✎
CINCO'S POV
"Nakakatuwa, Laylani. Napakalakas ng pakiramdam ko, hindi ko inaasahan ang bagay na 'to. Mukhang may isang makapangyarihang nilalang ang umiibig sa ibon na inaalagaan mo." sabi ni Mang Liro.
Natigilan ako.
Ramdam ko ang mabilis na pag-angat ng mukha ni Rica kay Mang Liro at napatingin sa akin. Napalunok ako. Parang binomba ang dibdib ko at ramdam ko ang malalamig na pawis na unti-unting lumalabas sa katawan ko. Dito ako sobrang kinilabutan. Parang sa lahat nang nangyari, dito ako mas nakaramdam ng malalang takot.
Nakayumos ko ang palad ko.
Parang gusto kong sugudin si Mang Liro at busalan ang bibig niya. Hindi nila pwede malaman. Malalagot ako kay Erro at kapag nangyari 'yon, siguradong magagalit siya at babawiin ang kasunduan. Mamatay ang dapat na mamatay, magdudusa ang dapat na magdusa. Kapag nalaman nila Lola, siguradong mapapahamak si Ken at Roy. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong magalit si Erro. Sigurado akong tatapusin niya ang dapat tapusin.
Nung iniwas ni Mang Liro ang tingin sa akin, saktong umangat ang ulo ng lahat.
"Anong ibig mong sabihin?" Halata ang pagtataka sa mukha ni Lola.
Napasinghap ako. Parang tahip-tahip ang nararamdaman ko sa aking hininga. Pigil na pigil ko ito at nag-aasam na sana huwag na siya magsalita pa. Sana umalis nalang siya, nagmamakaawa ako. Huwag niya muna akong ilaglag ngayon. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat lalo na't hinihintay ko ang side ni Erro para rito.
Ngumisi si Mang Liro kay Lola. Ilang minuto siyang natahimik bago tumalikod. "Maiintindihan mo rin pagdating ng panahon, Laylani." Sabi nito at umalis na.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Nabuga ko ang hanging kanina ko pa pigil-pigil. Naibsan ang takot na nararamdaman ko at parang pumutok ang problemang kanina pa namumuo sa sistema ko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Rica sa palad ko na parang nakahinga na rin ng maluwag. Nilingon ko siya at sinasabi ng ekspresyon niya na magiging maayos lang ang lahat.
"Anong ibig sabihin niya?" Tanong ni Lola. Halata sa mukha niya ang kuryuso.
"Ano raw ulit? Medyo malalim yung sinabi niya." Rinig kong tanong ni Ken.
Mahinang humalakhak si Roy at inakbayan si Ken. "Hindi ko nga rin magets..."
"Hahaha!" Tumawa kunwari si Rica at lumapit kay Lola. Niyakap niya ito at pekeng ngumisi. "Mapagbiro talaga si Mang Liro, no, La?" Pasimple niya itong tinulak para maglakad papunta na sa lamay. "Hayaan na natin siya, La. Bigyan natin ng oras si Mang Liro. Sure akong masama pa ang loob niya kaya ganon ang mga nasasabi niya hehe diba, Cin?"
Napalunok ako at matinding napatango-tango. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Lola at nakahinga ako ng maluwag nung mapansing nakaukit na sa kanyang mukha na kumbinsido siya sa sinabi namin. Sinuhestyon na namin na pumasok na siya sa loob kaya wala ng nagawa ang lahat. Sumunod na rin sila at isawalang-bahala ang nangyari.
Nakahinga talaga ako ng maluwag dahil don.
Ang lamay ay naging mabilis. Kinabukasan, lunes, hindi na kami naka-attend pa sa paglibing. Basta ang naalala nalang namin kahapon, nagsiga sila sa harapan ng bahay nila Mang Kanor tulad ng sinabi ni Mang Liro. Ang alam namin, ngayong lunes na ang libing. Hindi na kami makaka-attend pa dahil may pasok kami.
Pagdating sa school, diretsyo kami sa open-gym. Closing na kasi ng Foundation Day at Intrams. Nagpasalamat lang ang Principals, mga heads and other teachers na naging matagumpay ang pagdiriwang namin. Hindi lang 'yon, pinarangalan at pinangalanan na rin nila ang mga nanalo. Ang nanalo sa basketball, sila Kulas. Hindi naman naging malungkot si Ken sa resulta dahil nung huling laban daw, uwing-uwi na siya para sa amin. Nag-aalala raw kasi silang dalawa sa amin ni Roy matapos malaman ang nangyari kay Mang Kanor. Bumabagabag sa kanilang mga isip 'yon kaya kapwa sila hindi nakapag-focus.