13

76 15 0
                                    

Matagal akong nakatulog dahil sa mga sinabi niya. Exam pa naman namin bukas, sasabak ng exam na kulang sa tulog. Pahamak talaga 'tong si Clayton, eh!

"Alam mo sagot sa number 32 sa Math?" tanong ko kay Cly. Naglalakad kami ngayon sa hallway. Nauna kasi si Arianne sa canteen at mahapdi na raw ang tiyan niya. Ako ang pinaka last natapos magtake ng exam sa 'ming tatlo. Akala ko nga at iniwan na nila ako pero nandito pa pala si Cly.

"D., 'yon sagot natin sa review, eh. Ewan pero tinandaan ko lang 'yong number."

"Eh?" Napahinto ako sa paglalakad. Huminto naman siya at tumingin sa 'kin, agad namuo ang mapang-asar niyang ngiti.

"Bakit? Ano sagot mo, C?" tanong niya na ikinatango ko. "Sabi na nga ba, eh. Bilis mo maloko sa tricks ni Sir." Tumawa siya ng mahina at inakbayan ako.

Maiiyak na lang ako sa inis dahil mali ang sagot ko.

"'Wag na cry, Heaven. Ayos lang 'yan, mura lang naman ang cornetto, eh." May deal kasi kami, kung sino ang mas mababa ang score sa Math at Science ay siya ang manglilibre. Mababa ng isa ang score ko sa Science, ewan ko na lang dito sa Math.

Nang nasa canteen na kami ay agad akong lumayo kay Cly dahil sa pang-aasar na tingin ni Arianne sa 'min.

"'Musta ang long game?" pang-aasar niya sa 'kin pagkaupo ko sa tabi niya rito sa baba ng puno sa tapat ng canteen namin.

"Hindi ko sure, ready ko na lang pera ko." Agad tumawa ng mapang-asar si Arianne na sinabayan naman ni Cly.

"'Di pa nga sure, eh. Baka si Arianne may mababa na score sa 'tin." Agad nakatanggap ng kurot sa tagiliran si Cly dahil sa sinabi niya. Physical attack talaga love language nitong pinsan niya.

"Baka ikaw." Pag-irap ni Arianne na mas ikinagana nitong si Cly.

"Secured na score ko, shish!"

Nanahimik na lang ako rito sa gilid habang kinakabahan sa score ko. Hindi ako natatakot na gumastos dahil sa deal namin, nakakatakot lang na mababa ulit ang score ko sa Math.

"46?" Bakas sa mukha ni Cly ang pagkagulat sa result.

"Haha, ayan kasi. 47." Pagtaas ni Arianne sa papel niya.

"Ikaw, Lei ilan score mo?" sabay nilang lingon sa 'kin. Napangisi ako bago iniharap sa kanila ang test paper ko.

"48."

"Daya!"

"Aba, daya nito--"

"Oh, e'di ano pang hinihintay natin? Tara na sa 7/11," pagputol ni Arianne sa reklamo ni Cly at agad kinuha ang bag nito.

"Aba, saan ka? 'Yong bag ko, oy!"

"Ako na magdala para hindi ka makatakas." Umuna na sa labas si Arianne habang suot ang maliit niyang shoulder bag at bitbit naman ang bag ni Cly.

Nagkatinginan kami ni Cly at napalinga-linga na lang. Tinawanan ko na lang siya bago kinuha ang bag ko at sumunod kay Arianne sa labas.

"Papauwiin na ako ni mommy ngayon kasi nando'n na raw parcel ko, ayaw niyang bayaran kahit i-refund ko na lang." Nagrereklamo pa siya habang naglalakad kami sa labas ng campus.

"Ganito na lang." Sabay kaming napahinto ni Arianne at lumingon sa kaniya. "Mag order na lang tayo ng foods, mag food trip tayo sa bahay. Need ko kasi umuwi at iset-up 'yong parcel namin ni Rye."

Napa-awang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. Sa bahay nila?

"Sige na, please lang. Gusto ko nang makita 'yong inorder namin, please."

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon