Chapter 40

1.3K 9 0
                                    

Litong-lito na ako sa nangyayari at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto nila ng napakadaming pera.

"Call Trane," Kaizen whispered.

I immediately took my phone on my bag and dialed his number. Mabilis siyang sumagot kaya ilalapit ko na sana sa tainga ko ang cellphone nang makarinig ako ng putok ng baril.

Halos mabingi ako at hindi makagalaw nang barilin nila ang hawak kong phone. Napakurap-kurap ako at napatingin sa phone na nasa sahig na. It crashed.

Hindi ako makagalaw sa takot at naramdaman ko na lang na may tumulong luha galing sa pisngi ko.

Kaizen grabbed my waist and whispered. "It's alright," no, it's not.

"Mukhang ayaw niyong makinig." It's Dad's voice. Hindi ako makalingon. Takot na takot ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin dito.

"Get them." utos ni Daddy.

Hindi na ako nanlaban pa nang bitbitin ako ng isang lalaki na parang sako ng bigas. Habang si Kaizen ay pilit na nakikipagsuntukan.

"Itigil niyo na 'to!" sigaw niya pero nahuli lang siya ng isang lalaki nang dagukan siya nito. Mabilis na nabitbit ng lalaki si Kaizen.

Bakit nila 'to ginagawa?! Kung gusto nila kaming maikasal sa isa't-isa ay dapat hindi nila kami sinasaktan.

"Kaizen," pagtawag ko nang umalis na ang mga may dala sa'min at ipinasok sa isang kwarto na puro dilim. Bahay namin 'to pero hindi ko alam kung saan ang parteng 'to.

"Kaizen." Niyugyog ko ang balikat niya.

Nang makita kong gumalaw siya ay lumayo ako ng kaunti. Napaubo pa siya at lumingon sa'kin.

Mabilis siyang lumapit sa'kin. "A-Are you alright?" he asked. My tears started to fall after I realized that if don't marry each other, we'll end up in this situation.

Inalo niya ako. "It's okay, sorry hindi ko kaagad sinabi sa'yo bago ka umuwi." Yinakap niya ako at hinaplos ang likod ko.

Maya maya pa'y napabitaw kami sa isa't-isa nang makarinig ng nga putok ng baril. Nagkatitigan kami.

Hindi kaya ay nag aaway na sila Dad?

"Kaizen, si Dad," bumaling ako sakanya. Umiling lang siya.

"It's not our Dad. It's Travis Dane."

Trane? Sigurado akong hindi niya narinig ang boses ko, pero bakit siya nandito?

Hindi pa man ako nakakabawi nang marinig namin na bumukas ang pinto.

"Wala yata rito, tangina ni prinsesa, hindi man lang kasi nagpapaalam bago umuwi." It's Persley's voice.

"First!" pagtawag ko na kahit pa wala namang nakikita.

"Narinig mo 'yun, Kley? May mumu yata—" hindi ko na narinig pa ang kasunod no'n, binatukan na yata siya ni Kleo.

May bumukas ng ilaw kaya nakita na namin sila, finally.

"Hoy! Anong ginagawa niyo ha?!"

"This is not a time for a joke, Persley." Kaizen seriously said. Tinulungan niya akong tumayo.

Nakita ko naman na napanguso si Persley. "O," he handed him a gun.

"Tara na, Leisha." Hinawakan ako ni Kleo at nauna naman na lumabas ang dalawa kasunod kami.

"Nasa'n si Kiev?" tanong ko.

"Busy," aniya.

Hindi na ako nagtanong pa dahil baka ma-distract lang siya.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now