Kabanata 11

645 12 1
                                    

CINCO'S POV

Nakatayo ang buntot ng itim na pusa at mariin ang titig sa amin. Inaasikan kami nito na parang pinipigilan kaming umalis. Tahimik kaming apat at nakatitig lang sa pusa. Pinapakiramdaman namin kung susunggaban ba kami nito o ano.

"Rica..." Pagbabanta ni Roy. "Pasok na." Aniya sa amin.

Binuksan ni Ken ang pintuan ng renthouse at hinila na kami ni Rica papasok. Kasunod non si Roy. Hinawi namin ang kurtina ng pintuan matapos isarado. Sliding door kasi ito na salamin. Kitang-kita namin kung paano kami titigan ng mariin ng pusa mula sa labas bago ito umalis.

"Shoot! Muntikan na 'yon!" Sabi ni Rica at sumandal sa pader. Para siyang nakahinga ng maluwag.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ang kasabihan o pamahiin, kapag nakakita ka ng itim na pusa sa daanan o hinarang ka, babala 'yon na huwag ka ng tumuloy sa pupuntahan mo." Paglilinaw ni Rica.

Nagsalita si Ken. "Huh? Akala ko ba malas lang ang itim na pusa?"

Umiling si Roy at inakbayan si Ken. "Hindi, boy. Ang itim na pusa ay nagbibigay ng babala. Pinapahalalahanan tayo nito na huwag na tumuloy sa pupuntahan dahil baka may mangyaring hindi maganda sa atin." Klaro ni Roy.

Napasinghap ako. "Kung ganoon, mabuti nalang hindi tayo tumuloy." Ngumuso ako at sinimangutan si Rica. "Ikaw naman kasi. Ang kulit mo. Sinabihan na tayo kanina ng mga tao rito na huwag lalabas ng gabi, diba? Delikado raw..."

Humalakhak si Rica. "Maganda kasi ang bioluminescent algae. Napakaganda non sa gabi..."

"Oo nga, maganda. Kahit ako ay gusto ko makita 'yon pero pinagbawalan na kasi tayo. Delikado ang sumuway lalo na't mas alam nila ang lugar na 'to..." Sabi ko kay Rica.

Ngumiti lang siya at niyakap ako. "Sorry na. Kain nalang ulit tayo..." Aniya at pumasok kami sa kwartong para sa amin. Hinarang pa kami ni Lola at sinabing matulog na kami kaya mas lalo lang kaming napilitan na pumasok sa kwarto at magpahinga na.

Kinabukasan, napamulat ako nung gisingin ako ni Ken. Nasulyapan ko naman si Roy na ginigising rin si Rica kaya napaupo na ako dahil naingayan na ako sa natatarantang mga boses nila.

Bumangon rin si Rica habang kinukusot ang mata. "Ano ba? Aga pa..."

"Alas-sais na. Tara dali! May nangyari!" Sabi sa amin ni Roy.

Nagkatinginan kami ni Rica at napilitang bumangon. Sinundan namin si Roy at Ken nung lumabas sila sa renthouse. Namataan namin doon sila Mama, Lola at ilang Auntie namin. Nakatanaw sila sa kabilang renthouse na mukhang nakiki-isyuso sa nangyari.

"Anong nangyari?" Tanong ni Rica. Lahat kami ay nasa veranda at nakatanaw sa kabilang renthouse na may umiiyak na babae, may mga pulis at ilang staff na may-ari ng mga renthouse.

"May dalawang lalaki diyan, patay." Sagot sa amin ni Lola. "Lumabas daw kagabi at lumapit sa dagat."

"Huh? Bawal po pumunta sa dagat sa gabi, diba? Sinabihan tayo lahat kahapon." Sabi ko, tunog naalarma.

Tumango si Lola. "Matigas ang ulo e. May nagsasabing nalunod, yung iba naman ay baka nilunod daw ng sirena..." Napalunok ako sa sinabi ni Lola. "Kaninang madaling araw sila natagpuan. Malapit doon sa dulo ng batuhan. Iyon bang may kweba?"

Awtomatiko kaming nagkatinginan nila Rica, Roy at Ken. Bakas sa mga mukha nila na kinalabutan at kinabahan rin sila sa nalaman. Malalim ang bawat paghinga ko na parang hindi makapaniwala sa nabalitaan.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now