01

171 26 11
                                        

MUSIC WORKSHOP

***

Umaga pa lang sira na ang araw ko, ito kasing si Einn na kambal ko, bigla-bigla lang papasok sa k'warto tapos nakasira pa ng decoration sa side table ko.

"Nakatulala ka na naman, Kreshly," malamig ang tonong sabi ni Tito sa 'kin habang kumakain kami ng umagahan sa veranda.

Kaming dalawa na lang ang nandito at nauna na raw si Einn sa shop. Wood carving kasi ang negosyo ni Tito at tumutulong si Einn kapag bakasyon. Ako naman ay nagluluto ng makakain namin at ang gagawa ng iba pang household chores.

"Nga pala, sabi ng isa kong kaibigan, may music workshop daw at may emergency ang vocal trainor nila. Gusto mo bang ikaw na muna ang sub?" pag-iiba niya ng usapan nang hindi ko lang siya pinansin.

"Vocal trainor? Kaya ko ba 'yon?" magalang kong tanong sa kaniya bago uminom ng tubig.

"Kaya mo 'yan. May talento ka kaya pagdating diyan. 'Tsaka bukas na kasi ang opening, baka raw hindi makaabot 'yong vocal trainor," kalmado niyang sagot habang naghihiwa ng longanisa.

"Mga bata po ba ang trainees?" Hindi ako sanay sa pakikisalimuha. Ayos lang siguro kung mga bata pa, bawas-bawas sa kahihiyan.

"Oo, mga bata lang. Pinasali kita sa music workshop noon, hindi ba? Tiyak may alam ka pa tungkol diyan."

Since wala naman ako masyadong gagawin dito sa bahay, pumayag na lang din ako. Hindi ako sigurado kung kaya ko, pero gagawin ko ang makakaya ko. Buong gabi akong nagbabasa ng mga guides about sa mga gano'n. Alam ko ang mga basic pero hindi ko alam paano ituro, kaya kailangan ko pa rin ng guides.

"Ihahatid ka pa ba ni Einn?" Salubong sa 'kin ni Tito pagkapasok ko sa shop, nasa tabi lang kasi ito ng bahay namin.

"'Wag na, po. Baka maligaw pa kami." Sinabayan ko iyon ng tawa. Sa totoo lang, ako ang madaling maligaw sa 'ming dalawa. Makakalimutin din ako sa mga itsura ng nadadaanan ko.

"Oy, grabe ka sa maligaw. Saan ka ba pupunta?" Ngumuso ang kapatid ko at nag-angat ng tingin sa 'kin. Oo nga pala, hindi ko pa nasabi sa kaniya.

"Music Workshop." Umupo muna ako sa upuang maliit at inayos ang slipper-sandals ko.

"Sasali ka? 'Di ba marunong ka na? Ibang instrument pag-aaralan mo? Anong instrument?" sunod-sunod niyang tanong habang nag-aayos sa mga tools.

"Ki-k'wento ko sa 'yo mamaya, Einn. Sa ngayon, tulungan mo muna ako rito."

Tumango na lang si Einn at pinagpatuloy ang ginagawa. Ilang ulit pa niya akong sinigawan na mag-ingat daw ako kahit na nasa labas na ako ng shop. Kahit na tatlo lang kami sa bahay, hindi talaga matatahimik dahil sa kaniya.

Sumakay na lang ako ng Taxi at sinabi ang destinasyon. Habang nasa byahe, nireview ko muna 'yong mga guide at steps.

"Nandito na tayo, hija."

Tamang paglabas ng taxi ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa loob ng bag ko kaya natigilan ako at linabas ito para tignan.

Einnor:
Good luck! Kaya mo 'yan. Tiwala lang.

Hindi ko matago ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang text niya. He never failed to put a smile on my face. Siya pa rin talaga 'yong positive thinker na kapatid ko, ang laging nagbibigay ng pag-asa at saya.

I was welcomed by the support team and other staff pagkapasok ko sa building. Naagaw bigla ang pansin ko sa isang medyo chinito na lalaki na nagp-play ng drums sa gilid ng stage habang ine-entertain ang mga bata. Familliar ang mukha niya. Nagkita na ba kami? Kung oo, saan naman?

"Lei, diretso muna tayo roon sa likod." Biglang lumipat ang tingin ng chinitong lalaki sa 'kin nang tawagin ako no'ng isang staff. Hindi agad ako nakaiwas sa tingin niya. He smiled at me which gave me a strange feeling.

"Oh, Cly! You too, sa likod muna tayo." Cly.

"Ah, okay. Copy." Tumayo siya at iniwan muna ang mga bata sa may drum set at naglakad na papunta sa back door. He, once again, glanced at me and smiled. Ang friendly, ah!

"So, let me introduce our sub vocalist since wala iyong vocalist natin. She's Kreshly, Lei for short, right?" Tumingin sa 'kin ang isang mid-30s na lalaki. Siguro siya 'yong kaibigan ni tito.

"Opo, Lei na lang po para madali lang." I slightly bowed and smiled at them.

Whenever I caught him stealing a glance at me, my heart pounded fast, which I had never experienced before.

They introduced themselves one by one and said their greetings to me.

"Clayton, Cly for short. Medyo dugtong tayo ng nickname." Tinaas niya ang mga kilay niya at nakangiting kumaway sa 'kin.

Nagtawanan naman ang iba at tinukso siya sa kahanginan niya. Walang kaibahan kay Einn.

The workshop started and we went out to introduce ourselves to the trainees. Pagkatapos ay grinupo na kami sa kung saan sila interesado. We were training the singing outside since maingay sa loob. Nag showdown pa kasi si Cly sa drums.

We finished our first step before noon.

"Kain na kayo, by 1pm balik na raw ulit tayo sa training." Nagsi-paalam na sila sa 'kin at nag-unahan nang pumasok sa loob para kunin ang pagkain nila.

Tamang pagpasok nila sa pinto ay lumabas naman galing doon si Cly. May dala siyang water bottle at lumapit sa 'kin.

"Water, hinahanda pa kasi 'yong lunch natin." Nakangiti niya itong inabot sa 'kin. He squatted beside the chair I was sitting on.

"Thank you." Tinanggap ko rin ito at binuksan. Natigilan ako at tumingin sa kaniya nang mapagtantong bukas na ito.

"I opened it, para hindi ka na mahirapan." Bahagya siyang natawa at umiwas ng tingin.

"Ah... thank you ulit." Napatango-tango ako at tumingin sa kabilang direksyon. Ang bait niya yata sa 'kin.

After the short break, bumalik ulit kami sa training. I can't stop myself from stealing a glance to Cly from the glass window. Kitang-kita naman kasi siya galing dito!

"Leiiii!" Hindi pa nga ako nakapasok sa gate, sinalubong na agad ako ni Einn. "Kumusta?"

"Umalis ka, hindi ko mabuksan," tanging sagot ko sa kaniya at hinatak ang lock ng gate. Umurog naman siya at ngumuso sa 'kin.

"Nagtatanong lang, eh." Patuloy lang akong naglakad patungo sa veranda habang nakasunod siya sa 'kin. "So, ano? Ayos ba ang mga trainee?"

"Ayos naman sila, pero hindi ko talaga gawain to, eh." Napasimangot ako at umupo sa hagdan. Tumabi naman sa 'kin si Einn at inakbayan ako.

"Ayos lang 'yan, oportunidad mo 'to para matuto ka kung paano magturo. Malay mo magiging music teacher ka, 'di ba?" Magaan akong ngumiti at lumingon kay Einn. Ang plano ko lang sa buhay ay makahanap ng kahit anong trabaho para sa pangangailangan, pero maganda rin ang ideya na naibigay ng kapatid ko sa 'kin.

Music teacher, nice.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon