is mine, Dianne, am I not allowed here?" Pinag-diinan niya ang huling salita.
"Where's... Mom?" I asked. I looked at him at nagsalubong na kaagad ang kilay niya.
"Why do you keep looking for her? Iniwan na niya tayo at sumama na siya sa iba, Dianne. Do you hear me? Iniwan na niya tayo!" Napapikit ako nang sumigaw na siya.
Paano ako maniniwala sa mga sinasabi niya kung wala naman siyang patunay na iyon nga ang ginawa ni Mommy. 3 years ago, when I was 14, ikinasal si Ate, mula no'n hindi na nagpakita si Mommy.
Where did she go? Did she leave us to live with someone else?
"Dad, paano mo nasasabi na iniwan na nga niya tayo? Malay mo naman 'di ba na nagbakasyon lang siya-"
"Tatlong taon na, Leisha Dianne! Anong klaseng bakasyon 'yon? Hindi talaga kayo mahal ng mama niyo, kaya gano'n na lang nila kayo iniwan. Umalis siya sa mismong kasal ng Ate mo dahil alam niyang mababayaran ko lahat ng utang niya sa lugar na 'to."
Hindi...
Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na gano'n ang dahilan ni Mom. Alam kong hindi iyon tama, alam kong may mas malalim pang kwento 'yon. Gusto kong malaman.
Hindi ko na tinignan pa si Dad at umakyat na lang sa kwarto, doon ay umiyak ako ng umiyak.
Lumipas ang ilang linggo at masasabi kong maganda naman ang pags-stay ko sa Cleram High School. Huwag nga lang akong pagtripan ni Persley-gago dahil masisira na ang araw ko makita ko pa lang siya.
"Hindi pa rin ako maka move-on. Bakit kasi bagay na bagay sa'yo iyang uniform?" Nakangusong si Dynara ang sumalubong sa'kin sa classroom. Ito talaga, basta na lang pumapasok sa classroom namin.
"Ayan ka na naman,"
"E? Bakit kasi ako no'ng nagsuot ng uniform wala namang pinagbago?" She crossed her arms and pouted.
"Walang pinagbago dahil maganda ka naman talaga." Sabay kaming napalingon sa nagsalita.
"Roan..." usal ni Dyna.
Napangiti ako. Gulat na gulat sa compliment 'yan?
"Good morning," ani Roan kay Dyna. Akala mo naman wala ako rito.
Geh, good morning din, Roan.
"Dugyot." Sabad ni Lougee. I chuckled. Hindi talaga siya titigil hangga't wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. May masasabi at may masasabi siya.
Naikwento sa'kin ni Dyna na magkababata daw sina Roan at Lougee kaya lagi itong magkasama.
"Good morning," bungad sa'kin ni Kleo pagkapasok ko sa classroom. Ngumiti ako sakanya pati sa katabi niyang palaging nakasimangot. Si Kiev.
"Good morning," bati ko sa kanila.
"Bagay talaga sa'yo 'yang uniform. Lalo kang gumanda." Namula ako dahil sa sinabi ni Kleo. Maraming nagsasabi na bagay nga raw talaga sa'kin ang suot na uniform.
"Salamat," nahihiyang saad ko.
Napalingon ako kay Kiev nang suminghal ito. "Naniwala talaga," mahinang sabi niya pero narinig ko.
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
AcciónSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...