SHOUT OUT
Habang nanonood kami ng super perfect na performance ng bisita ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakaupo sa may hallway at walang emosyon na nanood din sa mga bisita.
Kung titignan mo si porche ay paea siyang hollywood artist sa sobrang pogi. Matangkad siya at may matangos na ilong na maputi. Lahat na nasa kanya kaya naman lahat ng babae sa campus ay inlove na inlove sa kanya.
Inalis ko ang tingin sa kanya at inilibot ito at sa kamalas malasan nagtama ang mata namin ni xian!
Piste!
Nakatayo siya sa may poste at nakasandal dito. Pogi rin naman siya kaya nga naging crush kineme ko e! Para siyang artista sa pilipinas, mas pogi parin si porche kung ako tatanungin mo. Magkamukha talaga sila ni buddha kung 'di lang ito baklatsubey.
Hindi parin inaalis ang tingin niya sa akin kaya ako na ang nag adjust. Nakakahiya naman sa kanya!
Nang tumingin ulit ako kung saan ang pyesto ni porche kanina ay tumayo na ito at paalis na.
Syempre si ako bilang papansin ay sinunadan ko siya. Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko na mag ccr lang pero the truth is lalandi lang.
Sinundan ko ang lalaki at mukhang palunta siya sa garden.
'Ano naman gagawin nito dito' tanong ko sa utak ko.
Umupo siya sa may upuan na nakaharap sa malaking puno. May kinuha siya sa kanyang bulsa at sigarilyo ito!
At ako naman ay umupo na lang sa malapit sa kanya at hindi masyado pinahalata na sinundan ko siya.
Ramdam ko ang tingin niya ng umupo ako sa may tabi ng upuan niya. Hay buhay, sabi ko 'di na ako lalandi pero ano 'to? Bata ka pa lea tama ka na.
"Init naman" pag iingay ko para mabasag ang katahimika ng paligid.
Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin!
Ayos!
Nginitian ko na lang siya para 'di masyado halata ngunit wala pa rin siyang reaksyon. Ano ba yan, todo smile pa ako!
"Nandito ka pala" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na nandito siya.
Hindi pa rin niya ako pinansin! Tumigil na lang ako magsalita baka mamaya sabihan pa ako ng papansin.
Tahimik ang paligid ng biglang may tumawag! Sabay pa kaming tumingin sa cellphone namin. Mukhang meant to be talaga kami dahil pareho kaming may tumawag.
Sinagot ko ang tawag ni buddha. "Hoy alea michelle, akala ko ba iihi ka lang pero bakit mukhang isang timba na yang ihi mo?" napangiwi ako sa sobrang lakas ng boses niya.
Nakaloud speaker pa naman ang cellphone ko punyemas!
"Bro, we need you here. We need our captain for the urgent meeting for tommorow" rinig ko sabi ng nasa kabilang linya sa katawagan naman ni porche.
Tumingin ako sa lalaki dahil mukhang aalis na siya ngunit wala naman ito ginawa kundi nakahawak pa rin siya sa kaniyang sigarilyo habang naka sandal sa upuan.
"I'm doing something, just start without me" napataas ako ng kilay. May ginagawa ba sa mukhang yan.
Naninigarilyo baka oo pa.
"But bro, how can we start if our captain is not here" pagpupumilit ng kausap niya.
Tinapon ni porche ang hawak niyang sigarilyo. "You can star without me elias, i don't think if i'm gonna play tommorow".
Minsan naguguluhan ako sa taong 'to. Ba't pa naging captain kung 'di rin naman pala maglalaro. Bugok din e.
"Porche you are the captain so you need to play even you don't want" talaga naman mapilit 'to.

YOU ARE READING
Destiny
عاطفيةKaya mo bang maghintay para sa taong pinakamamahal mo? Katulad ni Alea naghintay siya ng matagal para sa kaniyang minamahal dahil naniniwala siya sa kasabihan na "Kung tunay mo siyang mahal ay matuto kang maghintay kahit gaano pa katagal". Because i...