"Nagchachat kayo ni Cly ngayon?" tanong ni Arianne. Today's Sunday at galing kami sa church, dumiretso na kami sa paboritong restaurant ng family ni Arianne.
"Hindi," simpleng sagot ko habang nags-scroll sa feed at naghihintay ng order namin.
"Ah." Natigilan ako nang mapansin ang reaksyon niya. Bakit parang may problema.
"Bakit, Rianne?"
"Ah-- wala naman. Ano kasi.. nag-ayaan sila magkaibigan na magmall daw. Eh, siyempre kasama kita kaya tumanggi muna ako at mas importante ang church." Mas kumunot ang noo ko sa sagot niya. Bakit parang may mali? Hindi naman siguro problema kung nag-ayaan sila, p'wera na lang kung.. si Chelsea ang kasama.
"Bakit hindi siya nagpaalam sa 'yo? Kaninang umaga nagkausap ba kayo?" Tanong niya ulit. "I know there's something between you and my cousin, so.. it's weird if he's not telling you this, kilala ko siya, hindi siya nagsesekreto."
Bigla na lang akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito, ayos lang naman sana ang gumala siya pero parang tama si Arianne, bakit hindi man lang siya nag-update. Kahit as a friend na lang.
"Siguro nakalimutan lang."
"Hmm, siguro nga." May duda pa rin sa tono si Arianne.
Pagkatapos namin magtanghalian ay sabay kaming pumunta sa sakayan at kaniya-kaniya na kami ng sinakyan. Nagjeep lang ako at siya naman ay nagtaxi, madali ring maligaw si Arianne at malayo pa ang bahay niya kaya nag taxi na siya.
Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong nag vibrate, hindi ko pala na-off ang data kaya pumasok ang notification.
@sea_chiii requested to follow you.
Sea? Si Chelsea ba 'to? Inopen ko ang notification at mas nakita ko ang profile picture niya, siya nga. Chineck ko ang profile niya sa IG at nakitang may story siya, pinigilan ko muna ang sarili kong tignan ang story niya. I accepted her follow request and followed her back, hindi naman ako ganoon ka feeling famous para hindi siya gawing mutual sa IG, 'di ba?
Pagdating ko sa bahay ay pinower off ko ang phone ko at agad na nagbihis ng pambahay, 'tsaka naman ako bumalik sa sala at tumabi sa kapatid ko na nakahiga sa carpet.
"Ano ba?" mahina niyang tanong sa antok na antok na boses niya. Tinanggal niya pa ang braso ko na pinatong ko sa leeg niya. Tumayo ako at lumipat sa kabilang side kung saan siya nakaharap. Agad ako humiga roon at sinuksok ang ulo ko sa may tiyan niya 'tsaka pinatong sa balikat ko ang braso niya.
"Lei naman nagpapalambing na naman," aniya sa napapaos na boses. Ngumiti lang ako at yinakap siya ng mahigpit. Namiss ko 'to, namiss ko 'tong mokong na 'to. Itong katabi ko lagi sa pagtulog at ayaw na hindi kami magkadikit.
Napag-isipan kong i-on ang phone ko at tignan kung may notifications ba. Inopen ko ang Insta ko at napag-isipang tignan na ang IG story ni Chelsea.
Oh. It's a picture of her with friends, at naroon nga si Clayton. I skipped it and played the video of her next story. Si Clayton na namimili ng stuffed toys.
["Oy ang cute naman niyan Cly, tingin nga."] Maliit ang boses niya at mahinhin. Bahagya namang tumingin si Cly sa camera at nagbaba ulit ng tingin sa mga stuffed toys bago itinaas ang isa na hawak niya para ipakita sa video. Sa ngayon, hindi na ulit siya humarap sa camera at tumingin pa sa ibang displays.
I turned off my phone again. Nakakainis. Ewan pero naiinis ako. Sinubsob ko ulit ang mukha ko sa dibdib ni Einn at napagdesisyunan na matulog na lang.
"Ano bang problema ng kapatid ko?" inaantok niyang tanong.
"Wala, inaantok lang."
Hapon na nang magising ako. Narito pa rin si Einn sa tabi ko pero sa ngayon ay gising na siya at may pinapanood na video sa phone niya. Nang tingnan ko ang phone ko ay hindi ko nga pala napatay ang data nito kaya nasa lockscreen lahat nang messages ni Cly.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Summer
Roman d'amour"It was summer when I met him, and summer when I lost him." Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm listening to relates to you. I don't have the strength to talk with you, but I'm still hoping for us...