'Yong sala kasi nila sa second floor ay walang dingding papunta sa balcony. Kumbaga 'pag uupo ka sa sofa ng sala ay kitang-kita mo na ang labas dahil tanging handrail lang ang border nito. At sa magkabilang parte naman nitong sala ay apat na k'warto na nagkatapat. Dalawa sa kaliwa, dalawa rin sa kanan.
Tapos iba na namang hallway sa kanan para sa iilan pang k'warto kung saan kami dumiretso ni Cly.
"Bakit 'di niyo ko sinabihan?" natatawang tanong ni Cly.
"Pinasamahan kita ni Ica. Ica?" Tumingin naman si lola Victonia kay Ica.
"Sinamahan ko po sila hanggang sa sala. Kaso akala ko ay alam na ni kuya Cly kasi sabi niya sila na raw bahala." Mas lalong tumawa si Cly na may hiya sa boses nang marinig ang sagot ni Ica.
"Ano, Cly? Ha?" mapang-asar na tanong ng lolo niya.
"Tama po siya. Akala ko kasi ayos lang ang lahat na k'warto. 'Tsaka dalawa kasi ang kama sa k'warto na 'yon kaya ayon.." Napatakip siya sa bibig niya gamit ang kamao at naghihirap pigilan ang tawa. Ibang katangahan na naman ang nagawa namin ngayon.
Sinabihan na lang ni lola Victonia na maglagay ulit ng bagong shampoo at sabon sa k'warto namin. Hindi raw nila ito naisipang palitan noon kasi ang laging hinahanda nila ay 'yong k'wartong malapit lang sa sala.
Hindi na lang kami lumipat ni Cly at mas gusto niya raw talaga iyong k'wartong dalawa ang kama.
"Mas view kasi rito 'yong farm at bukid sa kabila," pagrarason niya habang nakaupo sa upuan at nakaharap sa bintana na nasa 'di kalayuan ng kama ko. Nag-invade pa siya sa part ko.
Nakaupo lang ako sa kama at nakasandal sa bed head. Habang siya, nasa upuan na dapat inuupuan ko ngayon.
"'Di ba, Lei?" Lumingon siya sa 'kin. Umiling naman ako na ikinasimangot niya bago bumaling sa bintana.
"Ayaw mo rito? Gusto mo ba sa k'warto na hindi tayo magkasama?" tanong niya ulit pero sa nagtatampong tono.
"Joke lang, ayos lang sa 'kin na magkasama tayo. Iba-iba naman tayo ng kama, eh." Natawa siya ng bahagya sa sagot ko.
"Matutulog ka na ba? Ayaw mo tignan ang mga bituin?" Napaka-kalmado ng boses niya. It feels like home hearing his voice.
"P'wede ba?" tanong ko sa kaniya. Bumaling naman siya sa 'kin. "Labas muna tayo?"
Namuo ang ngiti sa mukha niya at agad na tumayo.
"Tara, may magandang lugar para mag star gazing." Agad din akong tumayo at hinanap ang tsinelas ko. Muntik pa akong ma-out of balance, buti nakakapit ako sa damit niya. Inis man siyang tumingin sa 'kin pero agad siyang natawa nang tumawa ako.
"Grabe, muntik mapunit, Lei!"
"Hoy, grabe ka sa muntik mapunit. Mahina lang pagkahawak ko!" Na-aasar kong paghampas sa kaniya na ikinatawa niya lang.
Kinuha niya ang DSLR camera niya sa bag at sabay na kaming bumaba at dumiretso sa mapatag na lugar sa gilid ng villa.
Umupo kami sa grass at nag-angat ng tingin sa ma-bituin na langit. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nasaksihan ko. Kay gandang tanawin.
Napatingin ako sa gawi ni Cly nang marinig ang tunog ng camera. Nakatuon ito sa 'kin at nag-click ulit siya bago ito tinignan.
"Mukha kang stalker," saad ko sa kaniya at napatingin ulit sa langit.
"Ganda mo palagi." Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.
"Bola," lagi ko mang sinasabi iyon pero sa totoo ay masaya ako sa tuwing sinasabihan niya ako na maganda.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Summer
Romance"It was summer when I met him, and summer when I lost him." Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm listening to relates to you. I don't have the strength to talk with you, but I'm still hoping for us...