Kabanata 36

598 18 0
                                    

CINCO'S POV

Wala siyang ulo.

Si Claire... walang... ulo...

"Cinco, okay ka lang?" Tanong ng kaklase kong katabi ako pero hindi ko siya pinansin. Nanatili ang tingin ko kay Claire na nasa unahan na nanonood rin sa wedding booth.

Pumikit ako ng mariin at kinusot ang mata ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko. Name-mental block rin ako. Inuutos ng utak ko na magdasal pero hindi ko magawa. Natataranta ako sa sobrang takot at kilabot. Hindi ako kailanman nakakita ng ganito at hindi ko kailanman pinangarap na makakita ng ganito. Parang hindi siya totoo, parang ang hirap paniwalaan dahil gumagalaw siya kahit wala siyang ulo.

"Cinco?" Dumilat ako at nilingon ang kaklase kong nag-aalala sa akin. "Namumutla ka..."

Hindi ko siya pinansin.

Nilingon ko ulit ang pwesto nila Claire at Kulas, napahinga ako ng maluwag nung makita ko ulit na may ulo na siya. Normal na ulit. Nanghihina akong napaupo dahil don. Para akong naubusan ng lakas. Nanlambot ang tuhod ko dahil sa nangyari. Mabilis akong inalalayan ng kaklase ko at tinanong kung okay lang ako pero hindi ko talaga siya masagot. Pinunasan ko ang mamasa-masa kong mata. Naiiyak ako dahil sa takot, hanggang ngayon, ramdam ko ang panginginig ng palad ko.

"Cin?"

Napalingon ako nung may tumawag sa pangalan ko, si Kulas, kasunod niya si Claire. Tapos na ang kasalan at iba naman ang next na nagpapakasal kaya nagsi-alisan na ang ilang mga kaklase ko.

"Anong nangyari? Namumutla ka?" Dinaluhan agad ako ni Kulas. Mabilis siyang umupo sa tabi ko at sinapo ang noo ko, dinadamdam niya kung may lagnat ako. "Anong nararamdaman mo?"

Hindi ako nakasagot. Nanatili ang tingin ko kay Claire na bahagya pang natatakot. Umiling ako at pinilit na tumayo. "M-Magbabanyo lang ako..." Paalam ko at yumuko. Hindi na nila ako napigilan nung maglakad ako at hindi ko na rin sila nilingon pa.

Dumiretsyo ako sa batibot para magpakalma. Pinigilan ko ang sariling maghesterikal at makaramdam pa ng matinding takot. Pinakalma ko ang sistema ko hanggang sa tuluyan itong sumunod.

"Cin?" Napalingon ulit ako sa tumawag, si Kulas. Umupo siya sa tabi ko, nag-aalala. "Ayos ka na ba? Ano bang nangyari sayo? Namumutla ka kanina..."

Hindi ako sumagot at inilingan lang siya. Yumuko ako at pinigilan ang tuhod na kanina pa pala hindi kumakalma. Hindi ko ito napansin. Mabilis ang pagbaba-taas ng kaliwang tuhod ko, halatang nangangamba sa kung ano.

"Cin? Ayos ka na ba? Sagutin mo naman ako. Nag-aalala ako..." Pamimilit niya pa.

Nilingon ko siya at tinitigan pa muna. Bumuntong-hininga ako bago magsalita at hilaw na ngumiti. "Okay lang ako."

Hindi siya sunagot agad. Hinaplos niya ang pisngi ko at inangat para mas makita ang mukha ko. Halata sa mukha niyang concern talaga siya sa akin. "Yung totoo, Cin." Iniwas ko ang tingin ko ngunit hindi niya 'yon pinayagan. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko para hindi ako makawala.

"Ayos lang nga. Nagulat lang ako kanina..." sagot ko.

"Saan?"

Umiling ako at binaba ang kamay niya para makawala ang mukha ko sa hawak niya. "Wala nga..."

"Nagulat ka saan? Sabihin mo. Nag-aalala ako. Yung mga mata mo kanina, takot na takot, Cin."

Umiling ako. "Ayos lang ako, Kulas. Huwag ka na mag-alala---"

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now