Agaw-pansin ang dala-dala kong flower bouquet habang naglalakad paakyat ng classroom.
Kung hindi lang talaga dahil kay Trane ay hindi ko ito gagawin! Nakakahiya. Sigurado akong namumula na ang mukha ko ngayon.
May mga masamang nakatingin sa'kin habang ang iba naman ay nakangiti. Pilit ko na lang silang nginitian.
Iniisip ba nila na may nagbigay nito sa'kin? E hindi pa naman valentine's?
Tss. Kung alam lang nila na ibibigay ko 'to sa pinakamasungit na lalaki dito sa school.
"Ohoyy! Ano 'yan ha?"
"Bulaklak, bulag ka ba?" asik ko kay Persley-gago nang makasalubong ko siya. Umakbay pa siya sa'kin na ikinairita ko.
Kung makaasta siya akala niya wala silang ginawa ng kambal nila kahapon. Sinabihan niya pa talaga ako na walang akong nakita ha.
"Bumitaw ka nga! Ang baho mo!"
Kaagad naman siyang napabitaw sa'kin at masama ang mukhang pumunta sa harap ko.
"Hoy! Ang kapal kapal ng mukha mo! For your information, three times a day akong naliligo kaya wala kang—"
"Wala talaga akong pakialam! Lumayas ka nga! Ang aga-aga binibwesit mo'ko!" Iniwan ko siya do'n na nakanganga.
Ano'ng akala niya sa'kin natatakot ako sakanya? Ulol. Nung una lang 'yon. Pwede ko naman pala siyang lait-laitin.
"Hi, Leisha!"
"Hi, Kleo!" I waved at him. Sabay na kami naglakad papasok ng room. "Sa'n ka galing?"
"At the library, got this." Ipinakita niya sa'kin ang librong hawak. "Pinapakuha ni Kiev."
I just nodded. Nginuso niya ang hawak kong bulaklak.
"Got from your suitor?" Ngumiti pa siya ng mapang-asar.
"H-Hindi ah." Inilapag ko ito sa lamesa ng upuan ko at naupo sa silya.
Napansin ko naman ang mapang-asar na tingin ni Kiev.
Hindi ko na lang pinansin dahil alam kong magugulat sila mamaya kung kanino ko 'to ibibigay.
The bell rang but Trane and Clerard are not here yet. Sa'n ba sila nagpupupunta? Lunes na lunes absent sila?
Kaasar! Natapos lang ang klase ng hindi nagpakita ang dalawa! Jusko! Kaunti na lang talaga hahayaan ko na ang sarili kong maikasal sa kung sino man na taong 'yon.
Ang hirap suyuin ni Trane!
"Railey!"
Lumingon siya sa'kin at itinaas ang kilay.
"Si Trane ba... nakita mo?" Nahihiya ko pang tanong. Baka kung ano pa ang isipin niya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Persley-gago na inaamoy 'yong bulaklak sa lamesa ko.
Ano siya aso?
"May reunion yata sila, hindi na kami sumama kasi nando'n naman na si Clerard." sagot niya.
Napaisip ako. Madami kaya silang pamilya? Nasa'n ang bahay nila? O sa kanila ba ipinagdiwang ang sinasabing reunion?
"'Wag mong susubukan kung ano man ang binabalak mo, Leisha."
I looked at Railey. Seryoso ang mukha niyang tinitigan ako. "Huwag kang pupunta doon."
Wala sa sariling napatango ako. Lumabas naman siya kasunod ang kambal niya na binatukan pa ako. Dali-dali kong kinuha ang librong nasa table ng teacher at ibinato sakanya. For the first time ay siya iyong natamaan ko at hindi na kung sino.
"Inamo! Bukas ka sa'kin! Pangit!" He shouted. He even raised his pinky finger.
"Aba't, hoy!" Sigaw ko pero dumila lang siya at nagtatatakbo.
"Ikaw lang naging kaasaran niyan simula no'ng nag-aral sila rito." Kleo said. I looked at him. He's already smiling.
"Mukha naman siyang unggoy." angil ko. "Wala lang 'yan kaasaran sa bahay nila kaya ako ang pinag-ti-tripan."
Tumawa lang siya at pinaypay ang kapatid niya. "Tara na!"
Nakita ko namang nag-aayos pa ng gamit si Kiev.
"Hello! Good afternoon!" It's Dyna.
I waved at her. Lumapit siya sa'min at umangkla sa braso ko. Ang bigat niya, seryoso.
"Uuwi na kayo?" tanong ni Dyna kay Kleo.
Kleo nodded. "Oo, may pupuntahan pa kami e."
Napatingin naman ako kay Kiev na nakatingin pala sa upuan ni Carlo. Nangunot ang noo ko. Akala ko ba itinigil niya na?
Napansin niyang nakatingin ako kaya umiwas siya at naglakad na palapit sa Kuya niya. Nakakapagtaka na kumikilos lang si Kiev kapag wala si Carlo. Ipinapakita niya lang na may gusto siya rito kapag wala ito.
Taguan pala ng feelings ang gusto nito.
"Sasabay ka na ba sakanila, Dyna, pababa?" tanong ko. Tumango naman siya. Alam niya kasing may kukunin pa akong libro sa library for my reports tomorrow. Alam ko rin na hinihintay na siya ng driver nila sa parking lot.
"Sige, ba-bye!"
Kumaway sila sa'kin nang makatungtong kami sa ground floor. Liliko na kasi ako papuntang library.
"See you tomorrow, sis!"
"See you, Leisha!"
Si Kiev lang ang 'di ko narinig. Ngumiti na lang ako at kumaway sa kanila.
Nang makapasok sa library ay hinanap ko kaagad ang librong gagamitin ko. Nahirapan pa akong maghanap dahil sa bulaklak na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. Nasayang lang 'yong hiniram kong pera kay Dyna.
"Nagkita ulit tayo."
Hindi ko na kailangang lumingon dahil alam ko na kung kanino ang boses na 'yon.
"May hinahanap ka 'di ba?"
Napalingon na ako sakanya.
"Hala, may hinahanap ka nga. Libro ba o tao?" biro niya.
Nakatitig lang ako sakanya. Lahat ba talaga ay alam niya? Sino siya? Sino ka ba talaga, Patricia?
"Libro ang hinahanap ko, Pat." Tumalikod na ulit ako dahil baka kung ano pa ang sabihin niya.
"Hindi ba't paminsan-minsa'y may tao sa libro? Alam mo ba 'yong larong pipitikin ka sa kamao katumbas ng taong makikita mo sa libro?"
I bit my lower lip. Kahit yata saan ako magpunta ay kakausapin at kakausapin niya ako.
"Ano ba'ng kailangan mo?" Tanong ko. Nakatalikod pa rin ako sakanya kaya hindi ko alam kung ano reaksyon niya.
"Baka ikaw ang may kailangan, Leisha." Seryosong aniya. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang nasa bulsa ng suot kong skirt at may inilagay dito.
Pagalingon ko ay tanging papalayong bulto niya na lang ang nakita ko.
Dali-dali kong kinuha sa bulsa ang kung ano mang inilagay niya rito.
Nangunot ang noo ko. Kaninong bahay 'to?
Larawan ng bahay at... location?
Tinignan ko ang likod ng picture at nakitang may nakasulat dito.
It's not over yet, Leisha. You can come over. Trust me, there's more things that you'll want to know. It's Trane's house, good luck kung ano man ang makita mo. Don't forget to thanks me later, okay?
- Patricia M.
Ano naman ang pwede kong makita do'n? E reunion lang naman 'yon ng mga Villaquer.
Hindi kaya may iba pang pinaparating si Patricia sa sulat na 'to? But how will I know kung hindi ko gagawin 'di ba?
Paano ko malalaman kung hindi ko pupuntahan?
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
ActionSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...