19

70 14 0
                                    

Pagkatapos no'ng usapan namin sa may palengke ay hindi ko na ulit siya nakausap pa. Kahit man sa chat ay hindi na. He explained his side and that's all.

We were studying in the same room but we were like strangers. Kung noon ang pagtatagpo ng mga mata namin ay saya at kilig ang nararamdaman, ngayon ay kirot sa dibdib na.

I was so down when I saw his name on our rankings, nasa fourth to the last siya. It's not him anymore.

"Kain muna tayo, Lei." Paglapag ni Arianne ng lunchbox niya sa 'mesa. Kaming dalawa na lang ngayon ang laging nagsasama. Minsan ay may pangatlo.

"Arianne, my darling dear-honey-bunch!" Napairap ako nang dumating ang manliligaw niya. Magiging third wheel na naman ako nito.

"Tigil-tigilan mo ako sa kacornyhan mo!" pabirong pagtaboy ni Arianne sa manliligaw niya.

Tatlo nga kami pero ngayon ako na ang third wheeler, the table has turned.

Sa sumunod na rankings umangat naman si Cly, but he never gave his full best. I can't help but to be sad for him. Nasisira ang buhay niya nito, ang mga pangarap niya.

"Tumigil ka na nga sa kakahanap sa pangalan niya, that guy already hurt you. Buti pa, kumilala ka na ng bago. 'Di ko kayang nakikita ka na nagkakaganiyan sa kaniya." Kahit na pinsan ng kaibigan ko si Cly, hindi maiwasang ireto niya ako sa iba.

Marami na siyang pinakilala sa 'kin na bago para makalimutan ko lang si Cly, pero wala, eh siya pa rin.

I was more down when our graduation came. Kahit na gaano karami ang awards na natanggap ko ay hindi ko maiwasang malungkot na hindi siya nasali sa overall top achievers.

Nakatingin lang ako sa kaniya galing sa malayo. May ngiti man sa labi pero bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. Bakit ka nagkakaganito?

Hanggang sa nakauwi kami ay hindi ko na ulit siya nakausap. I really want to congratulate him but I don't have the strength to face him. Lalo na't kasama niya ang pamilya niya.

Dumating ang bakasyon, ang napakalungkot na bakasyon. Dapat ay nasanay na akong wala siya dahil isang buong school year kaming hindi nagkausap at hindi na nagpansinan, pero ngayon ay mas nangulila lang ako dahil naiisip ko na bakasyon din pala kami nagkakilala noon.

It was summer when I met him, and summer when I lose him. Hmm.. such a bittersweet summer, then.

Months passed and now I'm on my first year in college, I took BS management. Buo na ang desisyon ko na ako ang magpapalago sa negosyo ni tito. Gusto kong mas lumaki ito at para naman mapasaya ko si tito.

Nagc-coach na si Einn sa volleyball team ng highschool habang nag-aaral ng criminology. Kaya minsan kapag nasa labas kami ay ang daming estudyante na tumatawag sa kaniya, lalo na 'yong mga tini-train niya.

One night, I was just scrolling on my feed nang dumaan ang page ng Lenior Paradise Farm. No'ng una inisip ko lang na baka same lang ng last name niya. Pero no'ng makita ko ang isang post nito na naroon ang lalaking minamahal ko. Roon ko nalaman na farm pala ang mina-manage niya. I heard he took BS management too, kaso hindi kami same ng university.

I'm now on my third year college, at gabi-gabi ko binibisita ang page nila. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong saya nang makitang hindi pa nga siya nakatapos ng kolehiyo ay may negosyo na siya.

"You're really a great man," bulong ko.

Kahit na hindi siya nasali sa overall top achievers no'ng graduation namin ay nakapasok pa rin siya sa magandang university at habang nag-aaral ay may farm pa na mina-manage.

I was admiring him from afar. Hindi ko na pinangarap na magkita ulit kami. But after 2 years, Arianne chatted me, inimbitahan niya ako sa reunion ng batch namin sa ABM class.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon