09

82 19 0
                                    

"Cly!" Nabaling ang tingin ko sa dalawang babae na naglalakad palapit sa 'min. Agad namang bumangon sa pagkahalumbaba si Cly at lumingon sa likod.

"Oy, Kath." Kumaway si Kath kay Cly at napatingin sa 'kin, agad namang namuo ang matamis na ngiti sa labi niya at kumaway rin sa 'kin. May kasama siyang babae, hindi pamilyar sa 'kin.

"Hello!" bati nito kay Cly at napatayo sa gilid ng inuupoan ni Cly.

"Hi, Chelsea," simpleng bati niya sa babae. Nagbaba na lang ako ng tingin sa libro at nagkunwaring nagbabasa.

"Si Lei nga pala, kaibigan ko." Napa-angat ulit ako ng tingin sa kanila nang marinig ang pangalan ko. Nakatingin na silang tatlo sa 'kin at agad namang ngumiti sa 'kin si.. Chelsea.

"Hi! I'm Chelsea, Sea for short. Nice to meet you!" Judging by her intro, she's good at socializing. Siguro kagaya nila Cole, may malaking circle of friends ito at updated sa lahat ng party ng campus.

"Hello, Chelsea." Tinanggap ko naman ang kamay niya upang makipagkamay.

Nag-uusap-usap pa silang tatlo at parang importante ang pinag-uusapan nila kaya patuloy na lang ako sa binabasa ko. Chelsea is a little bit flirty, but maybe that's the way she talks with her friends. I'm not jealous, hindi ko naman type si Cly. At wala akong pake kung may lalapit sa kaniya, we're less than friends.

Napalibutan kami ng katahimikan nang umalis na ang mga kaibigan niyang babae. Patuloy lang ako sa ginagawa ko, nararamdaman ko ang titig niya sa 'kin kaya pasimple kong inangat ang phone ko para tignan ang reflection ko rito. Baka kasi may kung ano sa mukha ko.

"Wala." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. Magaan ang ngiti niya sa mukha habang nakatingin sa 'kin. "Walang kung ano sa mukha mo."

Marahan akong napairap at nagbasa ulit, bahala siya riyan.

"Sungit ng Heaven ko." Biglang nanginit ang pisngi ko sa narinig galing sa kaniya. Heaven niya? Nagbibiro ba siya? Oo, nagbibiro siya pero bakit parang inangkin na niya ako, ha?

Dumating ang napakahirap naming exam sa sumunod na mga araw. Naubos yata brain cells ko after ng ilang subject.

"Lei, gusto mo gumala saglit after exam?" Nag-angat ako ng tingin para makita ang mukha ni Arianne. Para itong bata na nakangiti habang hinihintay ang sagot ko. "Saglit lang promise, we deserve it naman eh. I know you did your best kaya deserve natin gumala saglit."

"Tayong dalawa lang ba?" tanong ko sa kaniya.

"Uh.. oo, eh. May lakad din kasi si Cly, kasama niya si Cole at Kath." Ngumuso siya at napatingin sa kamay ko. "Ang cute ng bracelet mo. Sa'n mo nabili?"

"Ah.. ito? Bigay 'to ni tito sa 'kin." Inangat ko naman ang kamay ko para matignan ang bracelet na birthday gift ni tito no'ng 6th birthday ko.

"Aww, kaya pala hindi mo tinatanggal. Tagal ko na napansin 'yan." Ang daldal talaga nito, tiyak mamimiss ko 'to sa bakasyon.

Pumayag na lang akong sumama kay Arianne, ayaw ko rin muna kasing umuwi at gusto ko pang marinig ang boses niya.

"Ano plano mo this summer, Lei?" tanong niya habang kumakain sa fries. Naglalakad kami ngayon sa seawall, dala-dala ang mga binili namin.

"Tutulong lang ako kayla tito sa shop."

"Buti ka pa may gagawin, siguro mababagot ako sa bahay. Mukhang walang plano gumala sila mama, eh." Buti pa 'tong isang 'to, nababagot.

"P'wede gumala sa inyo?" Agad akong napatingin sa kaniya sa gulat ng tanungin niya ako. "Ay bawal ba?"

"A-Ayos naman! Sabihin mo lang kung kailan mo gusto para makapagpaalam ako kay tito."

"Gusto ko magtry ng carving, p'wede ba 'yon? Or baka makakabigay lang ako ng sakit sa ulo niyo." Para siyang batang ngumuso at tumingin sa dagat.

"Ayos lang naman siguro sa kanila, gusto nga nila 'yon, e'." Sumunod ako sa kaniya at umupo sa sementong upoan.

"Gusto ang alin?" Umupo siya sa tabi ko at nagsubo ng isang piraso ng fries.

"Na may interesado sa carving. Minsan lang ang kilala naming interesado sa gano'ng art."

"Oo nga, 'no? Dahil sa mga k'wento mo tungkol sa negosyo niyo, naging interesado ako sa carving." Naging kaibigan ko na si Arianne at hindi ko na rin maiwasang magk'wento sa kaniya sa tuwing tinatanong niya kung kumusta ang weekends ko.

We just had our 3rd periodical exam kaya normal na napapalapit na ako sa babaeng 'to. Normal na lang sa 'kin ngayon, noon kasi hindi talaga ako palakaibigan.

"Bibisita kami ni Cly kung maari." Namilog ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Cly.

"Dadalhin mo si Cly?" Napataas ang kilay niya at napatingin sa 'kin.

"Oo, ayaw mo ba? Ay hala! Baka magdadala lang siya ng ingay, 'wag na la--"

"Ayos lang, mas masaya siguro kung kayong dalawa talaga ang pupunta." Nag thumbs up ako at ngumiti. Agad namang namuo ang mapang-asar na ngiti sa mukha niya. Alam ko na kung saan tutungo 'to kaya agad akong tumayo at namagpag.

"Oy, saan ka?"

"Uwi na tayo, sabi mo saglit na gala lang, 'di ba?" Humarap ako sa kaniya at nagkibit-balikat.

"Ay sus, ayaw mo lang pag-usapan si Cly, eh. Talking about that frog!" Nagturo siya sa likod ko kaya agad naman akong napaharap dito at nakita si Cly na naglalakad palapit sa 'min.

"Kay liit ng mundo!" Tumayo si Arianne at hinarap ang pinsan niya.

"Alam ko kayang dito kayo gagala kaya hinatid ko lang si Kath sa apartment ng pinsan niya at pumunta na rito." Nakangiti niyang inayos ang polo niya at tumingin sa 'kin. Napakurap pa siya bago ngumiti ulit.

"Ay ano gamit mo? Dala mo Mazda ni tito?" mabilis na tanong ni Arianne.

"Wala, oy! Big Bike dala ko. As if naman pinapagamit niya sa 'kin 'yon."

"Sayang! Makikihits na lang sana kami." Pakunwaring nabigo si Arianne na ikinatawa ko ng mahina.

"P'wede naman kaso isa lang makaka-backride.. si Lei na lang siguro--"

"Oy, hindi na ayos lang, susundoin ako ng kapatid ko," putol ko sa sasabihin niya. Hindi ako sanay sa Big Bike, hindi rin ako komportable makisakay kung hindi kapatid ko ang nagda-drive.

"Ay gano'n? E'di wala palang makakasakay--"

"Ayaw mo talaga akong ihatid?" Kinurot ni Arianne ang tagiliran ni Clayton dahilan para mapapikit ito sa sakit.

"Oo na, ihahatid na kita!"

Natatawa na lang akong nakatingin sa kanilang dalawa, lagi talaga itong nagtatalo ang dalawa. Mamimiss ko 'tong vibes na 'to.

"Goods, ganiyan dapat. Gentleman!" Pagturo pa ni Arianne sa kaniya.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon