Chapter 18

21 0 0
                                    

SHOOTER

Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan!

My god lea! Nakakahiyaaaa!

Ramdam ko ang tingin at bulong ng mga nasa paligid. Baka mamaya biglang may sumabunot sa akin!

"Gaga ka ano yon??" si miles na hindi rin makapaniwala.

Sinabunutan ako ni budang "Kaya naman pala inuulo ulo mo ako dyan, ikaw pala 'tong may balak" tinaasan pa ako ng kilay.

"Nakakahiya" bulong ko. " Nakatingin pa rin ba siya?".

"Not anymore, don't worry wala naman yon pakealam. Sanay na siya sa mga ganon" pagpapakalma naman sa akin ni yanna.

Right! Wala siyang pake.

Nagsimula na nga ang laro. Round 1 palang ito pero sobrang intense na ang laban!

Lamang ang team sky warriors! 25-18 ang score.

Naghihiyawan ang mga tao kaya sobrang ingay.

"Realica inagaw ang bola shinoot, 3 points!"

Pabida talaga 'tong xian kahit kailan!
Tinignan ko namna si porche na wala pa rin expression! Aba ayos din 'to.

Malapit na malamang ang team beamers ang team sky warriors! Lagi kase inaagaw ni xian ang bola kaya lagi sila nagkakascore.

"Realica inagaw na naman ang bola shinoot, sapol!".

Buti nga sayo, masyado ka kaseng pabida!

"Walker nakuha ang bola pinasok, 3 points!" syempre naghiyawan na naman ang mga oat pati na rin tong bading sa tabi ko.

Hindi muna ako nakisabay kase 'di pa ako nakamove on sa nangyari kanina!

Hindi na naabutan ang score ng team sky warriors, lamang sila sa first round.

54-37.

Nag-break muna sila para sa round 2 mamaya. Naagaw ng atensyon ko ang lalaking naglalakad papunta sa pyesto namin! Nagtama ang mata namin ni xian nakangisi ito habang papalapit sa amin. Ano na naman kaya trip nito.

Nang makalapit na siya sa amin ay pumunta siya sa harap ko! As in sa harap ko mismo! Punyemas!

"You should wear red shirt" puta desisyon!

Inirapan ko siya. "Ba't ka ba nanditon bwisit".

Ngumiti pa siya na akala mo may saltik. "You're too harsh, kanina lang sinisigaw mo pangalan ni porche".

Natahimik ako dahil bumalik ang kahihiyan ko. Lintik na xian 'to pinaalala pa!

"How about me? Icheer mo rin ako para naman ganahan ako maglaro" lintik na lalaki 'to masyadong kupal!

"In your dreams, umalis ka na nga dito. Agaw eksena!" pagmamaldita ko sa kanya.

"If we win, let's have a date" parang nabingi pa ako sa sinabi niya!

Bwisit! Magdate ka mag-isa mo!

Sasagot na sana ako ng magsalita na naman siya.

"Cheer me but instead of my name baby na lang" kinindatan pa niya ako bago umalis!

Kainis! Baby mo mukha mo.

"I think kuya really like you talaga" si buddha.

Inirapan ko ang bakla sa gigil. "No offense buddha pero kahit kailan hindi ko siya magugustuhan as in never in my life".

"Sabi ko bang gusto mo" umirap din ang bakla.

"Omg, may something kaya sila?"

"Alam niyo ba lagi ko sila nakikitang nag-uusap".

Destiny Where stories live. Discover now