Chapter 44

1.2K 33 2
                                    

"Who are the rivals of your company?"

Mas humigpit ang yakap ni Giovanni sa akin mula sa likuran. We're now at his safehouse. We're lying on his bamboo type bed.

"Why'd you ask?" Naroon sa boses niya ang hesitasyon.

"I just want to know."

I want to know if he knew we are one of them. I just want to confirm.

He heaved a deep sigh. "You don't have to know."

"I want to know. I thought you trust me?"

"I trust... you." Malalim siyang napapabuntong-hininga. "It's just that I don't want to talk about it."

Silence came to us. Nagulat ako nang hilahin niya ako paharap sa kanya.

He stared at me. "Aaliyah, baby, I want you to swear that no matter what happens, we'll stay strong."

Napatitig ako sa kanya.

He knew.

He had known that I was an enemy.

"Aaliyah, I want you to promise me."

I smirked at her, covering the real emotion on me. "Para namang makikipaghiwalay ka na sa 'kin niyan, Giovanni," I joked.

He cursed under his breath. "I wouldn't do that. I would never break up with you, Aaliyah."

Tumawa ako sa kanya.

"I need a word," he begged. "Aaliyah, please. I need to hear it from your mouth. Please say that we'll stay strong. That we won't leave each other no matter what."

Hinawakan ko ang mukha niya at pinakatitigan siya. "We'll stay strong, Giovanni."

Nakahinga siya nang maluwag. Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

"I love you."

I smiled. "I love you."

More than I love myself, Giovanni.

Nang maalala ang ibinigay ni Mrs. Silvestre kanina ay inabot ko ang brown envelope sa side table niya.

"By the way, your mother gave me this. Ibigay ko raw sa 'yo."

Napapatingin lang siya sa envelope na iniabot ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatitig siya roon.

He averted his gaze. "Ibalik mo nalang sa side table. Kukunin ko mamaya."

Napapasagitsit ako sa sinabi niya. Imbes na sundin ang sinabi niya ay binuksan ko ang envelope.

"Aaliyah."

"You wouldn't know what's inside of it if you won't open this. Kung ayaw mo ay ako nalang."

Napataas ang kilay ko nang makita ang papeles roon.

"Birth certificate?"

Napapatingin si Giovanni sa papel na hawak ko. "Kanino?"

Tiningnan ko ang pangalan. "Giovanni," pagbasa ko sa first name. Tiningnan ko si Gio nang makitang sa kanya pala 'to. "Sa 'yo pala 'to."

Kinuha ni Giovanni ang papel. "Giovanni Eliezer..."

Napapatingin ako sa kanya nang marinig ang hindi pamilyar na pangalan.

"Eliezer? Sino 'yan?"

Napakunot-noo ako nang mapansin ang gulat sa mga mata niya. Tiningnan ko ang papel at binasa muli ang pangalan.

"Giovanni Eliezer Silvestre?" Nanlaki ang mga mata ko. "You also had a second name?"

Umiwas siya ng tingin. "B-Baka hindi sa akin 'yan."

The Badass Girl in Whitehaven PalaceWhere stories live. Discover now