Chapter 14

109 4 0
                                    

WARNING 🔞

HE SAVED ME

Naiwan akong mag-isa sa kinakatayuan ko dahil pagkatapos sabihin ni porche iyon ay umalis na rin siya kaagad.

Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko pa ba ang paglalakad o hindi na. Ngunit tinuloy ko pa rin dahil wala rin naman ako gagawin.

Di pa ako nakakalayo ng may nadaanan akong mga grupo na lalaking nakatambay doon at mukhang yon nga ang sinasabi ni porche.

Hindi nila ako pinansin o wala silang ginawa kaya naglakad na lang ako papalayo. Mukhang wala silang pakealam sa presensya ko.

Mejo madilim na rin dito sa nilalakaran ko dahil walang nang kataotao at ilaw. Tumambay lang ako saglit doon sa malapit ng dagat upang damahin ang alon ng dagat. Ilang oras pa nang mapagpasyahan ko na bumalik na doon dahil sobrang gabi na at baka hinahanap na nila ako.

Hindi pa man ako nakakalayo ng biglang may humarang sa akin na grupo nang kalalakihan at sila yung mga lalaking nagiinunan kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil lasing na lasing sila kaya nagkunwaring di ko sila napansin.

"Hi miss" isa sa kanila ang nagsalita.

Ngunit di ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ngunit biglang may humila sa akin.

"Ganda mo miss" at nagbadya siyang halikan ako ngunit umiwas ako at sinampal siya ngunit ngumiti lang ito.

"Matapang pre, eto yung mga tipo ko sa babae eh" ani ng lalaking nakahawak sa akin.

Nagpupumiglas ako ngunit sadyang mahigpit ang pagkahawak niya sa akin.

Takot na takot ako. Sana nakinig na lang ako kay porche.

"A-ano b-baa" nanginginig kong ani.

"Wag kang mag-alala di ka namin sasaktan basta maging mabuti ka lang" ani ng isang lalaki.

Lumapit sa akin ang dalawang lalaki at hinawakan. Ang lalaking nagbadyang halikan ako at ito ay mukhang leader nila ay hinarap ako.

Hinawakan niya ang mukha ko pababa sa labi ko na parang pinagnanasaan ako. Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"P-please d-don't t-touch m-me" pagmamakaawa ko.

"Wag kang mag-alala di kita sasaktan, pasasarapin lang kita" ani ng lalaking na sa harapan ko at nagtawanan sila.

Hinalikan ako ng lalaking nasa harapan ko ngunit pilit akong umiiwas.

"TULONGGG!! TULONGGG!!" malakas na sigaw ko.

'Please someone help mee'

Tinakpan ng lalaking nasa harapan ko ang bunganga ko at pilit niyang hinihila ang damit ko at punit punit na ito.

Tinadyakan ko ang itlog niya tsaka ako pilit na pumiglas sa mga lalaki na nakahawak sa akin. Nakatakas ako sa kamay nila kaya agad akong tumakbo.

"Habulin niyoo!" sigaw ng lalaki.

"TULONG! TULONG! TULONG!" malakas na sigaw ko habang tumutulo ang luha ko.

Habang tumatakbo ako ay may nabangga akong lalaki. Si porche.

Agad akong yumakap sa kaniya. Hindi ko na inisip kong anong sasabihin at gagawin niya sakin basta ngayon kailangan ko tulong niya.

"Please help me please" pagmamakaawa ko.

"What happened to you".

Hinila niya ako sa madilim na parte upang makatago sa mga lalaki na humahabol sa akin. Tinakpan niya ang bunganga ko para di nila marinig ang iyak ko. Agad naman na umalis ang mga kalalakihan.

Nagkatinginan kami ng porche at kita sa mga mata niya ang awa. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Inalis niya ang suot niyang damit at binigay sa akin.

"Wear this".

Di ko alam ang sasabihin ko dahil ang takot ay nandito pa rin. Sumandal ako sa dibdib niya at umiyak, hinayaan naman niya ito.

"Dapat nakinig na lang ako sayo, dapat di na ako pumunta don, dapat hindi na lang kita tinarayan edi sana hindi nangyari sa kin to" umiiyak na ani ko. "Muntik na akong magahasa porche".

First time ko sabihin pangalan niya.

"Balik na tayo ron" ania nito at parang walang pakealam sa sinabi ko.

Sinuot ko na ang damit na binigay niya at siya naman ngayon ang walang suot.

"Don't tell them anong nangyari sakin lalo na kay miles baka mag-alala siya at sabihin ito kay dad".

Hindi ako pinansin ng lalaki at nagsimula na kaming maglakad. Nakahawak ako sa kanya dahil nanginginig ako at hinayaan lang niya ito.

*****

"Saan kayo nagpunta" si buddha at tinaasan pa kami ng kilay.

Magkasama kami ni porche na dumating at nakahawak pa ako sa braso niya kaya for sure maraming tanong tanong to. Binitawan ko na rin ito kaagad

"Ba't nasayo yang damit ni porche" si miles. "Don't tell me?" may patakip pa siya ng bunganga.

"Are you ok" parang si yanna lang ata may concern sa akun dito.

Sinubunutan ako ni buddha. "Girl magsalita ka, inagaw mo na nga si porche sa akin ayaw mo pa magsalita".

"She need rest" aniya ni porche at umalis.

"Mauna na ako, bukas na lang ako magpapaliwanag di na rin ako kakain" saka ako naglakad papuntang kwarto at hinayaan naman nila ako.

Pagkarating ko sa kwarto ay umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito.

Ang dami kong tanong sa sarili ko. Paano kung wala si porche ano na nangyari sa akin. Di ko alam na may puso pa la siya na kaya pa niya akong iligtas

Pumunta ako sa cr at nagshower dahil parang nararamdaman ko pa rin ang paghawak nila sa akin. Duming dumi ako sa sarili ko.

Pagkatapos kong magshower ay nakatulong na lang ako dahil sa sobrang iyak. Buti ay hindi pa pumapasok sila miles dahil hindi ko talaga mapugilan ang aking luha.

-alies💗💗💗



Destiny Where stories live. Discover now