Lumubog na ang araw pero tulala pa rin ako. Nag-stay lang ako rito sa kwarto ni Trane habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Seeing my Dad in that situation makes my heart feels heavy. Even if, he's not my biological father.
And now, I realized, I have nothing.
I don't think Ate will know about my situation right now. Iniwan na ba talaga ako ng lahat?
Mabilis kong pinalis ang luha ko sa pisngi nang makitang pumasok si Persley sa kwarto habang may dala-dalang pagkain.
Yumuko lang ako. Inilapag niya ang pagkain sa lamesa sa tabi ng kama at lumapit sa'kin saka naupo sa tabi ko.
Naramdaman ko naman kaagad ang paghawak niya sa balikat ko.
"Ayos ka lang ba?" he asked. I shooked my head. Umakbay siya sa'kin at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Iiyak mo lang 'yan, best friend mo'ko 'di ba? Kahit ipunas mo 'yang sipon mo sa damit ko, walang problema." aniya.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa sasabihin niya o ano e. Kahit na sa seryosong sitwasyon nakukuha niyang magbiro.
"Mag-isa na lang ako, First..." naiusal ko. Napasinghot ako at pinunasan ang luha.
"Hindi ka mag-isa, prinsesa, andito kami ni Dyna, si Ate mo, si Trane, Leisha. Nand'yan siya."
Napabaling ako sakanya. Umiling ako. "Wala na akong pamilya, First."
"Leisha, nandito kami." He caressed my cheeks. "Tahan na, baka marinig ka nila sa baba, madami pa naman tao sa baba kasi birthday na ni Tito bukas."
Anong mukha ang ihaharap ko? Saan na ako titira ngayon? Saan na ako huhugot ng lakas? Mismong si Trane ay hindi ako kinamusta mula kanina. He just dropped me here in their house at pinasama kay Persley dito sa taas.
Do we have a problem?
"Anong iniisip mo?"
Napabaling ako kay Persley. "Paano kung mahal niya pa si Ate Leiren?"
Kaagad naman siyang natigilan.
"Imposible." iyan lang ang nasabi niya.
"Paano mo naman nasisiguro? Persley, hindi niya ako simula pa kanina. Maayos naman kami bago ako umuwi. Nagkwento pa siya tungkol kila K-Kiev," Napayuko ako.
Paano kung yun talaga ang nangyari? Nalaman niya ang dahilan kung bakit sila pinaghiwalay ni Dad. Iyon yata ang dahilan kung bakit kanina niya pa ako hindi pinapansin.
Nawalan na siya ng gana nang malaman ang totoo tungkol sa kanila ni Ate Leiren.
Nagsimula na namang tumulo ang luha ko.
"H-Hey," tawag ni Persley. Hinawakan niya pa ang mukha ko para makausap ng maayos. "Mahal ka no'n, alam mo, sobrang saya nun nung malamang may sincere na nagkakagusto ulit sakanya. Dahil bukod sa pogi siya at ako, ang gusto lang ng mga babae sa kaniya ay dahil sa famous siya."
He sighed. "Mahal ka no'n, Leisha."
Tumango na lang ako. Pilit na kinukumbinsi ang sarili na gano'n nga yun. Pagod lang si Trane kanina kaya gano'n. Sumabak siya sa barilan kaya gano'n. Hindi siya galit. Pagod lang siya.
"Kumain ka na," kinuha ni Persley ang pagkaing dala niya at ibinigay sa'kin. "Ano, susubuan pa kita? Masyado ka namang pa-baby."
Nakita ko naman siyang umismid kaya nangiti ako. Hindi siya pumapalya na pangitiin ako.
"Pangako mo sa'kin hindi mo'ko iiwan, Persley." saad ko.
He smiled and shows his pinky finger. "Promise."
"Promise?" inulit ko pa.
Siya na mismo ang nagkabit ng mga daliri namin. "Promise. Hinding-hindi kita iiwan, best friend kita 'di ba?"
Umiiyak naman akong ngumiti.
"Tahan na, ang pangit mo kapag umiiyak o," aniya pa.
Hinampas ko siya ng mahina sa braso at kumain na. Minsan ko pa siyang sinusubuan pero panay lang siya iwas. Aniya'y busog na busog daw siya dahil sa luto ng Mommy ni Trane.
"Kamusta si Railey?" tanong ko. Uminom ako ng tubig at inilapag na rin ito sa plato. Kinuha niya naman 'yun at ipinatong ulit sa lamesa. Bumalik siya para umupo sa tabi ko.
"Ewan ko dun, okay naman siguro, alam na niya siguro mangyayari sa kaniya kaya hinanda niya sarili niya," aniya.
"Bakit niya kaya nagawa 'yon? Ang sabi ni Carlo ay magkaibigan sila, totoo ba?"
He nodded. "Simula pa lang ay silang dalawa na ang magkasama. Actually, naunang makilala ni Kuya si Reiza pero kalaunan no'n, nalaman na lang namin na girlfriend na siya ni Carlo." He sighed. "Gustong-gusto ni Kuya si Reiza. Kung alam mo lang, lagi 'yun umiiyak sa'kin kasi palagi niyang nakikitang magkasama ang dalawa."
Gano'n ba? Pero sana sinabi niya na noon pa kay Carlo? Total magkaibigan naman sila, sigurado akong maiintindihan 'yon ni Carlo.
"May tanong ka pa ba? Baka kasi hinahanap na ako sa baba," tanong niya.
I shooked my head. "W-Wala na," I smiled. "Salamat sa pagkain, Pershy." Pinagdugtong ko ang pangalan niya at ang salitang beshy.
Lumawak ang ngiti niya. "You're always welcome, Prinshy!" paggaya niya.
Kumaway ako nang lumabas na siya ng kwarto. Nahiga naman ako at napahinga ng malalim. Sobrang daming nangyari ngayon at marami rin akong nalaman.
Gusto ko sanang tawagan si Dyna pero napagtanto ko lang na wala na pala akong phone.
How's Dad? How's my real father? My mother? Are they still alive? Am I an orphan?
Nakatulog ako sa kakaisip at kakaiyak. Nagising lang ako sa isang yakap at pagsiksik ng ulo nito sa leeg ko.
"Trane.." I mumbled. Umayos ako ng pagkakahiga at humarap sa kaniya. Nakapikit siya at mabigat ang paghinga.
Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Agaw-pansin ang mahabang niyang pilik-mata. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humaharang sa mata niya.
"I love you so much," I whispered. Hinalikan ko rin ang tungki ng ilong nito.
Nagising ko yata siya dahil sa dahan-dahang pagmulat nito. Titig na titig siya sa'kin. Bumuka ang bibig niya, may gustong sabihin pero hindi niya ginawa. Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.
Naramdaman ko kaagad ang paghawak niya sa pisngi ko. He's caressing it while kissing me.
Hindi ako makagalaw, dahil bukod sa nagulat ako ay hindi rin ako marunong humalik. Dahan-dahang napunta ang kamay niya sa leeg ko at patuloy siya sa paghaplos doon, pababa at pataas.
I just close my eyes. Patuloy siya sa paghalik, napaungol ako nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. Napahawak na rin ako sa pisngi niya at ginantihan ang mga halik niya.
Rinig na rinig ko ang sariling daing habang patuloy siya sa paghalik.
"Uhhm..." I moaned.
Napamulat ako nang maramdaman kong tumigil siya. He's looking at me intently. Pinasadahan niya pa ng tingin ang buong mukha ko.
"B-Bakit?" I asked. Hindi siya sumagot at inalis ang kamay kong nasa pisngi niya.
Bumangon siya kaya nangunot ang noo ko. "Trane? B-Bakit? May mali ba?" nagtatakang tanong ko.
Hindi pa rin siya sumasagot kaya bumangon rin ako at nilapitan siya. Hahawakan ko pa lang ang balikat niya nang walang sabi-sabi siyang umalis.
Naiwan sa ere ang kamay ko. Napaawang ako dahil sa ikinilos niya.
What did I do?
YOU ARE READING
Loving A Brokenhearted Man [Completed]
AksiSi Leisha Dianne ay isang palaban na babae. Hindi mo gugustuhin na inisin siya dahil babatuhin ka talaga niya ng libro. Hindi siya makapaniwala nang sabihin ng Ate niya na kailangan niyang pumili ng taong po-protektahan siya para hindi siya matulad...