Chapter 8

263 6 0
                                    

FOLLOW

Naglalakad ako ngayon sa covered walk papunta sa room namin. Late nanaman ako kaya for sure magagalit nanaman si miss lourdes.

"Jusko naman kase di man lang ako ginisig" bulong ko. Nag alarm naman ako eh kaso pm yung nailagay ko my god sobrang tanga ko!

Habang naglalakad ako ay binuksan ko ang cellphone ko. Sobrang dami nanaman chat sa gc naming magkakaibigan, minention pa ako.

"@alchell, asan ka na te nandito na si miss lourdes" si yanna.

"@alchell kahit kailan talaga batugan ka, bahala ka na dyan hirap mo ipagtanggol" si miles.

"@alchell, hoy alea michelle mandella umabsent ka na lang inexcuse na kita kay miss lourdes sinabi ko nagtatae ka" si buddha.

Nandito na ako alangan magback out pa ako sayang naman.

Busy akong nagchachat sa phone ko ng biglang may nakabangga sakin dahilan ng pagkahulog ng phone ko!

"OMG my phone" pinulot ko ito ngunit sobrang daming basag!

'Walanghiya!'

Galit kong tinignan ang taong nakabangga sakin nabigla pa ako ng makita ko si porche, ngunit mas lamang ngayon ang phone kong nabasag.

Tumingin sakin ng walang emosyon ang lalaki tsaka ako nilampasan!

"Hoy lalaki bastos mo ha, ikaw na nga tong nakaperwisyo tapos ikaw pa tong tatalikod!" sobrang lakas na sigaw ko ngunit hindi man lang ako tinignan.

'Bastos talaga'.

"Hoyyyyyyy!" at talaga di pa ako tinignan. Kumuha ako ng bato tsaka ko sya binato.

At sa wakas ay tumingin na ang lalaki sa akin ngunit kita sa mukha nya ang galit. Kung galit sya mas galit ako bwisit!

Lumapit ako sa kanya "Wag kang magreklamo kasalanan mo rin naman bakit kase ayaw mong tumingin" naguguilty pang sabi ko.

"You know? You're wasting my time" papatalikod na sana sya ng hinawakan ko ang kamay nya.

"Wow ha waisting my time ka jan, may kasalanan ka sakin kaya dapat lang na paglaanan mo to ng oras" ipinakita ko sa kanya ang phone ko na basag ngunit parang wala lang sakanya ito.

"So? You think i care?".

Tanginaaa! Sarap sampalin.

"Dapat lang na may pakealam ka kase kung hindi dahil sayo hindi basag ang phone ko ngayon diba, sobrang lawak kase ng daanan pero nakuha mo pa akong banggain" nabwibwisit na ani ko.

"It's just a phone, why it's so big deal to you" nawawalan na sya ng pasensya.

"Yes it's just a phone pero hindi ang cellphone ang problema ko ok, yung mga contacts, pictures and some important".

"Then ipaayos mo! Can you pls stop over react, i'm busy and i don't want to waste my time sa mga walang kwentang bagay" sigaw nya sa mismong harap ko.

Di ako sanay ng nasisigawan kaya parang konti na lang ay iiyak na ako, but no i don't want to cry in front of him.

"Alam mo pogi mo sana pero wala kang respeto sa babae o kahit sino pa jan" lumapit ako sa mukha nya at halata naman sa reaksyon nya na nabigla sya. "Everyone will hate you because of your dumb attitude hindi habang buhay ikaw ang pinakamataas".

                              ****

Nandito ako ngayon sa garden hinihintay ang tatlo. Hindi na ako umattend sa dalawang klase dahil sa badtrip.

'Kapal ng mukha, paano na ngayon to black na lahat oh. Bago pa naman to and it's daddy gift'.

Kaya ko naman ito ipaayos ang gusto ko lang naman magsorry sya eh tas ako pa tong sinigawan!

Nagmumuni ako ng biglang dumating ang tatlo.

"Long time no see" pagbibiro pa ni buddha.

"Oh san lupalop ka nanggaling te, aga aga badtrip ka" si miles.

Umupo sila sa harap ko at tinignan nila akong lahat, mukhang naghihintay sa sagot ko.

"Tigilan nyo nga ako, badtrip ako ngayon" nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanila.

Kita naman sa reaction nila na nabigla rin.

"Oh my, what happend?" si yanna sabay kuh sa phone ko.

"Kagagawan ng magaling mong pinsan" sumandal nalang ako sa sobrang badtrip.

"Si porche??" sabay sabay pa silang nagsabi.

Oa naman ng mga to. "Wait nga, ano ba nangyari" si yanna.

Inexplain ko sakanila lahat ng nangyari simula sa restaurant hanggang sa dito!

"I will talk to him" si yanna na  halata sa ekspresyon nya na di nya nagustuhan ang mga nangyari.

"Wag na, ako nalang magpapaayos kaya ko naman na to".

"No lea, sumosobra na sya isusumbong ko na sya sa kila tita".

"Yanna please, ok na wag na natin palalahin".

Bakit ko ba sya pinagtatanggol. No, hindi ko sya pinagtatanggol ayoko lang na lumala pa to baka umabot pa kila daddy.

"Wait, so ibig sabihin noon pa may interaction na kayo?" pagchichika pa ni buddha.

"Bad interaction nga lang, HAHAHAHAHA" si miles.

Mas lalo talaga aking binibwisit ng mga to eh. Inteinteraction pa eh di ko naman yon crush.

"Tumigil nga kayo".

Saan ko to ipapaayos ngayon. BWISIT TALAGA!

"Baka next turn nyan ay magkadevelopan kayo ha" pambibiro pa ni buddang.

Inirapan ko sya. "Malabo di ko magugustuhan ang kumag na yon".

Nagchikahan pa kami bago pumasok sa room namin.

Dalawang subject lang naman ang nilesson namin ngayon dahil mejo busy busy din kase ang teachers.

Pagdating ko sa bahay ay agad kinuha ni manang ang mga gamit ko.

"Where's kuya, manang" tsaka ako umupo sa sofa.

"Ay umalis pala sila sinama mga pamangkin mo, di sinabi saan pupunta eh pero hanggang bukas daw sila don" si manang.

"Ok po manang, shower lang ako".

"Sige ihanda ko na mga pagkain".

Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga ako sa kama.

'So tiring day'.

Napaupo ako ng marealize na sira pala phone ko!!

Buti nalang meron ang loptop ko,  agad ko itong binuksan at kailangan pa ito iupdate. Ngayon ko lang nanaman kase bubuksan ito kaya marami ang iuupdate. Habang naghihintay ay nagshower muna ako.

Pagkatapos kong magshower ay tinignan ko agad ito kung tapos na, at salamat sa lord dahil nagwork naman.

Sobrang dami nanaman ang chat sa gc namin at ako pa talaga ang topic!

Busy akong nagbabackread ng biglang may nagnotif.

@prche requested to follow you.

-ali💗💗💗
   

Destiny Where stories live. Discover now