23

58 14 0
                                    

Pagkatapos no'n ay lagi na niya akong binibisita sa shop at inaayang kumain ng tanghalian sa labas. Minsan kapag busy siya sa tanghali at may marami rin akong inaasikaso, hapon na lang niya ako dinaraan sa shop at inaayang manood ng sunset kasama siya.

Nakaupo kami ngayon sa semento na railings at pinapanood ang view ng sunset sa dagat.

"Lei, alam kong biglaan 'to pero.." Lumingon ulit ako sa kaniya nang may kunin siya sa bulsa niya. Isa itong maliit na kahon.

Lumapit siya sa 'kin at binuksan ito. Kwintas. Isa na namang kwintas na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Can I court you, Neveah?" tanong niya sa 'kin, I was stunned. Ilang segundo akong nakatitig sa kwintas at nanlambot ang tuhod ko. Bigla kong naalala ang binigay niya sa 'kin noon.

"Cly.. suot ko pa ang bigay mong kwintas sa 'kin noon."

"Kreshly, can you be my girlfriend?" He rephrased his question. I stared at him for a second. There I realized he was asking me to be his girlfriend.

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya. It was filled with honesty and sincerity. I can't put into words what I feel right now, puno ng saya at pagkabigla ang nararamdaman ko.

"I'm willing to be your suitor, even if it will take months or years to get your 'yes'. No pressure, hindi mo ako kailangang sagutin agad."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may kung anong mainit na likido sa tiyan ko. I felt like I was floating thinking that this chinito in front of me was asking to court me.

"It's okay if you're not sure, Lei. Just tell me. I'm still willing to wait. It's either for nothing or something."

"I'm sorry, Cly. Hindi lang agad na-process ng utak ko ang mga sinabi mo. I just can't believe that you'll court me after 6 years."

"What do you expect, Lei?"

"Ano lang kasi.. you already left so I thought it's the end. I mean-- I was still hoping for you to comeback but I didn't expect this thing to happen." Napakagat ako sa labi ko. I was doing my best to stop my tears but it burst out!

"Lei, I left but my feelings stayed. I did it all because of you. I gave all of my strength to be successful and came back to prove that I can win you." Napa-awang ang labi ko, I'm now crying because of mixed feelings. Sad, happy, I don't know!

"Walang araw at gabi na hindi ka pumapasok sa isip ko, Lei. Iniisip ko sa tuwing may ginagawa ako.. na para sa iyo 'yon lahat. And when I saw you on the reunion, alam mo unang naisip ko? I swear to my self if ever you don't have a boyfriend or husband, I will marry you. At ngayong nakumbinsi kong wala kang boyfriend o kinakausap man na lalaki.. I wanted to take this opportunity.. to be your suitor, boyfriend, and husband to be."

Iyon ang mga katagang naiwan sa isipan ko hanggang sa pagtulog. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapaniwala na ang isang Lenior ay nanligaw sa 'kin! I was just so shocked that after almost 7 years.. he was still into me.

Ilang gabi akong napaisip na paano kung may fiancée na siya? Paano kung 'yong pagpansin niya sa 'kin ay respeto na lang dahil sa mga pagsasama namin noon? I was so afraid to find out that he's been with another girl but now.. now he gave me another necklace and courted me!

He continue visiting me on the shop. He even invited me to go with him in the farm.

"Natatakot ako, Cly." Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin.

"Bakit? It's our farm." Our?

"Anong sa 'tin, sa inyo 'yan ng pamilya mo--"

"Lei, hindi. Matagal na 'yang na abandon ni daddy at sina lolo na lang ang nag-asikaso no'n. Tapos ngayon binalikan ko 'yon para kunin galing sa pangalan ni dad. Ngayon na nakuha ko na, ako na ang may-ari no'n. Tayo." He never forget to mention that it's ours. Although it's only his.

I freed my schedules to go with him and visit the farm. He even reminded me to wear a comfy sandals and to stop torturing my feet with high-heeled sandals.

Nakasuot ako ng button-down blouse at wide jeans. Sa ngayon naka rubber shoes ako. At sa itaas naman ay nag-jacket ako since malamig sa byahe at lalo na sa paroroonan.

Pinaalam niya na ako kay tito at Einn pero no'ng sinundo niya ako sa bahay ay hinanap niya ulit ang dalawa para magpaalam na naman. Nagmano pa siya kay tito at nakipag-fist bump kay Einn. Nagkasundo na man silang tatlo.

"Ingatan mo kapatid ko, ha!" nakangiting bilin ni Einn na ikinatango ni Cly. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa nasaksihan ko.

"Iingatan ko 'to." Umakbay siya sa 'kin at tinanguan sina tito. Natawa naman ang dalawa at hinatid kami palabas ng gate.

"Ingat kayo!" Tinapik ni Einn ang balikat ko bago ako pinasakay ni Cly sa passenger seat.

Napatingin ako sa kanila galing dito sa loob nang mapansing may sinasabi pa si tito kay Cly. Napatawa naman ng bahagya si Cly at tumango bago umikot papunta sa driver's seat.

Pinaandar niya ang makina at binuksan ang bintana ng side ko. Sumilip naman sina Einn at tito rito at kumaway sa 'min. Kumaway rin kami ni Cly pabalik sa kanila bago niya pinaandar ang sasakyan at itinaas ang glass ng bintana. Nakatingin lang sa 'min ang dalawa hanggang sa lumiko na ang sasakyan palabas ng eskinita.

I was so excited, this is my first time to go to a farm and as I know it is a big farm!

"Ang saya mo yata, ha!" Napalingon ako sa kaniya.

"First time kong makapunta ng ganiyan'g lugar." Bakas naman sa mukha niya ang gulat at saya.

"Tama pala talaga at isinama kita. Tiyak magugustuhan mo ang lugar." Nakangiti siyang sumulyap sa 'kin at bumaling ulit sa dinadaanan.

Hindi ko maiwasang maka-idlip sa byahe, nagising na lang ako at nakitang puro palayan ang nakikita sa gilid ng dinadaanan namin. Napalingon ako kay Cly na ngayo'y seryosong nagda-drive. Napansin niya naman ako kaya napasulyap siya sa 'kin.

"Malayo pa tayo," aniya sa kalmadong boses,

Hindi ko na siya sinagot at tumingin ulit sa labas ng bintana. Ilang segundo rin akong tulala dahil nga bagong gising. Nang nasa katinuan na ako ay napag-isipan kong kunin ang phone ko sa bulsa ng jacket at kinunan ng video ang dinadaanan namin.

The atmosphere was so calm, especially when I'm with him. The person I planned to settle in life with.

"Marami pa tayong madaraanang magagandang view kaso malayo pa, p'wede ka pang matulog, gisingin na lang kita 'pag malapit na tayo." Sumulyap ulit siya sa 'kin.

"Hindi na, hindi naman ako napagod o inaantok pa. Mas maganda 'pag gising ako, para naman may makausap ka."

But I failed to stay awake. Hindi umabot ng minuto ay nakatulog na naman ako. Nagising na lang ako nang maramdamang bumukas ang bintana sa side niya at may kinausap siya, maya-maya naman ay nawala na ang boses na galing sa labas.

Nang minulat ko ang mata ko ay nakita kong nasa harap na kami ng isang villa at sa gilid naman nito na 'di kalayuan ay isang palayan.

Ibig bang sabihin..

Napatingin siya sa 'kin nang mapansing gising na ako.

"Hehe, sorry. Mukhang ang sarap ng tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising." Ngumiti siya nang abot tainga at nag-peace sign.

Napasimangot tuloy ako. Ang sabi niya ay gigisingin niya ako!

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon