✎
CINCO'S POV
Pagpasok namin sa school, as usual maingay pa rin at dagsa ang mga student. Pinaghalo-halo sa pandinig namin ang tilian, sigawan, halakhakan at kung ano-anong usapan. Hindi lang 'yon, nakikisabay rin ang tugtog na inilagay sa stage. Hindi naman malakas ngunit tama lang para may makarinig. Kasabay pa nito ang SSG na nagsa-shout out ng mga letters na pinapasuyo sa kanila ng iba't ibang students gamit ang microphone.
May mga bago ring stall na nakatayo na may iba't ibang pagkain na binibenta. May mga bago sa aming paningin ngunit hindi na namin inubos ang oras namin ron dahil dumiretsyo na rin kami sa basketball gym para ihatid at panoorin si Ken sa laro nila.
Pagdating don, pinapwesto kami ni Ken sa upuan ng mga ka-coplayer niya para raw mas makakita kami ng maayos. Pabor naman sa amin 'yon kaya hindi na kami tumanggi pa.
Nung nagsimula ang laro, bahagya akong nagulat. Ang kalaban nila Ken ay sila Kulas. Magkakaiba kasi kami ng strand. Si Rica at Ken ay magkapareho pero hindi sila magkaklase, ako naman ay iba rin kaya iba ang building ko. Si Roy naman, college na kaya wala siyang problema kung kaninong panig su-suporta.
Nagtagal ang tingin ko kay Kulas sa kabilang panig. Nakapamewang siya habang seryosong nakikinig sa kanilang coach. Tulad ni Ken, naka-full package basketball attire siya. Maputi ang kanyang balat kaya nababagay ang kulay ng jersey nila sa kanya. Hindi lang 'yon, mas nagmumukha rin siyang malinis at mas umaangat ang kagandahan ng kanyang itsura.
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa bleachers.
Hindi na talaga ako magtataka kung bakit kanina pa may mga babaeng tili ng tili at isinisigaw ang pangalan niya...
"Sila Kulas pala ang kalaban nila Ken?" Tanong ni Rica sa tabi ko.
Tamad ang tono kong sumagot. "Ewan. Ngayon ko lang rin nalaman..."
Siniko niya ako. "Kalaban namin ang strand mo. Ba't ka nandito? Doon ka dapat sa kabila..." Humalakhak siya kaya bumusangot lang ako at hindi na siya pinansin.
Nung ibinalik ko ang tingin sa harapan, napataas ang kilay ko nung makitang papalapit sa akin si Kulas. Mukhang namataan niya ako nung kausap ko si Rica. Siniko ako ni Rica bago siya tumayo at lumipat sa kabilang side ni Roy para mabigyan kami ng privacy.
Napaayos naman ako ng upo.
Seryoso si Kulas nung makarating sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko habang hawak-hawak ang sandalan ng aking upuan. "Ba't ka nandito?" Tanong niya.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. "Manonood, shempre."
"No..." Bumuntong-hininga siya. "I mean, bakit ka nandito sa side nila? Doon ang atin..." Tinuro niya ang kabilang side kung saan nandoon ang nga ka-strand namin.
Bumusangot ako. "Okay na 'yan..."
Tinitigan niya muna ako ng mariin bago nagsalita. "Nasa pinsan mo ba ang boto mo?"
Bahagya akong natawa. "Wala namang problema kung sino sa inyo ang manalo." Tumaas ang gilid ng labi niya, halatang nadismaya sa narinig. Dumugtong agad ako. "Bumalik ka na roon, magsisimula na yata kayo..."
Ngumuso siya. "Wala bang goodluck?"
Napangiwi ako. "Kailangan pa ba non?"
"Yes. Yung mga tropa ko, gino-goodluck sila ng mga girlfriend nila.."
Nakakaloko ko siyang nginisian. "Hindi mo naman ako girlfriend."
"Pero, kahit na..."
"Heh!" Singhal ko. "Ang dami mong sakit, Kulas. Pumunta ka na ron!" Utos ko.