Chapter 16

33 0 0
                                    


FOUNDATION

It's normal day again. Natapos ang kaarawan ni yanna ng sobrang saya. Yun na rin ang huling araw na nakita ko si porche. Sobrang busy kase namin ngayon dahil bukas na ang foundation namin. Nakaupo ako ngayon mag-isa sa covered walk dahil wala ang mga kasama ko. Na assign kase kami sa iba't ibang gawain.

Di ko pa naibabalik ang cellphone ni porche dahil nga hindi pa kami nagkikita. Habang busy ako nakatingin sa cellphone ko ay biglang may umupo sa tabi ko.

It's XIAN!

"Hi lea, kamusta".

Hindi ko siya pinansin dahil mangkukulit lang naman ito.

"Sungit pa rin ha, galit ka pa rin ba?" tanong niya ulit ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin. "Fine, i'm sorry for telling everyone that you are my girlfriend".

Tinignan ko siya at mukhang sincere naman siya.

"It's ok kaya pwede ba layuan mo na ako" pagpapaalis ko sa kanya.

Pagod ako ngayon at wala akong oras makipagbangayan. Nagdesign kase kami sa room namin dahil may contest ng pagandahan ng room.

"Don't worry 'di naman kita kukulitin e, i just want to sit here beside you" sabay kindat pa sakin!

"Pwes ako ayoko!" nasigawan ko pa siya sa pagod.

Kinuha ko ang bag ko tsaka aalis na sana ngunit nakita ko si porche naglalakad palapit sa pyesto namin.

Pinta pinta ang damit niya at kamay. Mukhang kakatapos lang niya magpinta. Nang makalapit na siya saamin ay akala ko titigil siya ngunit linampasan niya kami!

Tinignan ko si xian at nakangiti siya na parang pinipikon pa ako kaya padabog akong umalis doon.

Sakto naman na tapos na ang mga kaibigan ko sa trabaho na naiassign sa kanila kaya nagmeryenda muna kami.

Nandito kami ngayon sa harap ng canteen sa may mga upuan na pwede pagtambayan, sakto naman na walang  masyadong tao kaya tahimik dito.

"Hays napagod talaga ako, literal walang halong eme" ani ni buddha na mukhang pagod na pagod nga. Naassign kase siya sa mga booth para tulungan ang mga studyante sa pagdedesign. Maraming booth ang inopen ngayon kaya talagang nakakapagod ito.

Si yanna naman ay naassign siya sa pagbabantay sa mga gumagawa ng tent. Ang tent na ito ay gagawin para sa mga bisita lamang kumbaga ay parang malaking sala.

Habang si miles ay buhay prinsesa lang ang atake, nanonood lang naman siya ng mga ipeperform na sayaw para sa mismong event. Na assign lang siya na manood kung may natapos o nasimulan na ba ang mga ito at iuupdate ito sa pinakamataas na posisyon.

Diba kakaiba sila habang ako nasa loob ng classroom nagdedesign dito doon! Kainez 100% ang gigil ko, super inet pa sa classroom!

"Sorry guys, silent lang ako dito. Naka mute" sabay taas pa ng kamay si miles.

Tawang tawa ang eabab! Inirapan na lang namin siya sa inis dahil habang kami naghihirap siya naman nagbubuhay prinsesa!

"Btw balita ko maraming pupuntang other school" pag iiba ko sa topic.

"Yeah, kaya dapat bonggahin natin ang foundation na 'to" seryosong ania ni yanna.

For sure mapapagod na naman kami  bukas. Ang ganap bukas ay opening remarks, dance competion at ang pagpunta ng mga taga ibang school.

At sa second day naman ay puro sports lang 'yon, siguro 'di na lang ako aattend dahil wala naman akong pakealam sa mga sports na 'yan hindi ako mahilig.

Tatlong araw lang ang foundation namin ngayon dahil wala naman masyadong gaganapin. Sa ikatlong araw ay  awarding na lang iyon kung sino ang mga nanalo every event.

"Feel ko hindi na 'to boring, 'di gaya last year mas boring pa sa ex ko na kupal" si miles, naalala ko na naman ang ex ni miles na mukhang joke time.

Nagtawanan kaming lahat at nagsimula na nga na tuksuhin si miles. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa mga naiassign sa amin

~~KINABUKASAN~~

Maaga akong gumayak dahil maaga magsisimula ang event, baka hindi ko pa maabutang ang attendance maabsent pa ako ng wala sa oras.

Nakasuot lang ako ng pink na t-shirt at white na skirt. May color color coding kase every unit at 'di ko alam sa leader namin kung bakit pink pa ang napili! Pero mas ok na 'yon kaysa naman sa orange edi nagmukha na kaming prisoner.

Magsisimula na ng nakarating ako. Muntik pang 'di ko maabutan ang attendance lintik!

Sakto naman nakita ko agad mga kaibigan ko kaya 'di na ako nagpaligoyligoy.

"Your late miss MANDELLA!" bungad sa akin ni miss lourdes. Talagang diniinan pa niya ang pelyido ko!

Papansin!

"Sorry ma'am, don't worry naabutan ko pa naman po ang opening remarks kaya 'di pa masyadong late" nagpacute pa ako sa kany para lang ibigay niya ang attendance.

Effective ang pagpapacute ko dahil binigay nga niya sa akin ang attendace pero mukhang pilit pa!

Nagsimula na nga ang opening remarks. Sakto naman nagdatingan na ang mga bisita galing ibang school. May mga nakaschool bus at meron naman naka sariling sasakyan. Agaw pansin ang mga ito dahil sa kanila na lahat ng atensyon.

Mga eksenadora ng taon!

Yan dapat award nila para perpek!

"Goodmoring everyone!" ang umagaw sa atensyon ng lahat, galing sa host. "Our most awaited guest has arrived. Let's start what everyone is waiting for, our 45th foundation anniversarry, but before everything, I will tell you the events today, firstly, the dance competition prepared by our students, and secondly, the performance of other schools and we have a lot to look forward to tomorrow. Now we will begin the opening remarks, the introduction by Maam Lourdes for our national anthem".

Pagkatapos ng opening remarks ay nagsimula na nga ang dance competition, hindi kami sumale dahil maarte kami bakit ba!

Natapos na ang dance competition at talagang competition nga dahil magagaling silang lahat, siguro kung judge lang ako mahihirapan akong pumili. Naglunch muna kami para may energy kami mamaya manood sa performance na inihanda naman ng taga ibang school.

"Wala pa akong nakitang pogi ha, nakakadissapoint" naiinip na ani ni buddha.

Ito talaga 'di na nagbago, buti ako nawalan na ako ng gana sa mga pogi na yan!

Pero hinahanap ng mata ko si porche, walang ibang meaning promise.

-ali💗💗💗

Guys sorry for the late update, super busy na talaga ako now sana maintindihan niyo mga ali. Don't worry kung gusto niyo ng update about sa mga character dito is follow niyo ako sa twitter mag uupdate ako dun.

@alexithymia59060
follow me now🥰




Destiny Where stories live. Discover now