HALSE
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang first day of school namin. Sa mga nagdaan na araw ay hindi ko na nakita ang lalaki sa chinese restaurant, pero lagi ko naman nakikita yung xian na yun.
Pagnasa canteen naman kami ay minsan ginugulo niya si buddha, kung hindi lang siya playboy iisipin ko na sana na nagpapansin siya sakin.
Medyo mahirap ang mga subject namin ngayon kumpara sa grade 8. Palagi rin kami pinapagalitan ni Ms. Lourdes dahil sa kadaldalan ni buddha at totoo nga yung sinabi niya na strikto siya may mga nagkakamali lang ay halos lahat na kami ay parusahan niya.
Naglalakad kami ngayon sa may garden kasama ko si yanna at miles, wala pa kase si buddha ewan ko ba dun siya ang palaging late saamin eh. Ngayon ay free day namin, every friday kase ay free day kaya lahat ng student ngayon ay nagkalat sa labas.
"Yanna magpabili ka kay buddha ng pagkain sa labas, nakakasawa na mga pagkain dito" ani ko.
"Sige try ko kung nasa labas pa siya" aniya ni yanna sabay kuha niya yung phone niya sa bag.
Busy sila ngayon sa kanilang mga cellphone kaya tumingin na lang ako sa paligid. Naiwan ko kase ang cellphone ko sa bahay dahil sa pagmamadali.
Sa paligid ay maraming nagdadate na senior high, area kase ito ng senior high kaya mas marami ang senior high dito.
"Oh nandiyan na pala si buddha" si Miles.
Naglalakad siya palapit samin may
hawak siyang dalawang supot at nagrampa pa nga ang bakla."Buti dumating ka pa" aniya ko.
Binaba niya sa mesa ang kaniyang hawak "Wow lea parang ayaw mo naman na nandito ako ha, eh kung tulungan niyo nalang kaya akong ilabas ang mga to" saka siya umupo.
"Para naman may kwenta ka kahit late ka palagi" tawang tawang aniya ni yanna.
Fries, pizza, burger and milktea ang binili ni bruha. Nagsimula na kaming kumain at todo chismis naman ang bakla.
"Bayaran niyo pala to ha bwisit kayo, kahit yung gas nalang sobrang mahal kaya ng gas ngayon" aniya ni buddha.
"Bakit may sasakyan ka ba?" Natatawang ania ni yanna.
"Huy ako ang nagbayad sa gas ni kuya, mukhang dinaya pa nga niya ako eh mas mahal pa yung gas kaysa diyan sa food" sabay inom niya sa milktea niya.
Dimanlang nilibre nung xian kapatid naman niya si buddha eh sabagay masama naman kase ugali non.
Madami pang sinasabi si buddha, nakikinig na lang ako dahil hindi naman ako relate sa pinaguusapan nila.
"Ay oo nga pala nakita ko pala kanina si porche, himala teh pumasok siya ngayon eh diba hindi naman siya pumapasok tuwing friday" sabi ni buddha kay yanna.
Madalas niyang binabaggit ang porche na yun, minsan nga may pinapamigay si ma'am sa humss 12 ay agad siyang nagboluntaryo niyaya pa nga niya ako pero dahil maiinit hindi ako sumama kaya si miles na lang ang sumama sakaniya.
"Aba ewan ko dun, hindi naman kami close".
Bakit naman hindi sila close, magpinsan pa yata sila ng buo.
Dahil curious naman ako nakisawsaw ako sa usapan nila. "Why?".
"Bakit ka nagkainteresado aber" tinaasan pa ako ng kilay ni bakla bwisit na to nagtatanong lang eh.
"Nagtanong lang naman ako budang curious lang ganun, sayong sayo na yang porche mo".
"Nakikibudang ka naman pangit mo tsaka hoy akin lang talaga si porche".
"Mas pangit ka".
Magsasalita pa sana si buddha ng tinakpan ni yanna ang bunganga niya.
"Tumigil kana nga buddha hindi ka naman magugustuhan ni porche, alam mo naman na inlove pa yun" ani ni yanna.
Eh may jowa na pala eh jusko. Tumingin na lang ako sa paligidi dahil hindi naman ako interesado sa porche na yun.
At sa kabwisitbwisitan naman ng araw na to ay dumating ang iniiwasan kong lalaki. Magisa lang siya ngayon, naglalakad siya patungo sa pyesto namin. Kung gaano ang pangit ng ugali niya ay ganun rin kagwapo ang mukha niya.
"Can i sit?" Ewan ko kung sino saamin ang tinanong niya inalis ko narin naman agad ang tingin sa kanya.
Kapal naman ng mukhang makitable samin. Nambibwisit ba to.
Nang tignan ko siya ay saakin siya nakatingin! Duh what does he expect, I will talk to him no never!
I rolled my eyes to him tsaka ako sumubo ng pizza.
"Ano nanaman ba ginagawa mo dito kuya".
Marami namang free table bat dito pa niya trip epal talaga.
"Makikitable lang eh".
"Hayaan niyo na para wala ng gulo" tinignan ko ng nakamamatay na tingin si miles. Bwisit na babae to sana hindi nalang siya nagsalita.
Nabigla ako ng umupo siya sa tabi ko! God!
Sa dinami dami ng libreng upuaan ay dito pa siya sa tabi ko umupo. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa pagkabwisit sakanya.
*****
Natapos ang moment na yun na sobrang sobra ang pagkabwisit ko sa lalaking yun. Kinakausap pa ako ng bwisit pero hinahayaan ko lang siyang magmukhang tanga.
Ngayon ay papunta kami sa bahay nila yanna, half day lang kami dahil may biglaang meeting daw ang mga teachers. Pagkarating na pagkarating namin sa bahay nila ay humiga agad ako sa sofa nila. Mas malaki itong bahay nila kumpara sa bahay namin.
"Bwisit" sigaw ko. "Hoy budang pagsabihan mo yang kapatid mo ang kapal ng mukha".
"Ang puso mo beh" pagbibiro pa sakin ni miles pero hindi ako natawa dahil sa bwisit. "Wag ka masyadong magalit dun baka kayo ang magkatuluyan".
At tumawa pa silang lahat.
"Punta lang ako sa room ko at magoorder na rin ako nangfood natin" aniya ni yanna.
Umakyat siya sa taas kaya kami lang ang naiwan dito sa baba.
"Feel ko maygusto yung kapatid ko sayo" aniya ni buddha. Hindi pa talaga sila tapos sa pangbibwisit sakin eh.
Tumawa si miles kaya "Eh si lea naman ang may gusto sa kuya mo eh" mas lalo pa siyang tumawa ng malakas.
"Hoy epal hindi ko nga siya gusto paulit ulit crush nga lang eh pero dati pa yun" pagmamalinis ko.
Nagbabangayan kami ng tumunog ang doorbell nila. Maybe yung food na namin yun.
"Yung food na ata yun" ani ni miles.
"Bilis naman" si buddha.
"Malay mo kayo lang umoorder, lea ikaw na kumua para hindi kana mabwisit diyan" ani ni miles.
Tumayo na rin ako agad para sana kunin ang food namin pero nang buksan ko ang pinto ay isang magandang babae ang nakatayo sa harap ko. She's wearing a formal attire, ngumiti siya sa akin. Parang may kamukha siya na hindi ko maalala.
"U-uhh hello po sino po sila?" Kinakabahan na tanong ko.
"I am Laurie Halse Walker, cousin of arianna" oww pinsan pala ni yanna. "Where is arianna?"
"Nasa taas po, wait lang po tawagin ko lang aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry because I'm in a hurry, I'll just give it to you. Please tell Arianna that I came here" mukhang nagmamadali nga siya dahil nakabukas pa ang sasakyan niya. "And who are you again?"
"Alea Michelle Mandella, i'm friends of yanna" nakangiting ani ko sakanya.
"You're so pretty".
-ali💗💗💗
YOU ARE READING
Destiny
RomanceKaya mo bang maghintay para sa taong pinakamamahal mo? Katulad ni Alea naghintay siya ng matagal para sa kaniyang minamahal dahil naniniwala siya sa kasabihan na "Kung tunay mo siyang mahal ay matuto kang maghintay kahit gaano pa katagal". Because i...