Chapter 29

910 10 0
                                    

This morning I was expecting for Kaizen to fetch me but he doesn't show up.

Saan na naman kaya nagpunta ang baduy na 'yon? Ngayon niya lang kaya na realize na nagmukha siyang tanga sa pag propose sa'kin?

Naabutan ko si Carlo Jisean sa labas ng classroom at mukhang problemado pa. He's holding his cellphone while massaging his forehead.

"Tsk." Rinig ko pang singhal niya.

Nakita ko si Kiev na nakatanaw dito sa labas. Halata namang si Carlo ang tinitignan niya. He looks worried.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Carlo nang mapag-isipang pumasok na sa classroom.

He didn't answer me but nodded.

I sighed. Ayaw niya sigurong magkwento. Pumasok na ako sa classroom. Muntik na akong mapaatras nang lumapit sa'kin si Persley at bumati.

"Good morning!"

"Ano ba?!" asik ko. "Kay aga-aga, mukha mo nakikita ko."

Inirapan niya lang ako at bumalik sa inuupuan niya. Hindi pa man ako nakakarating sa upuan ko ay nahagip kaagad ng paningin ko ang nakapatong na isang bungkos na rosas dito.

Kinuha ko ito nang makalapit at napatingin kay Siopao. "Ba't d'yan ka nakaupo?"

Hindi niya ako sinagot at nginuso lang ang nasa likuran ko. Pagkaharap ko sa kung sino ay napaatras ako.

He smiled. Dumungaw pa siya para magpantay kami at saka tinapik ang ulo ko.

"How's your sleep my pretty girlfriend?" malambing niyang saad na ikinamula ko.

Nagulat pa ako sa sinabi niya. "H-Ha?"

Sa sobrang lapit niya ay naririnig ko na ang puso kong sobrang lakas ng kabog. Ganito ba ang feeling na malapit sakanya? Jusko, hihimatayin yata ako sa kagwapuhan niya.

"Kay aga-aga ang korni—" mabilis na Napayuko si Persley nang samaan siya ng tingin ni Trane. Natawa naman ang dalawa.

"Don't mind him." Hinawakan niya ako sa kamay at pinaupo sa upuan ko saka siya tumabi sa'kin.

"Do you want me to explain?" Tanong niya pa.

I bit my lower lip. Hindi ako sanay! Did I really make him my boyfriend?

"About..."

"Alam ko na," ngumiti ako. "Naikwento na ni Ate," bumaling ako sa rosas na bigay niya. "Thank you."

Ngumiti siya. Ngiting masaya, maganda at magaan sa pakiramdam. It's my first time seeing him smiling like this.

Tama nga ang sinabi ni Siopao. Hindi mo malalaman kung gaano siya ka sweet o kabait hangga't hindi mo siya nakakasama.

Si Trane 'yung taong red flag sa labas and sobrang green sa loob.

Sana naman tama ang iniisip ko. Hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sa'min. Lalo pa't gustong-gusto ni Daddy na ituloy ang kasal. Isa pa, galit siya sa mga Villaquer.

Clerard and Ate Leiren is right. Travis Dane is kind.

How can this man be kind? Sa mukha niya pa lang, halatang basagulero na. Tapikin mo nga lang 'yan ay sasamaan ka kaagad ng tingin.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng classroom. Gulat pa si Dyna sa nakita habang si Persley ay nakangiwi.

Nasa likod namin si Clerard kaya lumingon ako rito.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango naman siya. Napabaling ako kay Trane nang iikot nito ang ulo ko sa kaniya. Bastos!

"Kinakausap ko si Siopao oh." ani ko pa.

Nagsalubong lang ang kilay niya. Hindi ko siya pinansin at napalingon kay Persley-gago. Nakita kong tumabi siya kay Dyna. Hindi naman 'yon pinansin ni Dyna at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang bumaba ng hagdan ay nakasalubong pa namin si Roan na kumaway lang. May dalang paper bag at nilagpasan na kami.

"Weird." usal ko.

Napansin ko naman ang pag-iwas ni Persley at pag-iling nito.

I felt sad for him. Mukhang sincere pa naman siya sa feelings niya for Dyna. It's just that, ayaw ni Dyna sa mga takaw gulo. Ayaw niyang madamay ang tahimik niyang buhay sa isang magulong buhay ng tao.

"Ayaw ko sakanya."

Naalala ko bigla ang sinabi ni Dyna. Paano niyang inaayawan si Persley samantalang kapag tinitignan siya ni Persley ay sobrang totoo lang.

I can say that his feelings for Dyna is true and pure.

Nang makarating sa parking lot ay naabutan namin si Kaizen na nakasandal sa may kotse niya. Napansin ko naman si Dan na nasa driver's seat.

Humigpit ang hawak ni Travis Dane sa kamay ko. Bubuga ba siya ng apoy?

"Your Dad is waiting." saad ni Kaizen. Akma pa siyang lalapit pero natigilan siya. Nang lingunin ko ay nakatingin na ng matalim sakanya si Trane.

I feel sorry for him. Gusto niya pa naman ako ihatid kada uuwi or sunduin kapag papasok. Hindi pa alam ni Dad ang tungkol sa'min at ayaw ko naman na malaman pa nila 'yon. Isa pa, baka magaya lang ako kay Ate.

"Take care if her..." usal ni Trane. Napalingon ako rito. Napabaling siya sa'kin. "Magiging maayos rin 'to."

Napatango ako ng wala sa oras. Titig na titig lang ako sa mukha niya. Hindi ako sanay na ganito kalapit ang mukha niya habang kausap ako.

"I don't think, I can?" patanong pang saad ni Kaizen. "Niyayakap ako niyan e."

Mabilis akong napalingon sakanya. Dumilim naman ang mukha ni Trane. Salubong pa ang kilay nito kaya pinisil ko ang kamay niya. Suminghal lang siya.

"Gusto mo yata tumabingi 'yang panga mo?" Si Persley.

"Hoy! Ang sama mo talaga!" sigaw ko sakanya.

Napatingin na lang ako kay Dyna na tumungo sa likuran ko, ayaw makita si Persley.

"'Wag kang mag-alala. Baduy lang 'yan si Kaizen pero mabait naman 'yan." sabi ko kay Trane. Tumango naman siya. Nakakapanibago. Hindi siya galit.

"Baduy? Hoy Dan! Baduy ba ako?" Tanong ni Kaizen kay Dan na napakamot pa sa ulo. "Baka ikaw ang baduy."

"Kapal mo!"

"Mas makapal ka!"

"Kapag siguro natuloy ang kasal niyo, wala kayong ibang kakainin kun'di 'yang mga salita sa bunganga niyo!" Si Persley.

Sa inis ko ay bumitaw ako sa hawak ni Trane at kinuha ang notebook sa bag ko saka agad na ibinato sakanya, mabilis naman niya 'tong nailagan.

"Hindi mo na ako mauuta— aray!"

Binato siya ni Dyna. Makapal na libro. Inis pang nakahawak si Persley sa panga niya. Aba, bagay lang sakanya 'yan.

"Uy, thank you!" Bumaling ako kay Dyna at naki-apir.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now