XIAN
"Tantanan mo nga ako lea".
Kanina ko pa siya kinukulit tungkol sa crush ko kaya naiirita na siya sakin. Eh pano naman kase na hindi ko siya kukulitin eh kanina pa niya binabasa yung nasa papel nya na itroduce your self.
"Bakit ba kase kailangan mo pang ireview yan napakadali lang naman magintroduce eh" pangkukulit ko parin sa kanya.
"Ay bakit" at ngayon tinignan na niya ako. "Gusto ko pinakamaganda tong akin para naman hindi ako magmukhang tanga mamaya. Ikaw kase inuuna mo pa yang pagiging delusionada mo" sabay tulak nya sa noo ko.
Bwisit na babaeng to wala man lang kaligayahan sa buhay.
Binatukan ko siya. "Hoy! Hindi ako delusionada no, halata naman na may gusto sakin yun. Yung mga titig nya nakakahimlay tehhhh!
Sa sobrang kilig ko ay napasigaw pa ako kaya napatingin sakin ang mga kaklase ko. May mga hindi pamilyar sakin siguro inilipat sila dito.
"Nakakahiya ka talaa Lea itigil mo na nga yan. Kung gusto mo akong makinig sa mga kadelusionadahan mo mamayang breaktime na, kailangan ko pa tong unahin".
"Ay hindi! May gagawin ako mamaya".
"Ano naman ang gagawin mo?"
"Hahanapin ko si mr. Pogi, kailangan kong malaman kung saan ang room nila para dun ako lagi dadaan".
"Ewan ko sayo bahala ka diyan" mukhang hindi na siya nakapagtimpi dahil umalis na siya sa tabi ko.
Tumigil na lang din ako sa pagkukulit ko sakanya dahil dumating na rin ang adviser namin. Bumalik na rin si Miles sa tabi ko at nagsimula na ang introduce yourself na kanina pang pinapractice ng bruhang to.
"Goodmorning" mataray na sabi ng adviser namin. Gosh nadagdagan nanaman ng bruha sa buhay ko.
"Goodmorning ma'am" sabay sabay na sabi namin.
"So i think you already know kung ano ang mga ginagawa pang first day of school, we need to introduce ourself. Ako nalang muna ang mauuna at susunod ang row na ito" tinuro niya ang row namin na nasa harap.
May dalawa pa namang magiintroduce bago ako.
"I am your adviser Ms. Johanna Ella Lourdes, call me Ms. Lourdes. Ngayon pa lang sasabihin ko na kayo na hindi ako mabait, i'm that kind of strict person ayaw ko sa mga walang respeto. Alam niyo kung ano ang ginagawa ko sa mga walang respeto? Idinadrop out ko ang mga yan, kahit gaano pa kayo kayaman hindi ko kayo uurungan".
Grabe! Paano na yan madadrop out na ako agad. Marami pang sinabi ni Ms. Lourdes bago siya natapos.
Nagsimula ng nagpakilala ang mga iba kong classmate hanggang sa nasa tabi ko na ang magpapakilala.
"Hi everyone, my name is Buddha Angelo Realica but call me angel for short" feel ko magkakasunduan kami nito dahil mukhang kalog rin siya. "Gusto niyo ba ng motto? Sige, kung kaya ng iba pwes ipagawa mo sakanila thankyou" nagbow pa siya bago umalis.
Tumawa kaming lahat except kay lourdes, chaka nito boring siguro ang buhay kaya hindi nagkakajowa.
"Huy babaita, ikaw na puro kase crush iniisip mo".
Tinarayan ko muna sya bago pumunta sa harap. Ngumiti pa ako kahit hindi ko.naman alam ang sasabihin ko hanep, kailangan pa ba to ng motto sus wag na bida bida lang talaga si buddha.
YOU ARE READING
Destiny
RomanceKaya mo bang maghintay para sa taong pinakamamahal mo? Katulad ni Alea naghintay siya ng matagal para sa kaniyang minamahal dahil naniniwala siya sa kasabihan na "Kung tunay mo siyang mahal ay matuto kang maghintay kahit gaano pa katagal". Because i...