Chapter 2

496 6 0
                                    

PLAYBOY

"May gusto ka kay kuya?" Tanong sakin ni Buddha.

Bumalik na rin kami agad sa room ng dahil sa nangyari. Dahil magkakatabi lang naman kami ay pinabilog namin ang mga upuan namin para mas marinig namin, wala pa naman ang adviser namin kaya may oras pa kaming magchismis.

Ngayon first day of school ay ang adviser muna ang makakasama namin maghapon dahil sa mga susunod na araw ay every teacher subject na ang pupunta samin.

"Hindi ko siya gusto, it's just a crush" nabwibwisit na sabi ko. Hindi parin ako nakakamoveon dahil hindi ko akalain ganun pala ugali niya, nextime hindi na ako magbabase sa itsura. "Magkaiba ang crush sa gusto".

"Ganun parin yun" aniya ni Miles.

Urghh bwisit talaga pagnakita ko yung xian na yun isa isa kong hihilain ang mga bigote niya.

"Wag ka dun alea, he's a playboy" aniya ni yanna "Hindi sa sinisiraan ko kuya mo buddha ah".

"Duh tama naman playboy naman kase talaga yun ewan ko ba kung bakit ko naging kapatid yun, sa dinamidami ng lalaki bat siya pa pwede naman si Porche nalang" kinikilig pa na aniya.

Porche? Sino nanaman yang porche na yan baka kapatid naman ni Arianna.

"Sino nanaman yang porche na yan" aniya ni miles.

"Hoy wag mong masino sino ang crush ko, hindi niyo ba alam na sikat yon dito sobrang gwapo nun sa personal no, siya kaya ang crush campus dito".

"Nagtatanong lang oa mo" si miles.

"He's my cousin" napatingin ako kay yanna ng magsalita siya.

"Oo tama, kaya ko naging kaibigan to kase dahil sa pinsan niya" tawang tawang aniya ni buddha.

Hindi ako interesado ngayon kase feeling ko nawasak ang puso ko ng malaman na playboy pala si cru- ay xian pala, hindi ko na siya crush!

"Oh bat hindi ka nagsasalita usapang gwapo na to" pangugulo sakin ni Miles.

"Pass muna nabroken ako".

"Jusko Alea ngayon mo palang yan nakilala ang oa mo".

Oa ba ako?

Inayos na namin ang upuan dahil dumating na ulit si Ms. Lourdes.

*****

"Bwisit na lourdes na yun maypa Q&A pang nalalaman, pakealam ba niya kung ano ang nangyayari sakin nung bakasyon" si buddha.

Sino ba naman kase hindi mabwibwisit pagunang araw palang ay ang dami na agad pinagawa.

Nandito kami ngayon sa Chinese Restaurant dito kami kakain for our lunch.

"First day palang to ha, paano na kaya sa mga susunod na araw" aniya ko.

"True, kaya ngayon palang magready na tayo" aniya ni yanna.

Umorder kami ng Chi Siu Ricebowl, Beef Dumpling, Roasted Fish and Fried Kwetiauw. We order some tea too, hindi ako mahilig sa chinese food but dito kase gustong pumunta si buddha at yanna kaya napasama nalang kami.

Mukhang kilala na nga sila dito dahil ng iserve na ang food namin ay kinausap pa sila. Nagsimula narin kaming kumain dahil baka malalate kami.

"Mukhang close kayo ng server ah" aniya ni Miles habang kumakain.

"Hindi lang close no" si buddha.

Hindi lang close siguro shota nila yun.

"What do you mean?" tanong ko.

"Dahil kila arianna to" sabay subo ni buddha sa dumpling.

Eh sakanila pala to eh edi libre na lang.

"Baliw hindi naman totally samin to".

"Eh royales naman nagmamayari nito edi sainyo parin" umirap pa ang bakla.

Halata naman royales ang nagmamayari nito pangalan palang eh may royales na. Chinese Restaurant of Royales kase name niya thats why.

"Yes royales nga pero hindi naman samin pinamana to kundi sa mom ni porche, but we have still right here. In short we can eat here for free" pagpapaliwanag ni yanna.

Sino ba kase yung porche na yun, mukhang mayaman naman. Curious na tuloy ako sa pagkatao niya.

"Eh pwede naman palang libre edi ilibre mo nalang, para ka naman others yanna" panguuto pa ni buddha kay yanna.

"Ofcourse".

Confident pa siya, nakakahiya naman no first time ko pa naman dito.

"Wag na, nakakahiya may nextime pa naman, nextime mo nalang kami ililibre" wow nahiya pa ako sa lagay na yan.

Demanding mo naman alea!

Paalis na kami ng may pumasok na isang grupo ng lalaki. Matatangkad sila at gwapo, ang gwagwapo nilang tignan sa kanilang mga suot.

Ngunit naagaw ng isang lalaki ang aking atensyon. He's wearing a black polo, mukha siyang masungit dahil sa kanyang appearance. Nakunot ang nuo niya habang tumitingin sa paligid.

Nabigla ako ng dumapo ang mata niya sakin, kahit malayo ay makikita mo ang asul niyang mga mata. Nakakatakot ang kaniyang tingin dahil lalong kumunot ang kaniyang noo kaya umiwas nalang ako.

Hindi ko naman siguro crush, may trust issue na ako. Pero hindi ko maitatanggi ang kaniyang kagwapogan kung tutuusin mas hamak na gwapo siya kaysa kay xian.

"Oh ano? Type mo nanaman ba?" napatingin ako kay Miles ng bigla siyang nagsalita. Hinihintay namin si yanna dahil nagc.r siya at si buddha naman ay nauna na sa labas.

"Of course not" pagmamaktol ko agad. Mukhang nabigla rin siya ng magsalita ako agad "hindi ko siya type, may trust issue na ako".

Nauna na ako lumabas sa kanya. Tumingin ulit ako sa lalaki pero nakatutok siya sa kanyang cellphone.

-ali💗💗💗

Destiny Where stories live. Discover now