Tahimik lang ako habang sumusunod sa kaniya. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ako 'tsaka naman sinilip ang mukha ko.
"Galit ka ba talaga? O, wala ka lang sa mood. Baka nanaginip ka pa, Lei." Pumalakpak pa siya para kunwari gisingin ako. Inis ko naman siyang tinignan.
"Ingay mo," parang bata kong saad at napakamot sa gilid ng mata ko. Para pa rin akong nakalutang habang naglalakad, siguro dahil sa mataas na byahe o dahil kakagising ko lang.
Kahit na hindi ko alam ang daan ay umuna pa ako sa paglalakad diretso sa villa.
"Hindi madadaanan 'yan. Dito," aniya at agad lumapit sa 'kin para hawakan ang braso ko. Napakurap-kurap naman ako bago tumingin sa kaniya at sumunod.
Naneto, napahiya pa ako!
"Lola, mano po." Agad nagmano si Cly sa isang matandang babae na nakaupo sa rocking chair. Maputi ito at halata sa mata niya na chinita rin, napakaganda. Nakangiti siyang tumingin kay Cly at bumaling sa 'kin.
"Si Lei, lola. Liniligawan ko." Napanguso ako para itago ang ngiti nang marinig ang pagpakilala niya sa 'kin. Kahit na pang-ilang beses na niya akong napakilala.. sa kaibigan, sa mommy niya, at ngayon sa lola niya.
Nakangiti kong binati si lola at nagmano. Ang lapad ng ngiti niya habang nakataas ang dalawang kilay. Parang bata niya akong tinignan at parang hindi makapaniwala sa nakikita.
"Napakagandang babae. Ah, upo ka muna, upo." Nakangiti niyang tinuro ang wooden sofa sa gilid niya. "Bakit ngayon mo pa siya dinala rito, Cly?" Napaka-kalmado ng boses niya.
"Mataas na k'wento, lola," natatawang sagot ni Cly at tumingin sa 'kin.
"Naku, dapat mong ik'wento 'yan sa 'kin, ha?" pagturo niya kay Cly na may pagbabanta na ikinatawa ko. Ngumiti naman sa 'kin si lola bago tumawa ng mahina.
"Os'ya, nasaan ang mga gamit niyo?" tanong nito sa 'kin.
"Ah, na'sa trunk pa po."
"Ica, pakitulongan si kuya Cly mo sa mga gamit nila." tawag nito sa katulong na agad namang lumabas sa villa. "Hanggang kailan kayo rito, apo?"
"Bukas po uuwi na agad kami. May aasikasuhin din kasi 'to si Lei sa negosyo nila."
"Sayang naman." Malungkot siyang tumingin sa 'kin. "'Di bale, bisita ka lang dito kahit kailan, hija, hm?" Napangiti ako bago tumango.
Habang kinukuha nina Cly ang mga gamit namin at 'yong binili niyang pasalubong sa lola at lolo niya ay nagk'wentuhan muna kami ni lola.. hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan niya.
"Kailan pa kayo nagkakilala ni Cly, hija? May kinik'wento kasi siya sa 'min na babaeng matagal na niyang hinihintay." Natigilan ako at napatingin kay lola nang magtanong siya.
"No'ng highschool pa, ho, lola.."
"Lola Victonia," nakangiti niyang saad.
"Lola Victonia," pag-ulit ko at ngumiti rin sa kaniya.
"So, matagal na kayong magkakilala? Ikaw nga iyong kinik'wento niya. Buti at nagkita ulit kayo, kailan?"
"This month lang, po." Napataas naman ang dalawa niyang kilay at napatawa ng bahagya.
"Hindi nag-aaksaya ng oras si Cly kung ganoon. Napaka-masiguradong bata." Natawa pa siya ng mahina at umiiling na lumingon kay Cly na nag-aayos ng car trunk.
Grabe, ang daldal talaga ni Cly. Kilala na pala ako ng lola niya?
Pagkatapos madala nila Cly ang mga gamit na dala namin ay sumama na muna ako sa kaniya sa second floor para ayusin ang mga iyon.
"Ah, ayos na, Ica. Ako na bahala nito, salamat." Lumingon si Cly kay Ica at tumango naman ito 'tsaka bumaba ulit sa hagdan.
"Sa isang k'warto ro'n sa dulo, dalawa iyong kama at may subdivision. Ayos lang ba sa 'yo?" tanong niya sa 'kin habang dala ang dalawang bag. Ayaw niya kasi akong pabitbitin ng bag.
"Ayos lang." As long as hindi kami magkatabi at may subdivision, ayos na sa 'kin. Hindi pa kasi ako komportable na matulog na malapit sa kaniya. Una, lalaki siya. Pangalawa, hindi ko siya asawa.
Pagdating namin sa harap ng pinto ng k'warto ay linagay muna ni Cly ang isang bag na bitbit niya para buksan ito. Bumungad sa 'kin ang magandang kulay ng dingding.
Kagaya ng sabi ni Cly, may subdivision. May nakaharang pa na dingding sa gilid ng pinto at sa likod no'n ay ang isang kama. Sa gilid naman na hindi kalayuan sa kama ay isang dingding na may malaking bintana at kita galing dito ang pangalawang kama na malapit sa isa pang bintana kung saan makikita ang napakagandang farm.
"Doon ka sa mas loob pa, ako na rito sa may pinto." Turo ni Cly sa pangalawang kama. Tumango lang ako at dumiretso roon. Bitbit ko na ang bag ko na halos ayaw pa bitawan ni Cly kanina.
"May sariling bathroom 'to, you can take a shower," aniya pa na ikinatango ko ulit.
Pagkatapos kong naayos ang gamit ko rito ay napagpasiyahan ko nang maligo. Linagay ko lang ang mga kinakailangan ko rito sa side table kagaya ng earpods, charger, lagayan ng kwintas at ibang accessories ko.
Tinupi ko ang jacket na suot ko kanina 'tsaka pinatong sa bag ko na nasa gilid ng kama. 'Tsaka ko kinuha iyong damit na hinanda ko kasama ang tuwalya at pumasok sa bathroom.
May sink ito sa labas ng shower room at sa gilid nito ang toilet. Dumiretso na ako sa shower room. Akala ko shower room lang, bath tub pala ang bumungad sa 'kin nang buksan ko ang shower curtain.
Hubo't hubad na ako at basa na nang mapansing walang laman ang bote ng liquid soap. Takte, ba't 'di ko naisipang dalhin 'yong sabon ko? Ang tanga-tanga!
Napatingin ako sa itaas nang marinig ang pagbukas ng pinto at pagbukas ng gripo sa lababo.
"Cly?" tanong ko at agad namang narinig ang boses niya. "Ah.. wala nang laman 'yong soap nila. Can you please get the soap in bag for me?" nahihiya kong tanong.
"Ah, sure. Saan nakalagay?"
"Sa kaliwang part na bulsa, salamat!"
"Okay, wait a sec." Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto at pagsarado nito. Ilang segundo ay bumukas naman ulit at nakita ko ang anino niya malapit sa shower curtain.
"Ilalagay ko na lang dito sa baba?" tanong niya sa pinaka-kalmadong boses.
"Uh-- ayos lang." Ilinabas ko ang kamay ko sa gilid ng shower curtain at hinawakan ito para hindi mabukas. Narinig ko ang mahina niyang tawa bago ilinagay sa kamay ko ang sabon.
"Magto-toothbrush lang ako rito, ah? Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa--"
"Hala," kabado kong saad nang magaan ang shampoo bottle pag-angat ko.
"Bakit? May problema ba?"
"Ubos na rin 'yong shampoo!" sagot ko sa naiiyak na boses. Bakit 'di ko na lang kasi dinala lahat ng kailangan ko!?
"Teka lang, kukunin ko shampoo mo. Bakit 'di nila hinanda 'to?" nagtataka niyang tanong habang naglalakad palabas.
Napahilamos ako ng walang tubig bago kinuha ang tuwalya at tinapis ito. Ang malas ko naman. I'm really not ready with everything. Kung dinala ko na lang sana 'yong isang set na binili ko, e'di sana walang problema, naku!
"Lola, ba't po pala walang laman 'yong shampoo at soap bottle sa bathroom ng k'warto namin?" tanong ni Cly at naupo sa isang upuan sa dining. Sumunod naman ako at tumabi sa kaniya.
"Ha? Walang laman? Hinanda na iyon ni Ica." Napatingin naman si lola Victonia kay Ica.
"Opo, pangalawang beses ko iyon chi-neck," sagot naman ni Ica kaya nagkatinginan kami ni Cly.
"Saang k'warto ba kayo pumasok?" tanong ng lolo niya na katabi ni lola Victonia sa kabilang side.
"Sa k'warto na tinutulogan nila Rye at Colette last summer."
"Naku! Ibang k'warto pinahanda namin. 'Yong dalawang k'warto sa may open part ng second floor, malapit sa balcony!" Natatawang pumalakpak si lolo.
![](https://img.wattpad.com/cover/316333963-288-k71393.jpg)
BINABASA MO ANG
Bittersweet Summer
Romance"It was summer when I met him, and summer when I lost him." Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm listening to relates to you. I don't have the strength to talk with you, but I'm still hoping for us...