Kabanata 25

637 18 3
                                    

CINCO'S POV

"Para sayo rin 'yan. Mahihirapan na naman ako kapag nakikita kitang nasasaktan."

Bahagyang namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Natahimik sandali ang lugar na parang wala akong ibang marinig. Pakiramdam ko, uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Iniwas ko ang tingin sa kanya at akmang magrereklamo pero naunahan na niya ako magsalita.

"Hindi ko gusto ng sakit sa ulo. Ayokong namomroblema ako dahil sa nilalang na tulad mo. Ang sadya ko, alagaan mo ang sarili mo dahil ikaw ang magdadala ng anak ko kaya hangga't maaari, umiwas ka sa mga gulo." Madiin ngunit nakangising paglilinaw niya.

Uminit ang ulo ko dahil sa pagkapahiya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naoffend. Slight. Parang may kung anong bumagsak sa damdamin ko na naging resulta para maramdaman na nasagasaan ang pagkababae ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at bumusangot.

Sinilip niya ang mukha ko at humalakhak. "Nauunawaan mo ba ako?"

Umirap ako. "Oo na!"

Namataan ko sa hindi kalayuan si Kulas na parang tangang palingon-lingon sa kung saan. Mas nadagdagan ang inis ko dahil nakita ko ang pagmumukha niya. Naalala ko tuloy nung nasa room ako, panay siya titig sa akin. Sarap saksakin ng ballpen sa mata.

"Ang lalaking 'yon..." Nagsalita ulit si Erro kaya irita ko siyang nilingon. Ngumisi siya ng malawak dahil sa ekspresyon ko. Para bang tuwang-tuwa siya dahil galit ako.

"Sino?!" Inis na tanong ko.

"Yung tinitignan mo kanina lang..."

Umikot ang mata ko. "Si Kulas?! Ano na naman?"

"Nakikitaan ko ng matinding pagnanasa ang katauhan niya." Seryosong ulat niya kaya natigilan ako. Napalingon ako saglit kay Kulas pero agad ring ibinalik ang tingin kay Erro. Natikom ako at bahagyang ngumuso. Nagpatuloy naman siya. "At isa pa... hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip at puso niya."

Nakuryuso ako. "Bakit? Ano bang tumatakbo sa isip at puso niya?"

Tinitigan na naman muna niya ako bago humalakhak at sumagot. "Ikaw."

"Huh?"

"Ikaw ang nasa isip at puso niya." Nakita ko ang pasiring niyang sulyap kay Kulas at ibinalik ang tingin sa akin. "Mula dito, kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang kanyang pagnanasa sayo. Hindi maganda 'yon. Delikado."

Kaba at kilabot ang umakyat sa sistema ko pero mas tumindi ang inis ko kay Kulas. Mabilis kong natutunugan ang mga kilos niya pero hindi ko alam na aabot sa ganito ang malalaman ko. Pagnanasa? Ang bigat na word niyan para sa akin. Ano siya? Manyak?

Mas uminit tuloy ang ulo ko. Napipikon na ako kahit na maisip ko palang ang mukha ng lalaking 'yon. Sabi na nga ba, kaya pala ayaw ko sa presensya niya dahil may mali talaga sa kanya!

Salubong ang kilay ko nung magtanong kay Erro. "Totoo ba?"

Tumango siya. "Nasilayan ko ng kaunti ang kanyang binabalak sayo. Hindi maganda 'yon." Bahagya siyang natawa. "Iwasan mo siya."

"Bakit?" Nangamba ako ng malala. "Ano bang binabalak niya sa akin? Ano?"

Humalakhak siya. "Basta't iwasan mo siya."

"Ano nga?! Sabihin mo na kaya ngayon, diba?" Inis na asik ko sa kanya. "Anong binabalak niya sa akin?"

Nanatili siyang hindi sumasagot. Nakangisi lang siya sa akin na parang nang-aasar. Maya-maya bigla siyang humalakhak. Hindi ko alam kung natatawa ba siya sa ekspresyon ng mukha ko o ano. Ang lakas ng trip niya. Nakakapikon.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now