After we ate breakfast he toured me around the farm. After an hour we ate lunch and waited half of an hour before we went home.
Nang nasa downtown kami ay huminto muna kami sa isang food and pastries store para bumili ng pasalubong kayla tito. Dinalhan niya pa ng mga prutas sina tito para pasalamat daw na pinayagan siyang dalhin ako. Kaloka talaga 'tong si Cly.
"Nandiyan kaya tito mo?" Sumilip siya galing sa bintana ng sasakyan bago pinarada sa harap ng shop 'yong sasakyan. Umuna siya sa paglabas sa sasakyan at kagaya ng lagi niyang ginagawa, binubuksan niya ang pinto para sa 'kin.
"Hello po!" Nagmano siya kay tito at agad hinanap si Einn.
"Nasa police station ang kapatid ko, oy," paalala ko sa kaniya. Natawa naman siya ng bahagya at tumango.
"Nga pala po, tito. May dala kaming mga prutas 'tsaka cake." Linagay niya ang mga plastic ng prutas sa gilid ng couch. Linagay ko naman ang box ng cake na binili namin sa coffee table.
"Naku, may pasalubong pala." Natatawang tinignan ni tito ang mga dala namin. Nag usap-usap kami saglit tungkol sa farm at kung gaano kaganda roon. Tuwang-tuwa naman si tito sa k'wento namin. Mas lalong napalapit ang loob niya kay Cly at tuloyan nang kinalimutan ang mga nangyari noon.
Kagaya ng lagi kong ginagawa, inaasikaso ko ang shop at ang mga order ng clients hanggang 5pm. Nang malapit na mag 6pm ay inaayos ko na lang ang mga gamit at linagay sa sasakyan ang mga prutas na dala namin kanina.
Nagmotor kasi si Einn papuntang station ngayon kaya nagagamit ko ang sasakyan. Hati kami sa pera na binili nito kaya minsan ako ang gumagamit, minsan siya naman.
["Girl, you must come. Malaking party 'to, eh. Masaya!"] Napahiga ako sa kama habang kausap si Arianne. Inaaya ako ng night out bukas. Sa club daw kasi at parang nagdadalawang-isip akong pumunta.
"Hindi ko naman kilala ang nagpa-party."
["Well, siya, kilala ka niya. He even mentioned you to me na dapat nando'n ka."] Nagtaas siya ng kilay at ngumisi.
"Sino ba 'yan?" Napakamot ako sa ulo at tumagilid.
["Ex ko."] Agad akong napabangon sa sagot niya.
"For real, Arianne? At gustong-gusto mong pumunta? After he cheated?" Napasimangot siya sa tanong ko.
["Joke lang! Grabe ang bilis mo ma-uto. Si Vergel kasi. Kilalang-kilala mo 'yan. 'Tsaka tiyak pupunta si Mr. Osorio niyan!"] She's referring my brother.
Pagkatapos ng tawag namin ay hinintay ko si Einn na dumating at tinanong about sa party na 'yon. Sabi niya naman ay inimbitahan talaga siya ni Vergel at plano niyang pumunta roon saglit. He asked me to come, kaya wala na akong nagawa kun'di sumama na lang. Tutal nando'n naman siya.
That night came. I just wore a body con dress again and a blazer, sinabit ko lang ito sa braso ko at susuotin na kung nakakaramdam ng ginaw. I wore a high-heeled sandals that'll fit with my dress. I applied my usual makeup and put some perfume.
Not to impress anyone but to fit with the event, tiyak na bongga ang party na 'to dahil kandedato itong si Vergel. Ilang beses na rin siyang nanalo sa eleksyon, kaya marami itong bisita.
At hindi nga ako nagkamali. Sobrang daming tao. Sumalubong sa 'min ang malakas na beat ng music at mga hiyawan ng mga tao na kaniya-kaniyang bitbit ng shot glass at wine glass nila. 'Yong iba ay by partner pa at hindi maiwasan ang harutan sa couches.
Napahawak ako sa braso ni Einn para hindi niya ako maiwan. Hinahanap niya kasi si Vergel para ipaalam na narito na kami. Inikot ko ang tingin sa buong club para hanapin si Cly, ang sabi niya kasi ay pupunta siya since pupunta ako.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Summer
Romance"It was summer when I met him, and summer when I lost him." Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm listening to relates to you. I don't have the strength to talk with you, but I'm still hoping for us...