"Tubig mo!" sigaw ni Einn galing sa veranda habang tinataas ang flask ko. Agad naman akong naglakad pabalik sa bahay at kinuha iyon. Lalabas na sana ako sa gate nang tumakbo na naman siya palabas sa bahay.
"Payong, gunggo-- aray, sorry po." Napakamot si Einn sa ulo nang hampasin siya ni Tito sa ulo. Inis naman akong bumalik sa bahay at kinuha iyon.
"Wala na ba akong nakalimutan?" Tanong ko sa kaniya at tinignan ang laman ng bag ko.
"Earpods mo?"
"Nandito na." Pagtango ko.
"Wala na siguro, linagay ko na rin ang wallet mo riyan. Sige na umalis ka na, ingat!" Pagtaboy niya sa 'kin.
"Kung makasabi, parang pinapalayas." Rinig kong saad ni Tito na naroon na sa shop ngayon. Tumawa naman ng bahagya si Einn 'tsaka ako tinapik sa ulo
"Ingat ka, tumawag ka kaagad sa 'kin kung may kailangan ka, okay?" Tumango lang ako sa kaniya at umalis na.
Hindi niya ako mahahatid ngayon kasi malayo 'yon at may kailangan siyang ideliver na wooden table sa isang client.
May school project kasi kami na kailangan naming gawin through weekend at pupunta ako sa bahay ng isa naming kaklase. It's now half of a month, at ang nag-iingay lang talaga ng school life ko ay si Clayton.
"Kreshly, on time!" his voice echoed around the yard when I entered the gate.
Malaki pala ang yard ng bahay nitong kaklase kong si Arianne, marami ring mga puno kaya mas nag echo ang boses nitong si Clayton.
"Tita, meet my classmate slash seatmate." Pagturo niya sa 'kin gamit ang buong kamay niya. Ngumiti naman sa 'kin ang mama ni Arianne na ikinatawa niya.
"Tumigil ka nga, Cly. Ako dapat nagpapakilala kayla mama kasi bisita ko kayo," pigil-tawa niyang ani.
"Hindi mo 'ko bisita, lagi ako rito nakatambay."
Ewan ko sa kanila, ang gusto ko lang ay masimulan na namin ang kailangang gawin.
Kinausap-usap muna ako ng mama at papa ni Arianne habang wala pa ang iba naming kaklase. Saglit lang tumabi sa 'kin si Arianne at umalis naman agad para pumasok sa bahay nila para magkuha ng meryenda. Hindi ako mahilig sa meryenda kaya sana naman may darating na na kaklase namin para makaalis na ako sa pwestong ito at makapagsimula na sa gagawin.
"Ouy, Lei. Halika tignan mo," tawag sa 'kin ni Clayton kaya agad naman akong napatingin sa kaniya.
"Sige, hija. Bonding muna kayo ng pamangkin ko at may gagawin lang ako." Pabirong tumingin sa 'kin ang mama ni Arianne at agad na tumayo 'tsaka pumunta sa likod ng bahay nila. Phew, nakalabas na rin sa problema. Hindi ko talaga kakayanin ang gano'n na mga pag-uusap lalo na't puro sila tanong tungkol sa buhay ko.
"Tignan mo, ang ganda ng kulay nitong bato na 'to. Malayo naman sila sa dagat, saan kaya galing 'to?" Nagbaba siya ng upo at kinuha iyong bato na sinasabi niya at tinignan ito. Ganito ba talaga siya kadaldal o kinakausap niya lang ako kasi wala akong kausap?
"Baka sinadya nila 'yan diyan," sagot ko naman na ikinatawa niya at lumingon sa 'kin. "Ano?"
"Wala, sinadya ko lang din para lumapit ka." Ngumiti siya ng malapad at linagay ulit ang bato sa gilid ng plant box.
"Upo ka muna, Lei," Aniya at umupo sa sementong upoan na malapit sa malaking kahoy. Pasimple naman akong naglakad palapit sa kaniya at umupo sa kabilang gilid ng upoan.
We were covered with silence not until he faked a cough.
"Ano gusto mong trabaho?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko. Grabe naman na tanong, tiyak na gusto niya ng mataas na usapan.
"Mag-- magnenegosyo ako," nagdadalawang isip kong sagot at tumingin sa baba.
"Ba't parang nagdadalawang isip?" natatawa niyang tanong. Huminga naman ako ng malalim bago sumagot.
"Wala, ayaw ko lang.. ayaw ko lang sana ipaalam." pero sa totoo lang, hindi pa talaga ako sigurado sa plano ko.
"Bakit? Ikinakahiya mo ba?" tanong niya ulit sa mas interesadong tono.
"Hindi naman sa gano'n, takot lang ako na baka hindi ko makamit, mas mabuting walang nakakalam na gano'n ang pangarap ko." Sinadya kong tumingin sa kabilang gawi para hindi makatingin sa kaniya. Ramdam ko ang mga titig niya na mas nakapabilis ng tibok ng puso ko.
"Ayos lang naman 'yan. If it's the will of your heart, your soul can do it." Dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang mapalingon sa gawi niya. He raised his thumb and smiled at me again. Gosh, this man. "Good luck."
Mga ilang minuto lang ay nakompleto rin kami at nagsimula na sa gagawin. Mga ilang oras din at natapos namin ang lahat. Napabilis kasi marami ang tumulong. Pagod akong naglakad papunta sa simentong upoan habang bitbit ang bag ko. Kinuha ko galing doon ang flask ko at uminom.
Hindi nagtagal ay lumapit si Clayton sa 'kin na may bitbit na camote cue na binalot ng plastic.
"Lei, meryenda ka muna " Nahihiya akong tanggapin ito pero nahihiya rin akong tanggihan kaya tinignan ko na lang muna ito. "Sige na, kunin mo na." Kinuha niya ang isang kamay ko at linagay rito ang camote cue 'tsaka pinahawak sa 'kin bago siya umalis at lumapit sa lamesa.
"Ang caring ni Cly," pang-aasar ng isa naming kaklase na lalaki na ikinatingin naman ng iba naming kaklase sa gawi ko. Lumingon naman ulit sa gawi ko si Clayton at ngumiti ng magaan.
"Siyempre, bisita." Kung makasalita 'tong lalaking 'to, hindi lang naman ako ang bisita rito.
Hindi nagtagal ay napalingon ako sa gawi niya at nakitang papalapit ulit siya sa 'kin na may dalang baso ng juice habang kumakagat ng camote cue na hawak sa kabilang kamay. Rito ba siya kakain at iinom niyan? Nandoon naman 'yong iba niyang mga kaibigan, ah!
"Inom ka muna oh, baka nuuhaw ka na." Linagay niya ito sa gilid ng inuupuan ko at umupo naman sa 'di kalayuan sa 'kin.
"Kakainom ko lang ng tubig kanina, baka ikaw nauuhaw ka na," sagot ko sa kaniya at kumagat ng maliit sa camote cue.
"Tapos na ako kanina, tapos na nga rin ako kumain, eh kaso nakakainggit kaya kumuha ulit ako," saad niya sa natatawa na tono, "sa 'yo 'yan, mas masarap kapag juice pinapares mo sa camote cue," dagdag niya pa at kumagat ng camote.
"Sige, salamat." Wala na akong ibang maisagot, iyon lang ang mas madali para sa 'kin para hindi na mapataas ang usapan.
"Pagkatapos nito, uwian na raw. May susundo sa 'yo?" tanong niya na ikinalingon ko. "Wala ka 'atang kasama, sumabay ka na lang sa 'min." Ngumiti siya ng magaan at tumingin sa harapan.
"'Di ba may lakad pa kayo?" Narinig ko kasi kanina na maliligo raw sila ng dagat after nito. Usap-usapan pa nga lang iyon.
"Hindi ka sasama?" Nagtaas siya ng kilay at tumingin ulit sa 'kin. Nanginit ang mga pisngi ko kaya agad akong umiwas ng tingin at bumaling sa kabilang direksyon. Hindi naman kailangang kasama ako, but because of his words I felt I'm belong with them.
"Hindi na siguro.. may gagawin pa sa bahay." Wala naman na talaga kaso ayaw ko lang magtagal sa labas lalo na't maraming kasama.
"Ihahatid na lang muna kita sa sakayan 'tsaka susunod ako sa kanila." Nabigla ako sa sinabi niya kaya kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Why will he do such things like that?
"Hindi na, kaya ko sarili ko." Umiling ako at ngumiti.
"Hindi, babae ka at alam ko ang lugar na 'to. Mas safe kung sasamahan kita hanggang sa makasakay ka." No wonder why he has so many friends.. girl friends. Ganito rin siguro siya sa iba.
"Ah, sige.. pero baka mahuli ka sa lakad niyo." Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko na nakahawak sa camote cue.
"Ayos lang sa 'kin, alam ko naman kung saan sila gagala. Ang importante ay makauwi ka ng maayos." Nanginit ulit ang pisngi ko sa sinabi niya. Akala ko ay maingay lang talaga siya at nakakasira ng araw. Hindi ko alam na may ganito siyang pag-iisip para sa isang babae na katulad ko.
Sinamahan niya ako hanggang sa makalabas kami ng iskina, hindi ko alam na marami pala talagang mga bata at binatilyo na nagtatambay sa gilid ng kalsada. Hinatid kasi ako kanina ng tricycle hanggang sa harap ng gate ng bahay nila Arianne.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Summer
Romance"It was summer when I met him, and summer when I lost him." Every sound of the waves and smell of the beach reminds me of you. Every song that I'm listening to relates to you. I don't have the strength to talk with you, but I'm still hoping for us...