Chapter 13

85 2 0
                                    

BEACH

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nag-aayos ako ngayon ng damit ko dahil pupunta kami sa beach dahil doon gaganapin ang b-day ni yanna.

Ayoko pa sana sumama dahil iniiwasan ko si porche dahil sa nasaktan talaga ang puso sa sinabi niya ngunit nakakahiya naman kay yana lalo na't matagal na nila itong plano.

Nakasuot lang ako ng white top at white skirt. Nagmessy bun na lang ako dahil nagmamadali rin ako dahil ako na lang ang hinihintay.

"BMPPPP BMPPPP BMPPPP".

Bumaba na ako ng marinig ko ang busina sa baba. Nagpasundo na lang ako kase baka maabala ko pa si kuya manuel sa paghatid sakin.

"Una na po ako, manang" sigaw ko ng malakas papalabas sa bahay.

Pagkalabas ko ay isang hindi pamilyar na lamborghini ang bumungad sa akin.

'Sino tooo??'

Tumayo muna ako ng matagal sa labas nito dahil ayoko naman na pumapasok na lang lalo na di to pamilyar sakin.

Matagal tagal pa ng bigla itong bumusina.

The fvck!

Nagulat ako ng mukha ng taong kinaiinisan at iniiwasan ko ang bumungad! Bakit siya?

Nakahawak ang isang kamay niya sa manobela habang kunot noo siyang nakatingin sa akin. "What do you think your doing?".

'Ha? Eh wala naman akong ginagawa. OA.'

"Bakit ikaw?" mataray na sagot ko.

Apaka sungit. Konti na lang parang papatay na.

"Papasok ka o hindi, your wasting my time".

Pumasok ako ng padabog dahil no choice ako baka sapakin pa ako sa init ng ulo!

Tuluyan ng umandar ang sasakyan ngunit wala ni isa sa amib ang umimik. Of course magiging nonchalant muna ako, di rin naman ako papansinin pag nagsalita ako.

Binuksan ko na lang cp ko para magbusy busyhan kunyare.

@yanna

me: hoyyy punyeta bakit ito sumundo sakin??

yanna: wow pakipot ka pa, si porche na nga yan e.

Hindi ko sinabi sa kanila kung anong nangyari noong gabing yon.

yanna: wag mong inisin yan sis ha, napilitan lang yan baka ibangga pa nya yan hahahaha.

me: typing...

"I will give your phone tommorow" napatigil ako sa pagtatype ng biglang nagsalita ang bakulaw.

Late ko na narealize na phone pala niya gamit ko. Jusko paiwas iwas pa ako e nanghihiram lang naman ako ng phone.

"Ok" malamig na tugon ko.

"And also give me back my phone too".

"Ok".

Kala mo ikaw lang malamig ha. Si amihan ka lang ako si elsa.

Biglang may nagchat sa cellphone niya kaya kinuha niya ito. Sino na naman kaya yon?

Kahit nagdadrive nagccp pa rin tskk.

Sumandal na lang ako tsaka tumingin sa bintana. Hanggang sa nakatulog na ako.


*****

Matagal pang byahe hanggang sa may gumising sa akin.

"Hoy girll"

Nagising ako sa lakas ng bunganga ni buddha.

Tumingin ako sa paligid ko at nandito na nga kami sa beach. Tinignan ko si porche ngunit wala na ito.

"Bakit ikaw?"

"Anong ako?"

"Nasan si porche?"

Sinabunutan ako ng bakla. " Gaga tama na ang landi, pinagising ka niya sakin nandun na siya sa baba".

Bwisit na yon. Sa iba pa ako pinagising.

Padabog akong bumaba sa kotse niya at ninamnam ang amoy ng dagat. Nakita ko na rin sila kaagad.

May nagseselfie, may naglalaro, may nagluluto. Lumapit ako kay yanna at miles na nagtatawanan.

"Oh hi girl, pagod na pagod?" si miles.

Inirapan ko na lang sila.

"Malapit na magsunset, tara palit na tayo ng outfit?" yaya ni yanna.

"G" tumayo ka agad si buddha walang paawat.

Pumunta rin kami kaagad sa kwarto namin. Maganda ang kwarto nito clear glass siya at may dalawang kama. May tv at lamesa pa ito na may laman na pagkain.

Nagpalit lang ako ng white swimsuit at pinatungan ko ng pants na may slit.

Nagpicture picture lang at naligo ang ginawa naman ng hapon na yon at di ko nakita si porche. Sabi ni yanna nasa kwarta raw siya. May sarili siyang kwarto rito dahil yon yung gusto niya.

Gabi na ng mapagpasiyahan kong maglakadlakad na lang muna dahil wala akong magawa. Tsaka marami dito ang magandang pagtambayan

Habang naglalakad ako ng biglang bumungad si porche sa harap ko. Anong meron dito? Naglakad lakad rin?

Nakasuot siya ng white polo na pang beach at beach short. Sobrang pogi niya tignan.

Dederetso na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Where are you going?".

"Kung saan wala ka" umirap pa ako.

"Don't go there".

"At bakit?" pananaray ko. "Pupunta ako kung kailan ko gusto!"

"Maraming tambay don and also they drunk" malamig na boses niya.

"Ano bang pake mo? Wala ka ng pakealam kung anong mangyari sa akin. Feeling concern ka ngayon pero ang totoo naman wala kang pakealam sakin!".

Tinaasan niya ako ng kilay. Para bang jinajudge ako.

"Then go, binalaan lang kita there's no meaning don't worry".

-alies💗💗💗








Destiny Where stories live. Discover now