"Einn, tama pa ba 'tong ginagawa ko?" tanong ko kay Einn nang makita ko siya na nagtutupi ng damit niya sa sala.
"Bakit nagnakaw ka? Pumatay ka? Nangloko ka-- nang-scam ka!?" Nagulat pa siya sa tanong niya at umaktong natatakot.
"Hindi, si Einn naman, eh!"
"Eh, ano?" Napakamot siya sa batok niya at tumingin sa 'kin.
"Sabi kasi ni Cly, gusto raw ng mommy niya na sumama ako sa kanila sa church. Mamasyal daw after."
"Oh, 'yon naman pala. Anong mali ro'n?"
"Nahihiya ako, whole family yata sila magchurch, eh!" Tumabi ako sa kaniya at yinugyog siya.
"Sa una lang 'yan, masasanay ka rin. Kaysa naman tatanggihan mo, eh wala ka namang gagawin bukas. Sumama ka na lang." Winakli niya ang kamay ko kaya napasandal ako sa sofa at napanguso.
"Eh sa nahihiya ako."
"Sa una nga lang 'yan."
"Wala naman akong planong sumama ulit sa susunod. Pero nakakahiya, Einn!" Sumipa-sipa pa ako sa inis.
"'Wag ka nang mahiya. Mommy niya na 'yong nag-aya, eh." Tinapik niya ang balikat ko at nagtupi ulit. "Pagkatapos nito, tutulongan kitang maghanap ng maisuot."
Wala na akong nagawa kun'di tanggapin ang invitation ng mommy niya. Tinulongan na rin ako ni Einn pumili ng maisuot.
Kinabukasan nga ay nag-ayos ako sa sarili ko at naghanda para sa lakad. Sa church na kami nagkita nila Cly at pagkatapos ay naghanap na ng makakainan.
"Masakit ang paa mo?" tanong niya sa 'kin nang mapansin niyang huminto ako sa paglalakad. "Tingin nga."
"'Di, ayos lang."
Hindi ko na siya napigilan nang lumuhod siya at tinignan ang isa kong paa, sunod naman ang kabila.
"What's wrong?" tanong ni tita Cresna nang mapansin niyang natigil kami sa harap ng church. Kakalabas niya lang, pinauna niya kami kasi marami siyang kinausap na mga kakilala.
"Ah, wala naman po. Ayos lang talaga ako, Cly. 'To naman." Tumayo si Cly at inayos ang polo niya. He's indeed so handsome today. Uh, not just today, everyday.
"Mukhang hindi, namumula na 'yong paa mo. Hindi ka sanay ng heels?" tanong ni tita Cresna na may pag-aalala sa boses.
"Medyo po, nasasanay na kasi akong mag rubber shoes." Pagngiti ko. Tumango naman si tita at muling tumingin sa paa ko. Nakakahiya na! Bakit pa kasi naisipan ni Einn na mag-dress ako!?
"Bumili na lang tayo ng Band-Aid mamaya, mom," ani Cly na ikinatango ulit ni tita.
"Ano.. tuloy pa rin tayo sa pasyal, ah? Sayang kasi at narito na tayo." Tumingin si tita sa front mirror para tignan ako. Tapos na kaming mag-lunch at papunta na kami sa mall para mamasyal.
"Opo, kaya ko lang po."
"Sigurado ka, ha?" paninigurado ni Cly sa 'kin.
"Baka lumala 'yan, bili na lang tayo ng flat na sandals para maka-enjoy ka rin, ate." Namilog ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Rye. Lumingon naman siya sa 'min dito sa likod bago tumingin sa mommy niya.
"Oo nga, 'no? Buti pa nga," sumang-ayon naman si Cly. Napasandal ako at isinandal din ang ulo ko sa likod. Mamatay na ako sa hiya, bakit ganito sila kabait sa 'kin?
"Woy, problema?" pagsiko ni Cly sa 'kin.
"Wala naman."
"'Wag ka nang mahiya, enjoy na lang natin 'to, okay?" Ngumiti siya sa 'kin at hinintay ang sagot ko. Napahinga ako ng malalim at tumango.
![](https://img.wattpad.com/cover/316333963-288-k71393.jpg)
BINABASA MO ANG
Bittersweet Summer
Romance"It was summer when I met him, and summer when I lost him." Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm listening to relates to you. I don't have the strength to talk with you, but I'm still hoping for us...