✎
CINCO'S POV
Isang malaking palaisipan sa akin ang mga nangyayari. Nacu-curious ako kung sino yung mga naka-itim na 'yon na nasa gubat at nacu-curious ako kung bakit ako nakakaamoy ng mabangong bulaklak kahit na wala naman kaming bulaklak sa loob ng bahay. Parang pamilyar sa akin ang amoy ng bulaklak na ito pero hindi ko lang maalala kung saan at anong pangalan.
Ayaw ko man maramdaman pero kinakabahan ako. Naiisip kong guni-guni at kung ano-ano lang naiisip ko kaya nangyayari sa akin 'to pero hindi talaga maalis sa akin ang mangamba at matakot.
Nakakainis!
Pakiramdam ko, dahil sa mga pamahiin at kasabihan na na-eencounter namin dito, nagiging paranoid na rin ako.
"Kung ganon, magpatayo nalang kayo ng bahay diyan sa tabi ng ate mo. Sa atin pa rin lupain 'yan kaya pwede ka ng magpatayo..." Sabi ni Lola kay Mama. Ang tinutukoy ni Lola na ate ni Mama ay yung Mama nila Rica at Roy.
Ito ang naabutan kong pag-uusap nila pagsabit ng kinaumagahan. Mukhang ayaw talaga nila Mama ang bahay na pinagpipilian nila kaya ganitong nagsa-suggest na si Lola.
"Hay nako, Nay. Kung alam ko lang na ganitong wala palang magandang bahay dito, dapat matagal na kami nagpatayo..." Kalmadong sabi ni Mama, punong-puno ng pagkadismaya.
"Hayaan mo na. Mabilis lang ang araw. Matatapos rin 'yan, anak." Pagcomfort ni Lola. "Mas maganda nga 'yan dahil makakausap mo ang mga gagawa ng bahay sa paraang gusto mo. Kung gusto mo ng malaki, edi sige. Kung gusto mo ng simple, edi sige..." Sabi niya pa.
Bumuntong-hininga si Mama at tumango. "O'sige, ganon nalang. Dito nalang muna kami maninirahan hanggat nagpapa-ayos pa kami..." Tinanaw ako ni Mama. "Cinco, ate, ayos lang ba sayo na dito muna tayo? Magpapatayo pa tayo ng bahay e..."
Tumango ako. "Ayos lang, Ma."
Ngumiti siya at inayos ang bimpo sa likuran ng kapatid kong si Uno. "Kakausapin ko lang ang asawa ko, Nay." Paalam pa ni Mama kay Lola.
Wala si Papa dahil umuwi siya nung nakaraan sa Manila para asikasuhin ang negosyo namin doon. Umuuwi rin naman siya rito agad dahil nandito kami. Napakabait nga ni Papa e. Mabuti hindi nawiwirduhan si Papa sa pamilya ni Mama? I mean, dito kasi sa probinsya ay puro kapamilya ni Mama. Yung kay Papa, taga-manila talaga. Mabuti nga at bukal sa loob ni Papa na lumipat kami rito. Iniintindi niya talaga si Mama at malaki ang respeto sa kultura nila Mama.
After ng pagsasalo ng pang-umagahan, nagkita-kita ulit kami nila Rica sa kubo.
"Ah, mas maganda 'yon! Tabi-tabi ng bahay at mas malapit..." Sabi ni Rica nung ikwento ko sa kanila ang tungkol sa pagtira muna namin ng matagal kila Lola.
Tumango ako. "Wala namang problema sa akin 'yon..."
Bumusangot si Ken. "Sana ganon nalang rin pala kami. Si Mama kasi mukhang bibili na talaga ng bahay..."
Humalakhak si Roy. "Okay lang 'yan, boi. Malapit lang rin naman kayo rito. Madali ka lang puntahan." Ngumisi ito nung akbayan ang nakabusangot na si Ken.
"Ano bang balak na naman natin ngayon?" Inis na tanong ni Ken, mukhang badtrip dahil mapapalayo ang bahay nila sa amin.
Tumawa si Rica. "Wala, makikipagtitigan lang sa isa't isa." Pang-aasar niya. Magkapatid nga talaga sila ni Roy.
"Umay na ako t4nga!" Asik ni Ken.
Humalakhak si Roy. "Uy, uy, kunwari pa 'to. Kiss mo nga ako..." Pang-aasar pa nito kaya humalakhak ang lahat. Huminto si Roy at tinitigan kami na para bang may pumasok na kung ano sa isip niya. "Punta tayo sapa..."