Chapter 12

279 5 2
                                    

"NOT NOW AND NOT EVER"

Habang nagtatawanan kami dahil sa kwento ni buddha ay biglang may dumating na agad na nagpatahimik sa amin.

Kumakain kami ngayon ng panghapunan dahil na no choice kami dahil pinilit kami ng tita ni yanna.

Bumungad  ang isang pamilyar na babae napakaganda at elegante, bigla kong naalala ang babaeng nakausap ko noon sa bahay nila yanna at mukhang siya yon.

"Hi my princess" nakipagbeso pa ang babae dito.

"Hi mommy" tsaka kami tinignan ng babae. "Oh there is guest pala, hi everyone" tsaka siya ngumiti sa amin.

Umupo siya sa tabi ni yanna at nagusap sila saglit. Mukhang close sila di kagaya ni porche.

"Laurie, can you call your brother" mukhang aligaga na ang mommy nila dahil mukhang si porche lang ang hinihintay niya dito. "He's not answering my call".

"Ok mom, i will kill that boy if he wil not come" tsaka tumayo ang babae.

Nagusap usap pa kami about sa mga nangyari nung bata si porche at yanna. Nagkwekwento ang mommy nila porche at hiyang hiya naman si yanna. Sa kwento ng mommy nila ay close na close si yanna at porche pero bakit nagsomething went wrong.

Agad din bumalik si ate laurie.

"He's on his way na raw mom" umupo na rin siya at tinuloy ang pagkain.

Ilang oras pa ang nakalipas ng dumating na nga ang kanina pang inaantay.

He's wearing black polo and black pants. Sa suot niya ay mas nagmukha siyang pogi. Seryoso lang siyang naglalakad palapit.

"Omg he's here na, sobrang pogi talaga" bulong ni buddha na mukhang ako lang ang nakarinig.

Agad naman tumayo ang mommy niya ng makita ang anak. Sobrang saya niya.

"Oh my god my son, how's my baby i miss you so much baby you know i bought what you like, I'm sure you'll like it" niyakap siya ng mommy niya ngunit wala pa rin reaksyon ang lalaki.

Rude!

Pati pamilya niya ganun pa rin pala trato niya.

"Don't call me that way, i'm not baby anymore" walang ganang sagot nito saka siya umupo sa may tabi ko dahil doon na lang may space.

"Porche your mouth ha" si ate laurie.

"You're not baby anymore but your still my baby" nakangiti pa rin ang mommy niya kahit binastos na ito.

Nagsimula na kami ulit kumain. Kanina pa tanong ng tanong si ms. halse sa kanyang anak ngunit hindi ito sinasagot ni porche. Pinapagalitan naman ni ate laurie ito.

"So how's your study baby?".

"Fine" walang ganang sagot ni porche sa kanyang ina.

"Porche can you speak nicely to mom!" sabat naman ng ate nya.

Tumayo si porche. "I need to go, i don't want to eat  with useless people" tsaka niya tinignan ang mommy niya na parang may pinaghuhugutan.

"Porche! Porche! Bumalik ka rito or i will kill you" pero hindi siya pinansin ng lalaki. "Sorry mom i will talk to him".

"No, don't mind him it's ok" kita sa mukha ni ms. halse ang lungkot.

Tumayo ako para magcr. "Cr lang po ako".

Habang naglalakad ako papuntang cr ay nakita ko na nakailaw ang tree house. Mukhang may tao rito kaya umakyat ako para tignan ang loob dahil sa curiosity.

Pagkapasok ko rito ay nakita ko si porche rito. Nakaupo siya sa may tabi ng bintana at nakatingin sa labas. Mukhang sobrang lalim ang kanyang iniisip.

Lumapit ako sakanya at mukhang napansin niya ako, tinignan niya ako gamit ang matalim niyang mata.

"What are you doing here" malamig na boses.

"Ah gusto ko lang makita ang loob ang ganda kase".

"Nakita mo na, now get out!" medyo malakas niyang sigaw.

Napaatras pa ako dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Why your so rude!" sigaw ko na rin dahil sa inis sa pagsumbat niya sa mommy niya. "Paano mo naisasapuso ang mga pagsumbat mo sa mommy mo sobrang concern nga siya sayo, buti ka nga may concern na mommy!".

Omg! Why did i do that! Ang tanga mo talaga alea.

Tumayo siya at tinignan niya ako ng malalim. "You know nothing".

"Ofcourse wala akong alam, hindi naman tayo close e" tsaka ako umirap. "Kung ikwento mo edi alam ko na diba?".

Kumunot ang noo niya na mukhang nabwibwisit.

"Can you shut up and get out" lumapit pa siya sa may pinto at binuksan.

Ngunit ngumiti lang ako tsaka umupo sa kung saan siya nakaupo kanina.

"Dito muna ako gusto ko lang mag-isip isip. I swear hindi kita kakausapin kung ayaw mo" tinaas ko pa ang kamay ko para maniwala siyang nagsasabi ako ng totoo.

Hindi niya ako pinansin at halata naman na hindi siya interesado sa akin kaya nilibang ko nalang ang sarili ko. Kung gaano kaganda ang labas ay mas maganda pa ang loob.

Ngunit naagaw ng atensyon ko ang pangalan na makadigit sa gilid malapit sa may pinto.

ANGEL.

Angel? sino kaya ito.

Gusto ko man tanungin kung sino ito ngunit baka masyado na akong epal.

Hindi ko nalang ito pinansin at tinignan ko ang lalaki kung ano ang ginagawa niya ngunit nakatitig siya sa akin.

Ngumiti ako sakanya. "Bakit mo ako tinitignan, do you like me no?" tumawa pa ako para hindi masyado nakakahiya.

Ngunit para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi.

"I'm not interested to you and i don't like you. Not now and not ever".

-ali💗💗💗

Destiny Where stories live. Discover now