Chapter 19

34 1 0
                                    

MVP

Pagkarating namin sa parking lot ay binitawan na niya ako. Ano naman trip nito at may pahila hila pa.

"Go inside" napatingin ako sa lalaki sa harap ko na seryoso rin nakatingin sa akin.

"Bakit? Saan mo ako dadalhin?" syempre pakipot muna ang eagirl.

"I said go inside" malamig na boses.

Kainis naman 'to. Kung makapag-utos kala mo kung sino!

"Hindi ako sasakay hanggang 'di mo sasabihin kung saan mo ako dadalhin!" sinigawan ko siya sa inis!

Tinaasan niya ako ng boses at mukhang naiinis na rin siya. "Papasok ko o sasagasahin kita!".

Syempre no choice ang ea kaya sumakay na ako baka magbago pa isip niya. Bahala na kung san man lupalop niya ako dalhin.

Pagkapasok ko ay sobrang bango sa loob ng sasakyan niya. Pumasok na rin siya at agad niya ito pinaandar.

"Saan lupalop ba tayo pupunta?" syempre makulit ako kaya naman kukulitin ko pa rin siya.

"Can you please shut up, ang ingay mo!" galit na ang ekalal.

Tumaas lahat ng dugo ko sa ulo! "Punyemas ano ba trip mo? Isasakay mo ako dito, hinila hila mo ako paalis sa court tapos aalis tayo ng 'di ko alam saan tayo pupunta?! Kung ishushut up mo lang pala ako edi ibaba mo na lang ako diba?" umirap pa ako.

"Iuuwi kita, tell me where is your location" eh?

Baliw ba 'to, ba't naman niya ako ihahatid sa bahay namin aber?

"Iuuwi mo lang pala ako kaya ko naman umuwi mag-isa, ano ba rason bakit mo pa ako iuuwi?"

"Tell me where is your location" hindi man lang niya sinagot ang tanong ko!

Edi no choice na naman kundi sabihin na lang kase desisyon naman sa buhay ko 'tong tao na 'to.

Kainisssssss!

At sa mahabang mahabang katahimikan ay nakarating kami sa bahay.

"Thanks" walang ganang pasasalamat ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil bumaba na ako agad.

"Alea" bumaba rin siya sa sasakyan niya.

'Alea' hayop first time niya ako tinawag sa pangalan ko!

Tumingin ako sakanya.

"Don't assume anything, i just need to do this to make xian..." hindi niya tinuloy ang sinabi!

"Make xian what?".

"I need to go" at sumakay na nga siya sa sasakyan at umalis na siya!

Nakakainis naman 'to daming keme sa buhay.

                            *****

Lahat nang studyante ay nasa loob ngayon ng gymnasium dahil dito gaganapin ang awarding. As usual magkakatabi na naman kaming magkakaibigan.

"Jusko sasabak na tayo sa exam nextweek!" si miles.

"Na stress na nga ako sa foundation na 'to maiistress na naman ako sa exam" si buddha.

Agree rin ako kase talagang pinagsasabay na nila lahat.

"Goodmorning everyone, it's me again!" hindi pa rin nagbago yung host siya pa rin. "Now let's move on to the last part of this event a awarding."

Wala naman kaming award kase wala naman kaming sinalian except kay yanna dahil sumali siya sa academic pero dapat umattend pa rin kase. Sobrang boring na nga e.

Destiny Where stories live. Discover now