11

78 18 0
                                    

Tapos na ang semi-finals namin at naghihintay na lang kami for the finals, after that wala nang gagawin kun'di mag compile sa mga outputs at activities.

Today's the last day of our semi-finals exam, half-day lang din kami ngayon kaya 'yong ibang kaklase namin ay nag-aayaan na kung saan gagala. Ako? Uuwi siguro agad ako pagkatapos kumain ng tanghalian, parang gusto ko munang matulog o manood ng movies sa bahay.

"Oy, Lei! Buti nandito ka pa. Akala ko 'di niyo ko hinintay." Hinihingal na lumapit si Arianne sa 'kin at umupo sa upoan ni Cly. "Si Cly, nasaan?"

"Nauna na, sinundo siya rito no'ng kaibigan niya."

"Ah, si Cole? Kasama nila si Kath?" tanong niya,

"Hindi ko napansin, eh. Nagpaalam lang siya na mauuna siya kasi naroon na raw kaibigan niya." Tumango-tango naman siya sa sagot ko.

"Os'ya, kain muna tayo." Tumayo siya at inabot 'yong ilalim ng desk niya para kunin ang lunchbox niya. Kinuha ko naman sa bag ko ang lunchbox ko para sabayan siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-kain nang tumunog ang phone ko na nasa gilid lang ng desk.

Clayton Lenior:
Sent a message.

Agad namuo ang ngiti sa labi ko nang makita ang pangalan niya.

"May nagchat?" sulpot ni Arianne.

"Ah, oo. May sinend na picture si Cly." Kinuha ko naman ang phone ko at tinignan ang sinend niya. Picture ito ng isang shelf sa bookstore na puno ng mga mystery-thriller na libro.

Clayton Lenior:
Currently searching for a book.

Sunod niyang message nang makitang na-seen ko na ang picture.

"Saan daw siya ngayon?" tanong ulit ni Arianne.

"Nasa bookstore, naghahanap ng libro." Tinuon ko sa kaniya ang phone ko at pinakita ang picture. Nagtaas naman siya ng kilay bago tumango.

Nagtipa ako ng irereply sa kaniya bago ko pinatay ang phone at linagay sa gilid.

Kreshly Osorio:
Take your time!

Hindi pa umabot ng ilang segundo ay tumunog na naman ang phone ko.

Clayton Lenior:
Thank you<3

Napanguso ako upang pigilan ang ngiti na namumuo sa labi ko nang mabasa ang reply niya. A simple and random word from him never failed to make my day.

"Update with pics na pala si cousin, ah!" pang-aasar ni Arianne sa gilid. Ewan kung napapansin na niya ba at nagpapawalang-alam lang siya o wala talaga siyang alam.

I don't know about Cly's side, all I know is I'm starting to like him, or am I already admiring him?

Of course he's good, he's admirable. Kaya nga natatakot akong magkagusto sa kaniya kasi alam kong maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. Ang hirap din pumasok sa buhay niya kasi ang layo-layo ko kompara sa mga babae na nasa circles niya. He has so many girl friends, kaya paniguradong bilang kaibigan lang ang turing niya sa 'kin.

"Rianne, ganito ba siya bilang kaibigan?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sarili kong tanong. Bakit ko nasabi 'yon!?

"Ha? Ang magsend ng updates? Sa gc lang nila noon, jejemon era. Pero ngayon parang hindi na." So, mag gc sila?

"You mean, nagsesend talaga siya ng updates?" Hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya.

"Oo, nagpapainggit gano'n, pero boys things 'yon. Sa gc namin na kasama sila Chelsea at Kath, walang gano'ng bagay, plain texts lang at sumasabay sa topic," paliwanag niya pa.

Close pala talaga sila ni Chelsea.

"Bakit? Ba't parang napawi ang ngiti mo, ha?" She tilted her head to look at my face. Agad naman akong ngumiti at umiling.

"Wala, oy! Naubos ko na kasi pagkain ko.." ha? Ano connect? Ba't ako naging ganito?

"Ewan ko sa 'yo, Lei. Kanina ka pa lutang, eh!"

She's right. I like him but I don't think I need to overthink those things. It's spacing me out.

The whole night, wala siyang ibang tinopic kun'di ang mga pangyayari ng lakad nila ni Cole.

["Alam mo ba, bigla na lang akong pinasok ni Cole sa arcade tapos ayon inaya ko siya sumakay ng carousel."] Natatawa pa siya sa sinasabi niya. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kaniya. First video call namin ito, linagay niya lang ang phone niya sa gilid ng table habang may ginagawa siya sa computer niya.

Nasa leeg niya lang ang headset niya at sa tingin ko ay naglalaro siya.

["Grabe kanina pinagtitinginan kami ng mga bata at guardian nila. Inis na inis na nga ang tingin ni Cole sa 'kin, eh!"] Napangisi siya at tumingin sa camera. Agad akong napaayos at tinakip sa bibig ko ang gilid ng unan na yakap-yakap ko.

["Naririnig mo'ko, Lei? Ayos lang ba ang linya? Lag ba?"]

"Ayos lang naman, nakikinig lang ako. I like it when you're telling me how's your day." Ngumiti siya nang marinig iyon. Huminga pa siya ng malalim bago magsalita ulit.

"Kayo lang dalawa? Wala 'yong iba mong kaibigan?" Natigilan siya nang marinig ang tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko i-insert 'yong tanong kaya nang matapos siya sa sinasabi niya ay tinanong ko na lang agad.

["Sina Kath? Minsan kasama namin si Kath, siya lang. Pero ngayon inaya siya ni Sea kaya nag-aya na lang din ako kay Cole para hindi kami masama."] Tumawa pa siya ng bahagya.

"Don't you like it? Ang ganda kaya kapag madami kayo."

["Ayaw, kapag kasi naroon si Sea, nagsisimula na ang asaran at shipping both. Mas ayos sa 'kin ma-third wheel kay Kath at Cole kaysa iship pa nila ako."] Sagot niya. So, inaasar pala siya kay Chelsea. She's pretty, she's perfect.

"She's good, ba't ayaw mo?" Agad namuo ang inis sa mukha niya nang tanungin ko siya. I think I made a wrong move. "Ah, sorry--"

["I just don't like her."] putol niya sa sinasabi ko.

"Okay.." Mukhang 'di niya nagustohan ang sinabi ko. I must think more before I say.

["Mukhang pagod ka na, Lei. Ayos lang kung mauuna ka na, it's not good for your health too."]

"No, it's okay. Ba't naman ako mapapagod, eh natulog ako maghapon." Bumangon ako sa pagkahiga at sumandal sa head ng bed.

["Sure ka?"] Biglang pumatay 'yong ilaw na galing sa screen ng PC niya at hinubad niya rin ang headset. Siguro tapos na siya.

["Tapos na pinapagawa ni dad, ayaw mo pa talaga matulog? Sabay na tayo."] Kinuha niya ang phone niya at tumayo. Ewan kung saan papunta basta sa tingin ko ay naglalakad na siya.

"O'sige, sabay na tayo at halatang pagod ka." Nakita ko naman ang pagngiti niya ng matipid.

["Tignan mo kung ano ginawa ni Rye sa bed ko."] In-on niya ang back cam at pinakita sa 'kin ang napakaayos na beddings. ["Galing niya, 'no? Wala raw siyang magawa kaya pumasok siya rito kanina at inayos 'to. Maayos naman sana 'tong kama ko, eh. Gusto niya lang talagang mag-ayos kaya sinira niya kanina para may maayos siya,"] natatawa niyang paliwanag. Napangiti ako dahil sa k'wento niya.

Pati kay liit na mga nangyayari ay sinasabi niya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano talaga ang mayro'n sa 'ming dalawa dahil dito. Unti-unti na akong nasasanaya na kausap siya tuwing gabi, he's the first man that made me feel like this. Siya ang unang tao na kinakausap ko hanggang hating gabi. Siya ang unang kachat ko kahit na kumakain o may ginagawa ako sa kusina.

I started to send him updates too while I'm at home. I started taking pictures of what I'm doing just to send him even it's not that necessary.

Clayton Lenior:
I wonder how it taste. Sana mapaglutuan mo rin ako soon. Eme >_<

Natawa ako nang mabasa ang reply niya sa picture na sinend ko. I sent him the picture of the pasta I cooked. Nag-request kasi si Einn na spaghetti naman daw ang sunod na meryenda.

Bittersweet SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon