Chapter 15

157 6 2
                                    

HE SAVED ME AGAIN

Maaga akong nagising dahil sa gutom. Tulog palang ang tatlo ng bumangon ako, lumabas na lang akong mag-isa kaysa gisingin ko pa sila lalo na't late sila natulog kagabi, puyat pa mga 'to.

Pagkalabas ko ay mejo madilim pa at wala pang tao sa labas. Nagtempla ako ng kape tsaka pumunta sa may dagat. Mejo high tide ngayon kaya malakas ang pagbagsak ng mga alon.

Pinagmamasdan ko ang pagbaba ng buwan at bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Isa itong bangungut sa buhay ko na kailan man ay 'di ko makakalimutan. Hindi ko maisip kung paano na lang kapag wala si porche, paano na ako?

Habang nakatingin ako sa malawak at maaliwalas na karagatan ay biglang tumawag si mommy sa akin. Naaalala pa pala nila ako.

"Yes mom" walang ganang sagot ko.

"Hi honey are you still awake? Madaling araw na diyan" ani ni mommy.

"Nasa dagat kami ngayon because it's yanna's birthday".

"Oh ok honey, ingat ka jan ha. I miss you so much love love ko" miss ko na 'rin po kayo, pero hanggang kailan na lang. "Btw honey tinawagan kita kase naextend na naman kami ng daddy mo dito, don't worry honey kung gusto mo punta ka dito at mamasyal ilalakad ko na papeles mo, you want?".

"No mom, ingat na lang kayo jan bye".

Lagi na lang ganito, puro extend. Ano pa ba sanay naman na ako e, simula pa bata ako busy na sila kaya siguro malayo loob ko sa kanila. Habang nagmomoment ako ay may bigla umupo sa tabi ko. It's porche.

Tinignan ko siya pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa karagatan. Nakahoodie siya na kulay puti at nakablack pajama. Kahit saang anggulo ay napakapogi niya talaga. Posible kung wala pa tong nagiging gf.

"Don't look at me" napaiwas ako ng bigla siyang magsalita.

"Edi wag" bulong ko.

Tahimik lang siya at parang may malalim na iniisip. "Anong ginagawa mo dito?".

"Why? Bawal ba?" apaka pilosopo naman nito.

Umirap ako. "Nagtatanong lang, bawal?" pangaggaya ko sa kanya.

"Oo".

Tinignan ko siya. "Bakit ba ang sungit mo? Siguro pinaglihian ka sa sama ng loob".

Tinignan naman niya ako. Walang reaksiyon ang kaniyang itsura.

"What do you think?".

Inirapan ko siya. "Pogi mo na sana pero ang gulo mo minsan no" pangbibiro ko sakanya.

Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito. Lagi kapag nakakausap ko siya ay hindi niya ako sinasagot pero ngayon mukhang nag-iba ang ihip ng hangin.

"You know, ang kulit mo" napatingin ako sa kanya ng sabihan niya ako nang makulit. "Sa lahat ng kumakausap sa akin, you are the only one who always teases me".

Tumawa ako nga malakas.

Tinaasan niya ako ng kilay. "What's funny?".

"Masarap ka naman pala kasama, kapag 'di nagsusungit no".

Hindi niya ako sinagot at naging seryoso siya. Baliw din to minsan no.

Mejo kumalma na ang alon at lumiliwanag na. Mukhang masarap maligo kaso ayoko naman na mag-isa lang ako. Nang makita ko ang katabi ko ay kinapalan ko na ang pagmumukha ko.

"Alam mo ba mr. moody maligo na lang kaya tayo diba" yaya ko sakanya pero tinignan niya lang ako.

'Ano bang klaseng lalaking 'to at parang walang pake sa mundo'.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destiny Where stories live. Discover now