NOT A FAMILY
Nag-aayos ako ng gamit ko dahil pupunta ako kila yanna. Christmas eve na mamaya kaya naman inaayos ko na ang gamit dahil dun ako magpapasko.
Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay dahil umuwi si manang at si kuya manuel dahil doon sila magpapasko sa mga bahay nila, si kuya naman ay dun sila sa family ng kanyang asawa niyaya nya ako pero umayaw ako dahil mas lalong ayoko doon. Mag-isa na lang ako dito sa bahay kung ganon.
Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay biglang tumawag si yanna na agad ko naman ito sinagot.
"Bakit?" tanong ko.
"Where are you na?" maingay ang paligid nya at mukhang na sa palengke siya.
"Nag-aayos ako ng gamit ko pero papunta na ako" kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba. Nakasuot lang ako ng white short at white na sando at pinatungan ko ito ng black na leather jacket.
Mas lalo pang umingay doon kaya wala akong maintindihan. "Nandito ako sa palengke hindi kita masusundo but don't worry pinasundo na kita kay porche papunta na siya jan".
PORCHE? Bakit siya? Bakit naman yon pumayag?
Madalang ko na lang siya nakikita sa school at kung nakikita ko man siya ay parang hangin lang ako sa kanya wala man lang hi or hello kala mo naman hindi niya ako hinila hila!
Napabalikwas pa ako ng biglang may bumusina ng sobrang lakas! Agad akong lumabas dala dala ang mga gamit ko. Bumungad sa aking ang lamborghini na sasakyan at agad ko nakita ang poging pagmumukha ng mokong, nakabukas kase ang bintana nito.
Seryoso lang siya nakatingin sa akin at nakakunot pa ang noo. Tsk mukhang napilitan talaga.
Kakapasok ko palang ay agad niya itong pinaandar at napakabilis pa! Nagmamadali ba 'to?
"Pwedeng hinay hinay naman diba, may tao o!" winagayway ko pa ang kamay ko sa mukha niya.
Kunot noo siyang tumingin sa akin konti na lang ay isang line na lang ang kilay niya. "What are you doing?!".
Tinaasan ko naman siya ng kilay, walang magpapatalo dito hoy! "Kung may balak kang magpakamatay pwede mamaya na nandito pa kase ako, ayoko pa mamatay!"
"Who said i'm going to suicide?" seryoso na siya ngayon.
"Who said i'm going to suicide" panggagaya ko sa kanya.
Mukhang nabadtrip ang kumag at lalo pa niya binilisan! Wtf!
Dahil sa sobrang bilis niya ay nakarating na kami sa bahay na hindi pamilyar! Punyemas saan ba ako dinala ng lalaking 'to? Wait anong gagawin niya sa akin?
Humawak ako sa katawan ko at naningkit na ang matang tumingin sa kaniya pero mukhang wala naman siyang pake.
Isang malaking gate ang nasa harapan namin ngayon as in sobrang laki kung akyat bahay ka mahihirapan ka talaga. Bumukas ito at bumungad ang mala mansyon na bahay, actually it's not mala mansyon literal na mansyon! Malaki na ang bahay namin pero mas malaki pa 'ito!
"Wow" ako.
Nagulat ako ng biglang niyang sinara ang pinto ng sobrang lakas! Problema nito?
Agad naman akong lumabas at hinabol siya. "Porche saan mo ba ako dinala ha at kaninong bahay naman 'to hindi dito ang bahay nila yanna!".
Nakalagay sa bulsa niya ang kaniyang mga kamay at bored na humarap sa akin.
"This is my house" at tinalikuran na niya ako!
Yaman talaga! Tinignan ko ang buong bahay ay sobrang laki talaga wala akong masabi. Naagaw ng atensyon ko ang parang kalahati na ng bahay namin na puro sasakyan ang laman, iba't ibang sports car! Puro salamin lang kase ito kaya kitang kita ang loob.
YOU ARE READING
Destiny
RomanceKaya mo bang maghintay para sa taong pinakamamahal mo? Katulad ni Alea naghintay siya ng matagal para sa kaniyang minamahal dahil naniniwala siya sa kasabihan na "Kung tunay mo siyang mahal ay matuto kang maghintay kahit gaano pa katagal". Because i...
