Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na 'yon. Sobrang daming gumugulo sa utak ko. Sino ba kase ang angel na 'yon!
Isang buwan na ang nakalipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang araw na 'yon. Isang buwan ko na rin hindi nakikita si porche, 'di ko alam pero ako na mismo ang umiiwas dahil naguguluhan na ako.
Nandito kami ngayon sa garden dahil vacant namin ngayon. Kasama ang mga kaibigan ko.
"Hays lapit na ang christmas!" si buddha.
Dalawang linggo na lang ay sembreak na namin. Hindi ko alam kung saan na naman ako magpapasko dahil for sure wala na naman sila mommy. Kung kila kuya na naman ako ay wag na lang.
"Super excited na ako dahil sa usa ako magpapasko at new year" si miles. Meron kamag-anak si miles sa usa and minsan dun talaga sila nagpapasko.
"Ediwow" bulong ko pero mukhang narinig nila kaya agad silang tumahimik.
Alam kase ni miles na wala talaga akong kasama kapag pasko kaya minsan sa bahay nila ako.
"Isama na lang kita sa US" nakangiting ania pa ni miles.
Umirap ako para hindi tumulo ang luha ko na kanina pa gustong lumabas.
"Tsk, akala mo naman. Don't worry guys i can manage myself" biro ko sa kanila.
Tumikhim si buddha. "Pwede sana sa amin kaso pupunta kami sa father side ko e alam mo na matapobre mga yon baka awayin ka pa".
"Ok nga lang sabi, wag na kayong mamomblema sa akin" tumawa pa ako para kunyari 'di nalulungkot.
Magchachange topic na sana ako ng bigla nagsalita si yanna.
"Sa amin ka na lang magpasko, you're welcome there" nakangiti pa ang babae.
"Wag na nakaka-" di na niya ako pinatapos.
"No lea, sa amin ka magpasko period."
Dahil wala naman akong choice kaya sa kanila ako magpapasko. Nagchikahan pa kami ng nagchikahan hanggang sa napagpasyahan namin pumasok na sa room.
Kaunting discussion lang naman ang nangyari kaya maaga kaming dinismiss.
"Boring talaga magturo si sir benten" bored na bored pang tumayo si buddha sa kinauupuan niya.
"Hay nako budang kapag ikaw narinig talaga ni sir ben sa pinaggagawa mo sa pangalan niya ewan ko na lang" si miles na nagmamake up naman.
Inaayos ko ang mga gamit ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at si mommy ito, nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba pero sa huli sinagot ko pa rin.
"Honey are you not going home?" malumanay na boses ni mommy.
Oh nakauwi na sila.
Napabuntong hininga na lang ako. "No mom".
"Ay sayang naman, nakauwi na kami ng daddy mo btw" ramdam ko ang saya sa boses nya.
Kahit kailan hindi naman pinaramdam nila mommy na hindi nila ako mahal pero pinaparamdam naman nila sa akin na wala silang oras sa akin at matagal ko na iyon tanggap siguro may konting tampo lang.
"Oh really? See you" walang ganang sagot ko. "Bye mom lalabas na kami" ako na mismo ang pumatay.
Pagtingin ko sa mga kasama ko ay sabaysabay pa silang umiwas dahil kanina pa pala nila ako hinihintay.
"Are you ok?" yanna ask me.
"Oo naman" tumayo na ako para makaalis na kami.
Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. Kay yanna ako sasakay ngayon.
Syempre sa restaurant na naman nila yanna kami pupunta lagi naman. Sa totoo lang sawang sawa na talaga ako pero ayoko naman magreklamo dahil libre naman.
Nandito kami ngayon sa loob ng kotse ni yanna. Nakatingin ako sa labas dahil inaaalala ko na nandito na pala sila mommy.
"You're so silent" pagputol ni yanna sa katahimikan.
Sobrang dami ko ng iniisip hindi ko na alam ang gulo gulo na ng utak ko. Dumagdag pa yong angel na yon.
"Ah wala sobrang dami kasi ang iniisip ko".
"Tell me what's bothering you?".
What if tanongin ko sya tungkol sa angel na 'yon. For sure may alam sya tsaka mabait naman 'tong si yanna. Tama tanongin ko sya!
"Ah kase about porche" speaking of porche isang buwan na 'di ko pa sya nakikita.
Tinignan niya ako at agad din binalik sa daan. "What is about porche?" binagalan niya ang pagdadrive. "Btw you are close na ha".
Close? Tsk close ba 'yon e mukhang binabadtrip lang si xian na kumag.
"Anong close? We're not even talking, last na yung awarding na nag usap kami".
But i admit miss ko na sya HEHE.
"Nasa london si porche" huh? ano naman ginagawa nya don.
"London?"
Tumikhim siya."Yeah, sinama sya ng mommy niya for important business ata".
Wow kailangan niya umabsent ng isang buwan para sa business na 'yon? Tsk bata pa sya pero kung makapagbusiness. Basta ako never akong gagaya kila mom na puro business.
"Yanna".
Tinignan niya ako. "Yes?".
Paano ko ba ito sisimulan. Bahala na. "May kilala ka bang angel?".
Umiwas sya ng tingin sa'kin na parang nagulat din sa tanong ko.
"Angel? So many angel lea".
Tsk alam kong may alam 'to inaawasan lang.
"Angel that related to porche" napasigaw ako ng bigla sya nagpreno muntik pa ako mauntog sa sobrang biglang preno niya.
Tinignan ko sya at bakas sa mukha niya ang gulat.
"Bakit? Gusto mo bang mamatay na tayo?" iritang tanong ko sa kanya.
Tinitignan lang niya ako na para bang may gusto syang sabihin na hindi niya masabi.
"Don't ever try to bring up angel to porche alea, naiintindihan mo ba ako?" maawtoridad na sabi ni yanna.
"Why? Ano bang meron?".
"Basta lea, i'm warning you don't ever talk about her ok?" pinaandar na ni yanna ang sasakyan.
Bwisit ano ba kase ang meron sa babaing yon. Kairita!
Nakarating na kami sa restaurant pero wala pa rin umiimik sa amin. Lalabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Alea" iba na nag boses niya 'di gaya kanina na parang attorney kung makapagbanta.
"Bakit?"
"Sorry if i can't answer your question, ayoko kaseng mangealam tungkol dun. Alam mo naman kung paano magalit si porche diba?" ramdam ko ang lungkot sa boses nya na para bang nakokonsensya.
Ngumiti ako. "Ok lang hindi naman kita pinipilit."
"Btw saan mo ba nalaman ang tungkol sa kanya" curious na tanong ni yanna.
"Nabanggit lang noong nag away sila ni xian at may nakita akong angel sa loob ng tree house sa farm" pagkwekwento ko sa kanya.
"Then you can ask xian about that if you're curious".
Tsk e magagalit nga si porche diba. "Susubukan ko".
Binuksan niya ang pinto at bago sya lumabas ay may sinabi siya na hindi ko kailan man malilimutan.
"That woman is very important to porche".
Very important.
-ali💗💗💗💗
YOU ARE READING
Destiny
RomanceKaya mo bang maghintay para sa taong pinakamamahal mo? Katulad ni Alea naghintay siya ng matagal para sa kaniyang minamahal dahil naniniwala siya sa kasabihan na "Kung tunay mo siyang mahal ay matuto kang maghintay kahit gaano pa katagal". Because i...
