Chapter 6

317 4 2
                                    

PRETEND

"Arghhhhhhhh!"

Nakaupo na kami ngayon dito sa may garden, kanina pa ako sigaw ng sigaw ng dahil sa bwisit at si yanna naman ay todo chika sa mga nangyare kanina.

"Bwisit talaga yang kapatid mo buddha sana mamatay na siya ngayon na as in ngayon na!"

Nakakahiya talaga yung ginawa niya oo crush ko lang siya noon pero hindi ko naman siya pinangarap na maging boyfriend ano!

Tumawa si buddha. "Hindi lang ikaw ang nabibwisit lea, wag kang magalala mapagalitan yun mamaya sa bahay".

"Wala akong pakealam kong papagalitan siya ang sakin ay pagsabihan mo yan dahil baka mapatay ko ng wala sa oras yan".

"Tama kana sis, ang oa mo eh crush mo nga siya dati eh" si miles.

"Naging crush ko nga pero never ko siyang pinangarap na maging boyfriend kadiri!"

Nagtuloy tuloy pa ang chismis hanggang sa pinatawag na kami ni miss lourdes.

Pagdating namin sa room ay nakaupo na doon si miss lourdes.

"Dahil nandito na kayong lahat ay makinig kayo sa sasabihin ko. Kailangan natin bumuo ng sayaw para may iperform tayo nextweek, makakasama niyo ang ang kabilang section so be ready!" Ani ni miss lourdes.

Marami sa karamihan ang nagmamaktol dahil karamihan naman sa kanila ay may kaaway sa kabilang section.

"May reklamo kayo?" Masungit na tanong ni miss lourdes.

"Eh miss lourdes hindi naman kami close dun ah" pagmamaktol ni maria ang feeling muse ng mundo.

"So it's that my fault miss panganiban?"

"No ma'am".

Gosh marami nanaman akong magiging problema this week for sure magpapagod nanaman kami.

"At dahil magpeperform kayo nextweek ay simula bukas ay magpapractice na kayo but every afternoon lang kase kailangan rin natin maglesson. That's it let's focus to our lesson now".

Marami nanaman ang nagreklamo at isa na ako doon dahil maglelesson nanaman hindi pa naman ako nagreview.

"Kung akala niyo ay nakalimutan ko ang sinabi ko sainyo last week na ireview ang mga lesson dahil magpaparecite ako ay hindi and now we start. When i call your name tumayo ka at sagutin mo ang tanong ko" epal talaga itong si lourdes.

Hindi ako nakapagreview bwisit. Paano ba naman kase ako magrereview kong ang nasa isip ko buong weekends ay ang katangahan ko sa mall.

"Miss Maria" si miss lourdes.

Tumayo naman si maria. Magaling naman siya so for sure kaya niya yan.

"The plant cells that can develop into any type of tissue are called?"

"Meristems miss lourdes" sagot kaagad ni maria.

Wow sinagot kaagad habang ako nagiisip palang kung sabagay naman first honor na siya since elem.

"Buddha stand up" tumingin naman ako kay buddha na nababadtrip. Kanina pa siya nagtatago para hindi sana siya patayuin ni miss lourdes ngunit natalo siya.

"Bakit ako, bwisit talaga" bulong ni buddha na mukhang hindi narinig ni miss lourdes.

"In what order does oxygen travel through the lungs?"

Ano na nga ulit yun basta ang pagkakaalam ko ay tatlo iyon.

"A-ahh u-uhmm,Bronchus-" nakatingin pa sa taas ang bruha para kunyare nagiisip siya.

Destiny Where stories live. Discover now