Prologue

1.6K 24 1
                                    

KRNGG! KRNGG! KRNGG!

Nabalikwas ako ng tumunog ang alarm ko. Today is my first day of school, 7:00o'c ang bell sa school pero dahil excited ako na pumasok ay nagalarm ako ng 5:00o'c kaya sobrang dilim pa sa paligid.

Nakapikit pa ako ng kunin ko ang phone ko sa may lamesa sa tabi ko. Naisipan ko na imessage si Miles, she is my friend since grade 7.

"Hoy Mi, gising ka na?".

Nanood muna ako ng tiktok bago bumangon, inayos ko muna higaan ko bago maligo kase kung hindi jusko bubunganga nanaman si mother.

May sarili akong c.r sa room ko kaya hindi na ako bumababa pagmaliligo. Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba para kumain, nakita ko si manang na nagluluto sa may kusina kayat naisipan ko na gulatin siya.

Tinutukan ko ng kamay ang bewang nya "Wag kang kikilos ng masama kung ayaw mong maligo ng maraming dugo" sabay ngiti na sabi ko.

"Hay naku Lea umupo ka nalang diyan at ipaghain na kita".

Grabe naman 'tong matandang to dimanlang natakot. Kung totoong baril kaya itutok ko sayo kita mo joke lang.

I rolled my eyes and just sat down in the dining area, "Gosh, you're not even scared, pangit mo kabonding manang."

Napatingin ako kay manang ng tumawa siya ng malakas. Baliw na ata to.

"Naku anak hindi mo ako maloloko puslit ka palang ay kilalangkilala na kita HA HA HA", yeah totoo naman bata pa lang ako siya na nagaalaga sakin kaya sobrang lapit ng loob ko sakanya, kung tutuusin nga parang sya narin ang magulang ko dahil laging busy sila mommy.

Agad rin siyang natapos sa pagluluto kaya nilapag nya ang pagkain sa mesa, sobrang bango at sobrang sarap ng luto ni manang.

As usual, ang favorite breakfast ko pa rin ang niluto ni manang. It is chocolate chip cookies, bacon, tocino, and milk.Hindi ako nagrarice sa umaga at sanay narin naman.

Umupo si manang sa harap ko "Ang aga mo ngayon ah" sabi nya sabay inom ng kape.

"Syempre naman manang first day of school tapos malalate ako, it's a big no".

"Tapos pagkatapos ng first day of school nyo tatamadin ka na jusko lea kilala talaga kita".

"Grabe ka naman sakin manang, ang mabuti pa tulungan mo na ako na ubusin to" anya ko sabay subo.

"Naku alam mo naman na minsan lang ako kumain sa umaga, ubusin mo nalang yan at tatawagin ko na ang mommy at daddy mo" tumayo na si manang at pumunta sa may lababo para hugasan ang kanyang cup.

Kumakain ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"GOODDDMORNINGGG MY AAALEAA MIICHELLEE" malakas na sigaw ni Miles sa kabilang linya kaya nailayo ko ito sa tenga ko.

Ewan ko sa babaeng 'to kahit kailan eh no "HOY MILES ALCAZAR ANG AGA AGA SUMISIGAW KA NAKAKASIRA KA NG UMAGA ALAM MO YUN" malakas na sigaw ko rin.

Malakas na tawa ang narinig ko sa kabilang linya "Hindi ko alam yun eh sorry, buti nga binati pa kita eh kung tutuusin dapat sa paggising ko nagpapaganda na agad ako pero tinawagan pa kita 'di ka naman sobrang importante eh, BYEE! " at pinatay na nya.

Lagi naman na kaming ganto kaya sanay na kami sa isa't isa kaya tumawa nalang rin ako.

"At bakit kinikilig ang baby ko" napatingin ako sa nanggalingan ng boses na yun at nakita ko si daddy at mommy na naglalakad palapit sakin.

Hinalikan naman ako ni daddy at mommy sa pisngi ko, lagi naman nilang ginagawa yun kaya nasanay na ako.

Umupo si mommy sa may harap ko na kung saan umupo si manang kanina at si daddy naman ay sa may dulo.

"Goodmorning my bunso ko na maganda" cringe, pero wala akong choice sweet lang talaga sila sakin.

"Nothing dad si Miles lang yun, goodmorning too mommy" tumayo na ako kase tapos na rin naman akong kumain.

"Are you done, honey?"

"Yes mom, maaga akong bumaba kanina and i need to go because i'm getting late".

Aalis na sana ako sa kusina ng magsalita si daddy "Lea, i have something to tell".

Tumingin ako sa kanya at naghintay ng sasabihin nya "What it is dad?".

"Me and your mom are going to the US " ng marinig ko yun ay nalungkot nanaman ako kase wala na naman akong kasama "Don't worry baby hindi kami magtatagal ng mommy mo".

Again and again and again i've gotten used to it so I don't care anymore but I'm still sad, malaki ang tampo ko sakanila.

"How long?"

"Dalawang linggo lang honey don't worry uuwi ang kuya mo in the next day with your niece" pagkukumbinsi pa ni mommy

Kahit ano pang kumbinsi ni mommy i still don't care, kahit naman nandito yung mga pamangkin ko mamamasyal lang rin naman sila.

"Ok, ingat kayo" tsaka ako umalis.

*******

Hinatid ako ni kuya Manuel ang pinakamatagal na driver ni daddy pero dahil palagi naman na wala sina daddy kaya sya nalang ang nagdadrive sakin kung may pinupuntahan ako, mabait si kuya manuel kaya tulad ni manang parang daddy na rin ang turing ko sa kanya.

Nakasakay ako ng Mercedes-Benz, agad rin kaming nakarating sa school.

"Salamat kuya manuel, tatawagan na lang kita paguwian na" anya ko bago lumabas.

I was wearing a white dress with a ribbon on the back and I dressed it up with white heels. My curly hair was flying because of the wind, I was wearing pink eyeglass.

Habang naglalakad ako sa may covered walk ay nakikita ko ang mga matang nakatingin sa akin, meron din mga gustong makipagusap sakin pero hindi ko na pinapansin hindi rin naman ako interesado.

Dahil first day of school 'di ko alam kung saan ang room ko, wala pa naman si Miles kaya wala akong kasama na maghanap. Nakailan ikot na ako pero 'di ko parin alam kung saan ang room ko god nakakahiya na para na akong tanga.

Nakakahiya naman kung papasok nalang ako sa dating room ng grade 10 baka mamaya hindi na pala dun ang room ng grade 10. Kaysa sa naglalakadlakad lang naman ako dito naisipan kong pumunta na lang sa office para magtanong, maaga pa naman kaya may oras pa ako.

Pagkarating ko sa office sobrang daming tao siguro magtatanong rin ang mga ito. Hindi rin naman pala ako ang puro ganda lang ang alam at room hindi pa alam.

God kung pipila pa ako dito sigurado malalate na ako bwisit na buhay naman to first day of school palang sobrang hagard ko na nakakahiya naman baka biglang may gwapo na lalapit jusko. Nasan na ba tong Miles na to ayoko naman magbukas ng bag dito para lang ichat sya baka mahulog ko pa sa sobrang daming make up nakakahiya naman yon.

But i have no choice kung hindi ang pumila. Inilabas ko ang mini fan ko sa may bulsa ng bag tsaka ko ginala ang aking mga mata sa paligid. Napatigil ako ng makita ang lalaking nakaupo sa may upuan.

He's handsome nagmumukha siyang malinis sa suot nyang puting polo at trouser pants. Nakikipagtawanan siya sa mga barkada nya, iniwas ko ang tingin ko ng tumingin siya sakin.

Omg, worth it naman pala ang pagpila ko dito eh. Feel ko crush ko na siya omg, first day of school palang pero  feel ko champion na ako.

Todo ang pagsulyap ko sakanya pero pagtitingin ako sakanya nakatingin sya sakin! Maygusto siguro sakin to kaya tingin ng tingin, more chika mamaya ako nito kay Miles.

Nang tumingin ulit ako dun ay tumayo na sila, mukhang aalis na sila! No, hindi sila pwedeng umalis bwisit naman oh.

"Mike tara na" sabi ng isang kasama nila.

"Maya na wala pa naman si ma'am, boring kaya sa room" sagot naman ni kuyang pogi.

Mike? mike name nya? oo siguro siya naman tong sumagot pero ang baduy ng name, bat naman ganun kung gaano siya kapogi ganun naman kapangit ng name nya but it's ok name doesn't matter.

"Bahala ka diyan kung ayaw mo sumama diyan ka nalang" anya ng lalaki na nagsalita kanina.

"Fine" walang ganang sagot ni Mike.

Sobrang pogi talaga ng boses nya pwede ko nang maging alarm.

-ali💗💗💗

Destiny Where stories live. Discover now