Chapter 44

3K 20 1
                                    

Nang makalabas ng bahay sumalubong sa'min ang tahimik na paligid. Ubos na yata ang mga nanggulo sa bahay nila.

Akma akong isasakay ni Austin nang mahagip ng paningin ko si Railey na sobrang nagmamadali. Halos madapa na siya sa sahig habang tumatakbo.

Anong ginagawa niya rito?

"Leisha, let's go." ani Austin. Nasa driver's seat na siya at hinihintay lang akong pumasok. "Leisha, palagi ka na lang nadadawit sa gulo nila. Hahayaan mo pa ba 'yun ngayon?" tanong niya.

Tulala lang ako kung saan nanggaling si Railey.

"Leisha!" isa pang tawag niya. Lumingon na ako.

"Bakit?" mahina kong tanong.

"Tignan mo nga ang sarili mo! Sigurado ka bang hindi ka lalayo rito?! Pinili kitang puntahan kasi ayaw kong napapahamak ka, Leisha."

"Bakit? Anong meron sa'kin, Austin?"

Umiling lang siya. "Sumakay ka na," aniya.

Sasakay na sana ako nang biglang may humila sa'kin at tutukan ng kutsilyo sa bandang tiyan. Napasinghap ako dahil do'n.

"Let her go!" galit na sigaw ni Austin na agad nakababa ng kotse.

Paatras kami ng paatras, padiin din ng padiin ang pagkakatutok niya.

"B-Bitawan mo'ko..." pakiusap ko. Isa ba siya gusto sa'king pumatay? Ano bang nagawa ko?!

"'Wag kang malikot!" sigaw nito na halos ikabingi ko sa lakas.

"Sinabi nang bitawan mo siya!" sigaw pa ni Austin. Lumalapit siya sa'min pero hindi niya ako magawang makuha.

Tinutukan ni Austin ng baril ang may hawak sa'king lalaki at halos hindi na ako huminga dahil sa pagkadiin niya ng kutsilyo sa beywang ko.

Napahawak ako sa dalawang tainga nang makarinig ng putok ng baril. Paglingon ko ay nakabulagta na sa sahig ang lalaking may hawak sa'kin.

"Sinabi ko nang 'wag kang aalis sa tabi ko!" Pat shouted. Inis siya lumapit sa'kin. Sinubukan niyang hawakan ako pero lumayo ako sakanya.

I shooked my head. "Ayokong sumama sa'yo."

"Talagang nasasabi mo 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sino ka ba?" tanong ni Austin. Lumapit siya sa'kin at itinago sa likuran niya.

"'Wag kang mangialam dito,"

"Mangingialam ako kung gusto ko, Miss-pangit-pag-naka-black." madiing ani Austin agad naman nagsalubong ang kilay niya.

"Mas pangit naman ang pagmumukha mo!" asik ni Pat. She even pointed her gun to him.

"Ano 'yan?! Ibaba mo 'yan!"

"Say please, master muna." Pat smirked.

"Master mo mukha mo!" Kinuha ni Austin ang kamay ko at lalakad na sana kami palayo nang  hawakan din ni Pat ang kabila kong kamay.

Salubong ang kilay na napatingin sa kaniya si Austin.

"Baliw ka ba?!" iritadong tanong ni Austin.

"Ikaw ang baliw dito, alam mo? umalis ka na lang kaya, at please 'wag mo nang ihaharap sa'kin 'yang pagmumukha mo." umismid si Pat.

"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal!" sigaw ni Austin. "Bitaw!"

I sighed. Gusto ko lang naman umuwi na dahil pagod na ako pero hindi man lang nila maintindihan yun.

"Ikaw ang bumitaw!"

"Ako? Bakit ako?"

"Kasi hindi ka naman niya kilala,"

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now