06

94 21 1
                                    

Dumating na ang exam week namin kaya puro na lang kami review. Nagmamadali kong tinapos ang tanghalian ko para makapunta pa ako sa library, wala na akong ibang alam na lugar para puntahan at mag-aral.

Pagkatapos kong iligpit ang lunchbox ko ay agad ko itong linagay sa bag kasama ang flask ko. Sinuot ko ito sabay kuha ng libro at notebook kung nasaan ko sinulat ang summarization ng lahat ng topic namin this quarter at umalis ng canteen.

Didiretso sana ako sa library nang mapansin ko ang mapayapang parte ng campus sa gilid ng tennis court. Para itong maliit na bundok sa gilid ng ground at maraming upoan dito. Hindi ko ito napansin noon dahil lagi lang akong nasa classroom o 'di kaya sa music room.

Napansin kong wala masyadong estudyante roon kaya napagdesisyunan ko na roon na lang mag-aral.

Ilang araw bago ang exam ay nasanayan ko na agad na roon kumain ng tanghalian at mag-aral. Hindi naman masyadong malakas ang hangin at hindi rin basa ang upoan kahit tag-ulan dahil sa makapal na mga dahon ng puno.

"Wow, school girl." Natigilan ako sa pag-highlight at napa-angat ng tingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Si Cly.

"As usual, may goal, eh," pasimple kong sagot at binaling ang tingin sa ginagawa.

"Dito ka pala lagi kaya hindi kita nakikita sa library." Umupo siya sa kabilang upoan na nasa tapat ko kaya kinuha ko naman ang bag ko na nasa parte ng 'mesa kung saan niya p'wedeng ilagay ang mga gamit niya.

"Sa lawak ng library, imposibleng mahanap mo ako."

"Bakit, pumunta ka ba talaga roon? Kailan?" sunod-sunod niyang tanong. Umiling lang ako at sinubokang magbasa.

"Hinanap kita," aniya sa mababang boses. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Wala lang, hinanap lang kita. Last week kasi nakita kita ro'n kaya akala ko roon ka rin mag-aaral para sa exam."

Tumango na lang ako sa kaniya at tumingin ulit sa notes ko. "Napansin ko lang itong lugar na 'to, ang ganda kasi at ang payapa."

"Ngayon mo lang nalaman na may gan'to ang campus?"

"Oo, lagi lang kasi akong na'sa room o 'di kaya sa music room." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"Hindi ka pala talaga sanay sa gala, pati sa campus wala kang alam."

"Grabe ka naman sa walang alam, ang layo lang talaga nito sa building ng Junior High at sa club rooms." Mas lumapad ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko.

"Oo nga naman, alam ko lang itong lugar na 'to kasi rito kami nagp-practice ng tennis." Hindi ko na siya sinagot pa at nanahimik, pinipilit na may maintindihan sa binabasa. "Share ko lang."

"Nag-aaral ako."

"Ito na, tatahimik na." Parang bata niyang linagay ang bag niya sa 'mesa at may kinuha na clear book dito. Hinayaan na niya akong makapag-aral at nag-aral din siya ng sa kaniya.

The exam was great, I did a passing scores with all the subjects. Buong araw pa nga ng checking day nag-ingay si Clayton dahil sa saya ng nakuha niyang scores.

"Lei, free ka mamayang hapon after class? Sama ka sa 'min, deserve natin kumain sa labas after exam." Napatigil ako sa paglalaro ng tetris sa phone ko nang biglang humarap sa 'kin si Clayton.

"Medyo.." mahina kong sagot, nagdadalawang isip. Hindi kasi ako sanay na hindi agad didiretso sa bahay pagkatapos ng klase. Pwera na lang kung may ipinapabili si tito sa 'min ni Einn. At hindi rin ako sanay na kasama sila, nakakahiya at baka ma-out of place ako.

"Anong medyo? Kung wala ka sanang gagawin, sama ka sa 'min ni Arianne. Maliit lang naman tayo." Alam niya talaga kung ano ang ayaw ko, ang marami ang kasama. Hindi ko alam kung bakit ang bilis niya akong nakilala, he's a type of man na observant kahit na may pagka-maingay siya.

"O, s-sige. Pero hindi ako magtatagal," mahina kong sagot na ikinatuwa niya. Hindi naman siguro mali kung sasama ako, ngayon lang naman. 'Tsaka sasabihin ko rin kay tito ang totoo, imbes na magagalit 'yon, matutuwa pa iyon na nakikisama ako sa mga kaklase.

"Ayon! Sama si Lei, Arianne." Agad siyang lumapit kay Arianne na nakaupo lang sa harap. Natuwa naman ang kaklase at agad na nag thumbs up sa 'kin.

Pagkatapos ng klase ay hinintay ko na lang muna sila sa labas ng room. Schedule kasi ng group ni Arianne sa paglilinis ng classroom. Pagkatapos no'n ay agad na kaming bumaba ng building. Nag-uusap pa silang dalawa sa daan at tinatanong din nila ako sa opinyon ko sa bagay-bagay. Maganda silang kasama, ewan ko lang kung madami kami ngayon, baka hindi sila ganito na sinasali ako sa lahat ng pinag-uusapan.

"Nakanood ka no'n, Lei?" tanong sa 'kin ni Arianne na ikinailing ko, hindi naman talaga kasi ako mahilig sa panonood ng movies.

"Mahilig sa pagbabasa si Lei, hindi 'yan masyadong nanonood ng movies." Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Clayton, bakit niya alam? Ibig bang sabihin nito ay pati pagbabasa ko ng ebook ay napapansin niya?

"Wow, anong genre binabasa mo?" Masaya namang humawak si Arianne sa braso ko at hinintay ang isasagot.

"Ah.. self-help-book at mystery."

"Wow, ang cool naman! Minsan lang babae na nagbabasa ng ganiyan. Mga kaibigan ko kasi at 'yong mga pinsan namin, romance 'yong binabasa nila."

Hindi pa rin tumahimik ang magpinsan hangang nasa gate na kami. Natahimik lang si Arianne nang lumapit na kami sa dalawang studyante na naghihintay sa gate. Si Cole at iyong girlfriend niya.

"Kai, tara na?" ani Clayton at inakbayan ang lalaki. Napatingin naman sa 'kin si Cole bago tumango.

"Si Lei nga pala, classmate namin.. at kaibigan na rin." Natawa siya sa panghuli niyang sinabi at ngumiti sa 'kin. Ngumiti na lang ako sa dalawa, napaka-smiley ng babae.

"Si Kath, Kath si Arianne at si Lei," pagpakilala sa 'min ni Clayton sa babae. Muli itong ngumiti at nakipagkamay sa akin.

"Hello, Lei!" Pagkatapos naman ay kay Arianne. "Hi, Arianne!" Wala akong ibang ginawa kun'di ang ngumiti na lang. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito.

Pagkatapos ay naglakad lakad pa kami paikot, hindi pa kami nalalayo sa campus dahil sa daming coffee shop dito, nalilito na nga sila kung saan talaga kami. Basta ako, bumabase lang ako sa kanila, masarap naman lahat ng kape para sa 'kin, eh.

Mas umingay ang bibig ni Arianne nang nagkaisa na sila ni Kath. Si Clayton naman ay nahahati sa 'kin at sa kaibigan niyang si Cole na tinatawag niyang Kai.

Dumating ang Semestral break namin at tatlong araw pa lang ako sa bahay ay nababagot na ako. Hindi naman ako p'wedeng magtambay sa shop dahil maraming ginagawa sina tito. May nag order din kasi sa kaniya ng guitar kaya hindi siya p'wedeng bulabogin.

Lumabas na lang ako sa k'warto at pumunta sa kusina. Mayro'n pa naman sigurong p'wedeng lutoin dito. Para naman may makain sina tito pagkatapos nila sa ginagawa.

"Lei, ubos na ba 'yong--" Bigla kong naibagsak ang pagkasarado ng cabinet nang biglang pumasok si Einn sa kusina. "Ano na naman ginagawa mo?"

"Kakain, siyempre. Ikaw, bakit ka narito? May ginagawa pa kayo ni tito, 'di ba?" Tumayo ako ng maayos at humarap sa kaniya.

"Nauuhaw ako, 'yong juice sa 'mesa nasaan?" Tinuro niya ang lamesa at wala nang pitcher do'n.

"Nasa ref, linagay ko kanina." Pasimple kong sagot at lumabas na ng kusina.

"Aw, okay, salamat. Oy, saan ka? Sabi mo kakain ka?"

"'Wag na lang, nakakawalang gana mukha mo." Narinig ko pa ang reklamo niya hanggang sa nakapasok na ako sa k'warto.

Umupo ako sa gilid ng kama at nagbukas ng cellphone. Wala akong choice kun'di magbukas ng kung ano-anong social media apps habang hinihintay na mawala si Einn sa kusina. Alam kong hindi lang iyon iinom ng juice kun'di kakain na rin.

Kakaopen ko lang ng IG ko nang may pulang bilog ang message icon nito. Wala masyadong nagchachat sa 'kin sa IG kaya agad ko itong tinignan at kaninong message ang naligaw.

@OrlandoLenior:
Hey, classmate.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon