Pagkatapos no'n ay hindi na nga ulit siya nagchat sa 'kin. It's killing me inside, ako 'yong last chat. Ayaw ko man siyang ichat ulit pero namimiss ko siya. Miss na miss ko siya.
It's been 3 days, I'm fighting the urge to chat him. Ayaw kong iparamdam sa kaniya na desperada akong makausap siya ulit. But I'm inlove, and they said if a person is inlove, he or she can do anything just to be with the person they love.
"'Wag mo siyang i-chat. 'Wag na 'wag. Let him miss you. And if he really loves you, he will do the first move."
Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Arianne. Tama, I will not do the first move again. Pero ang sakit lang kasi. Sobrang sakit. Nananahimik lang ako at siya 'yong unang gumawa ng move noon para magkausap kami. Siya 'yong laging nangungulit sa 'kin. Kasalanan niya kung bakit mahal ko na siya.
Tapos ngayon biglang gano'n? Biglang aayaw? Iiwas? Bakit parang ang dali lang sa kaniya? Bakit ako lang 'yong nahihirapan?
I was scrolling through my feed when a post caught my attention. It's Chelsea again. He's with them, Cly is with them. He looks so happy and comfortable.
I'm sorry if I'm not like her. Hindi kita masisisi kung siya ang ipapalit mo. 'Di ko na mapigilan ang mainit na mga luha na dumaloy sa pisngi ko. Hindi ko na mapigilang umiyak.
Bumalik kami sa school para magkuha ng card. I was hoping to see him, I don't know how to start a conversation with him again, siya mismo 'yong lumalayo, eh.
I don't even have a plan to talk with him, maybe seeing him will be fine. But I'm wrong.
Biglang humigpit ang dibdib ko nang makita siya sa canteen, kasama sina Cole. Umupo siya sa tabi ni Chelsea at nag-open ng water bottle, I thought he will drink it pero binigay niya kay Chelsea.
Fvck! It hurts! It hurts again. Akala ko magiging okay na kung makikita ko siya pero ang sakit, sobrang sakit lalo na sa ginawa niya.
Hindi ko magawang magtanggal ng tingin sa kaniya hanggang sa nakuha ko ang atensyon niya. Nasa malayo lang ako pero alam kong nakita niya ako. He didn't even bother to have a reaction when he saw me, not even a little smile.
"Akala ko friends lang.. ba't ang sakit!" Wala akong lakas na tumayo, pareho kami ni Arianne na nakaupo ngayon sa grass ng garden at nakasandal lang ako sa balikat niya. She embraces me while combing my hair.
"Magiging ayos din ang lahat, hindi ko alam kung magkaka-ayos kayo o magiging ayos ka na wala siya. Pero alam ko, you will heal. For now, just cry."
"Ang bigat, Rianne. Sobrang bigat, sobrang sakit." Paulit-ulit lang ang sinasabi ko. Nasabi ko na ang lahat na nararamdaman ko pero narito pa rin 'yong sakit. Nararamdaman ko pa rin.
Bakit gano'n siya? Bakit niya naman ginagawa 'to? May nagawa ba akong mali na ikinagalit niya? Gusto ko siyang makausap pero parang hindi ko kakayanin kung may malalaman ako.
I was just crying the whole night. Kinatok ni Einn ang k'warto ko pero nagkunwari na lang akong tulog. Bukas naman ang pinto kaya pumasok na siya para silipin ako. I covered my face with the pillow.
"Tulog na tulog si madam, sige ire-reserve ko na lang 'yong pagkain mo." Hinaplos niya ang buhok ko at pagkatapos no'n ay narinig ko ang yapak niya palabas ng k'warto.
Nang makalabas na siya ay minulat ko ang mga mata ko at doon na naman nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Sa tuwing malapit ako kay Einn ay naaalala ko si Cly. Masyadong magkapareho ang mga trato nila sa 'kin. Alam kong matagal nang ganito sa 'kin ang kapatid ko pero hindi ko maiwasang maalala si Cly sa bawat galaw niya.
I tried to play solo game on ML, kahit classic lang, kaso lagi akong nakaka-kampi ng gumagamit ng main hero niya. Hindi ako nakakafocus sa game dahil do'n, kaya ending.. chocolate.
Ibinagsak ko ang phone ko at agad humandusay sa kama. Everything I'm doing right now is reminding me of him. Wala, wala na akong magawa kun'di umiyak at matulog. Kahit man pagluluto ay naaalala ko siya, bakit ko kasi sinesend sa kaniya 'yong mga pictures ng linuluto ko noon? Sobra-sobra na 'tong sakit na 'to.
Kinabukasan hindi lang ganitong sakit ang naramdaman ko nang mabalitaan kong nasa hospital si Einn.
Nanghihina ang tuhod ko pero pinipilit kong maglakad, halos hindi ko na makita si tito sa bilis ng takbo niya papasok sa hospital. Pero kinaya ko, kinaya ko hanggang sa nasa tapat na ako ng emergency room. Nakita ko si Einn, nakahiga sa hospital bed at may balot na sa ulo niya. Hindi ko alam kung nakapikit lang ito o natutulog.
Pero nang malapitan ko siya ay nakatingin lang siya sa 'kin, halos maipikit na niya ang mata niya pero kinaya niya para tignan kami.
"Einn." Para akong batang umiyak sa gilid. Hindi ko siya p'wedeng hawakan o yakapin dahil hindi ko alam kung saang parte ng katawan niya ang masakit.
Doon ko lang nalaman ang nangyari nang lumabas ako ng emergency room at nakita si Vergel, isa sa mga kaibigan niya, na nanginginig habang nakaupo sa bench.
Nabunggo raw siya ng pick-up truck habang pauwi sila galing sa training.
"Hindi naman siguro ganito ka-walang ingat si Einn magdrive ng motor, 'di ba?" nanginginig ang boses kong tanong.
"Hindi naman kasi gano'n ang nangyari, nagpark na kami. Bumaba na nga ako sa motor, eh. Papasok na sana ako sa 7/11. Tapos bigla na lang nawalan ng break 'yong pick-up truck at ayon, ewan ko kung bakit siya napunta ro'n sa harapan ng convenience store."
Nawalan ako ng pasensya dahil sa narinig ko. Mas lalo kong gustong makaharap ang driver at panagutan niya ang nangyari sa kapatid ko.
"Relax, ako na ang kakausap, Lei. Ako na ang bahala." Tinapik ni tito ang balikat ko at pinakalma ako. Inabutan niya pa ako ng tubig. Alam kong galit at nasasaktan din si tito pero nakakaya niyang pigilan, kaya dapat kaya ko rin.
Kaso sa tuwing makikita ko ang itsura ni Einn ay nasasaktan ako, hindi ko kayang isipin kung paano siya nabunggo ng pick-up truck.
"Lei.." nag-angat agad ako ng tingin nang gumalaw ang kamay ni Einn.
"Bakit? May masakit ba? May kailangan ka? Sabihin mo lang--"
"Lei." Natigilan ako nang tumingin siya sa 'kin. Naghihirap huminga ang kapatid ko, nahihirapan siya. 'Di ko kayang makita siyang nagkakaganito.
"Lei.. lapit ka, Lei." Agad akong lumapit sa kaniya at sinandal sa balikat niya ang baba ko. Hindi ko maiwasang maiyak. Kung nasasaktan ako, mas nasasaktan siya.
"Lei, yakapin mo naman ako." Parang dinurog ang puso ko nang marinig ang boses niya na naghihiling ng yakap. Dahan-dahan ko siyang niyakap. Sana hindi siya masaktan. Gusto ko man siyang yakapin ng mahigpit pero ayaw kong masaktan siya.
Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinayaang makatulog sa ganitong posisyon. Ramdam ko ang kamay ni Einn na mahinang humaplos sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Summer
Romance"It was summer when I met him, and summer when I lost him." Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm listening to relates to you. I don't have the strength to talk with you, but I'm still hoping for us...