08

87 21 0
                                    

After the Christmas party, I never had connection with him again. Nakatuon lang ako sa pagtulong kay tito at Einn sa shop at pagluto ng pagkain. Lumalabas lang din ako tuwing umaga para maglinis sa bakuran at buong araw nasa loob lang ng bahay.

Isang araw nautosan ako ni tito na bumili ng bagong kitchen tools. Hindi raw p'wedeng kaming dalawa ni Einn dahil may tinatapos pa siya na carving sa shop kaya wala akong magawa kun'di lumabas mag-isa.

Pumunta ako sa malapit na store rito sa lugar namin na maaring mabilhan ng kitchen tools. Pagkatapos ay bumili na lang din ako ng maaring meryenda nila at naglakad na papunta sa sakayan. Ganito lang ang gawain ko kapag may binibili, tamang kompleto na ang binili at agad nang uuwi.

Unti-unti akong dumahan-dahan sa paglalakad nang mapagtantong pamilyar ang isang tao na naglalakad papunta sa direksyon ko. Nang makita niya ako ay agad namang lumapad ang ngiti niya.

"Merry Christmas!" bati niya sa 'kin.

"Merry Christmas," bati ko naman pabalik sa kaniya. Naglibot siya ng tingin bago tumingin sa 'kin.

"Pauwi ka na? Busy ka ngayon?"

"Hindi naman.. nakakabagot nga sa bahay, eh," tanging sagot ko.

"Wow, nababagot ka na pala?" sarkastikong tanong niya na ikinairap ko, "wow, umiirap na si classmate."

"Sorry," sabi ko sa mababang boses.

"Oy, ayos lang. Ang seryoso mo naman. Anyways, coffee? Saglit lang." Pagturo niya gamit ang thumb. Wala naman akong gagawin sa bahay at alas tres ng hapon pa kaya tumango na lang ako. Hindi naman siguro mali kung sasama ako para magkape. Afternoon coffee, gano'n.

Sabi niya kakauwi lang daw ng dalawa niyang kaibigan, sina Kath at Cole. At ito namang si Clayton ay ayaw pang umuwi, tama namang nakita niya ako kaya inaya niya ako sa pinakamalapit na coffee and pastries shop.

"Teka, ba't may cake?" nalilito kong tanong nang makita ang maliit na cake sa 'mesa.

"To make the celebration more lively." Nakangiti siyang tumingin sa 'kin. Napaisip naman ako kung anong selebrasyon ang tinutukoy niya.

"Celebration.." mahina kong saad habang nakatingin sa cake. May birthday candle ito at lighter sa gilid ng box.

"Yes." It took me seconds to get what he mean. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ang magaan na ngiti sa mukha niya.

"Oh, Happy birthday, then," nakangiti kong bati dahilan para mas lumapad ang ngiti niya.

December 21 pala birthday niya.

"I'm now 17, haha one year na lang at nasa legal age na ako." Nagbaba siya ng tingin sa cake, pinag-isipan ko nang mabuti kung kukunin ko ba ang lighter at birthday candle na nasa gilid ng box kung nasaan ang cake o hayaang siya na lang ang gumawa. Pero mas mabuti naman kung ako ang sisindi, hindi ba?

"It sounds weird but blow the candle, Cly." Marahan kong linagay sa gitna ng cake ang birthday candle at sinindihan ito. Nakatingin lang naman siya sa ginagawa ko at hinintay na matapos.

"Kailangan ko pa bang magwish?" Natatawa siyang tumingin sa 'kin. Ngumuso ako para pigilan ang tawa bago tumango na ikinatawa niya ulit. "Wish ko, to have a great journey with.." hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi at nakita ko na lang na binulong niya iyon bago hinipan ang birthday candle.

"Hiwain na natin!" Agad niyang kinuha ang kandila at linagay sa gilid 'tsaka kinuha ang maliit na kutsilyo sa gilid. Para namang isang set itong inorder niya, nakalimutan ko tuloy na nasa coffee shop lang kami dahil sa lighter at kutsilyo na nasa 'mesa namin.

I spent half of an hour with him, hindi ko na naisip na nagmamadali akong umuwi dahil ayaw kong magtagal sa labas.

"It's 4:23 na, kailangan mo na bang umuwi?" napatingin siya sa 'kin habang nakaharap kami pareho sa dagat, nasa seawall kami ngayon kung saan magandang tignan ang view ng sunset.

"Hindi kailangan, pero isang oras lang pinaalam ko kay tito." Natawa siya sa sagot ko at napatingin sa harap. "Ikaw, kailangan mo nang umuwi?"

"My mom texted me, dadaanin lang daw nila ako rito para sa family dinner. A small celebration lang, ayaw ko ng bongga, eh," sagot niya na ikinatango ko lang.

"So, let's call it a day!" napalingon siya sa 'kin bago humarap. "Again, happy birthday, Cly!" Lumapad ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko.

"Thank you, Lei." He formed a heart with his fingers and laughed. "Ingat ka!" Pagkaway niya kaya tumango naman ako at kumaway sa kaniya.

"Ikaw rin, ingat kayo. Enjoy!"

"Bye!"

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si tito at si Einn sa veranda, nakatingin lang sa 'kin habang naglalakad ako papasok sa gate. Tahimik lang sila hanggang sa napalapit na ako sa kanila.

"Mano po, tito." Nakangiti akong lumapit kay tito at nagmano.

"Himala at nagmano. Maganda ang araw mo?" tanong niya kaya agad kong sineryoso ang mukha. "May date 'to, eh."

"Ikaw ha, sino 'yan at ipakilala mo sa 'kin," sulpot naman ni Einn.

"Wala, oy! Classmate ko lang nakita ko kanina. Tinreat niya lang ako kasi birthday niya pala."

"Classmate?" Na-alala ko bigla ang mukha ni Rye no'ng nagtanong siya sa kuya niya ng gano'ng bagay.

"Oo." Pagtango ko at dumiretso papasok sa bahay. Hanggang sa naghapunan kami ay inaasar pa rin nila ako tungkol do'n sa classmate na sinasabi ko.

A week after the new year, balik skwela na naman. Back to normal ang lifestyle ko.

"Kreshly Neveah Osorio.." napalingon ako kay Cly nang basahin niya ng buo ang pangalan ko sa notebook na chine-check niya. "Ang ganda pala ng second name mo, Heaven." Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya.

"Anong heaven?" mahina kong tanong na ikinalingon niya.

"Heaven, baliktarin mo 'yong Neveah." Tumingin ulit siya sa cover ng notebook ko at pinakita sa 'kin. Tumango na lang ako kahit nalilito pa rin, ni-hindi ko nga alam kung saan galing ang pangalan ko.

"'Di mo alam? Sa buong buhay mo, hindi mo napansin na kabaliktaran ng Neveah ay Heaven?"

Umiling lang ako at napatingin sa cover ng notebook na hinahawakan ko.

'Orlando Clayton Lenior'

Kaya pala 'Orlando Lenior' pangalan niya sa IG. Ang rich naman ng pangalan nito. No wonder about their wealth, halata sa mukha at kutis niya ang yaman nila.

"How old are you again.. Heaven?" Inis ko siyang tinignan nang tawagin niya akong heaven. Naabutan niya kasi ako rito sa simentong upoan sa may mga puno. At ngayon ang dami niyang tanong.

"P'wede ba Lei na lang? 'Yon na nakasanayan ko, eh." Natawa siya sa mukha ko at unti-unting ngumiti.

"Call me Cly, then."

"'Yan naman na talaga tawag ko sa 'yo, eh." Ngumuso ako at umayos ng upo 'tsaka tinignan ang binabasa ko.

"So, how old are you?"

"16."

"Kailan ka mag 17?"

"August."

"August..?"

"17."

"August 17," pagkompleto niya nito at tumango ng marahan. Napatingin ako sa kaniya at nakita ang maamong mukha.

Ngayon ko lang napansin na pogi pala 'tong si Cly, matagal ko na siyang nakitang pogi pero ngayon ko lang napansin ang totoo niyang beauty.

"Tama ba? August 17?" Nabigla ako nang nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "T-Tama?"

"Oo, tama.. August 17." Ngumiti ako at agad nagbagsak ng tingin sa binabasa. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa at napahalumbaba sa 'mesa.

"Study well, gorgeous."

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon