Kabanata 55

595 19 1
                                    

CINCO'S POV

"We understand that this news may be difficult to process. We encourage you to reach out to a trusted adult if you need someone to talk to. The school's crisis team will be available to provide support to students and staff. Furthermore, we will be holding a memorial service for our student angels in the school auditorium, the date and time will be discussed. All are welcome to attend. In the meantime, please keep the students and their family in your thoughts with prayers. With all of that, the announcement is adjourned. Please stay at home and be safe as we gave you a one week academic break."

Marahan kong pinawi ang tumulong luha sa pisngi ko matapos ang pagpupulong sa aming school.

The school is filled with lamentation. I could feel everyone's sorrows. It seems like we are wearing a heavy cloak of mourning and grieving. We filled with so much despair. Everything feels so heavy, like it was trying to drag us down with so much sadness. Napakadilim at parang napakalumanay ng lahat. Ang bumabalot lang na tunog sa aking pandinig ay mga mahihina nilang impit at iyak. I couldn't stand it. Everytime I hear their grieving, I feel so lost too.

Someone's arm covers me. It's my cousin, Roy.

Niyakap niya kaming dalawa ni Rica nang mahigpit. Mabibigat ang kanyang hininga habang yakap-yakap kami. Habang hinahaplos ang aming likuran, hinalikan niya ang aming mga ulo. Matapos non, lumayo siya. Bumungad sa amin ang mukha niyang walang ekspresyon. Sobrang sakit sa amin makita sa kanya 'yon. Mas lalo kaming nahihirapan para sa kanya. Sa tuwing nakikita naming hindi siya nagpapakita ng emosyon, mas lalo lang kaming nag-aalala dahil baka naiipon na ang kalungkutan sa loob niya.

Pilit siyang ngumiti. Yung mga mata niya, parang wala ng buhay. Wala halos kulay. Sobrang bigat sa pakiramdam makita sa kanya 'yon. "Mauna na kayo, ha?" Usal niya sa isang paos na boses. "Makikiramay kami..."

"Kuya..." Naiiyak na tawag pa ni Rica, nag-aalala.

Pekeng tumawa si Roy. "I'm fine. Babalik rin kami. Sasamahan ako ni Ken..." Sagot niya.

"Roy.. tara na." Napatingin kami sa tumawag kay Roy, kaklase niya rin yata. Mga lima silang naghihintay sa kanya. Tulad ng kay Roy, wala rin halos emosyon ang mga mukha ng lalaking kaklase niya.

Tumango si Roy sa kanya at binitawan kami. Malumanay niya kaming nginitian bago bumuntong hininga at tumalikod. Lumapit siya sa mga lalaki at nakipag-usap. Sa kabilang banda, si Ken ay lumapit sa amin, mukhang nag-aalala ngunit kalmado pa rin. Niyakap niya pa kami at tinapik.

"Ako bahala kay Roy. Marami kaming makikiramay sa mga kaklase niya. Huwag na kayo mag-alala, hm?" Paniniguro niya. "Diretsyo kayo uwi..." Paalala niya pa. Naiiyak kaming tumango-tango ni Rica.

"Pakitignan siya, Ken. Please..." Impit na napaiyak pa si Rica.

Tumango-tango si Ken at hinaplos ang mukha ni Rica para patahanin at pakalmahin. "Shh, ako bahala kay Roy, ha? Kasama niya ako, okay? Tahan na. Kumalma ka, Ric. Magiging ayos lang ang lahat..."

"Ken." Seryosong tawag pa ni Roy matapos niyang makipag-usap sa mga kaklase niya.

Nilingon siya ni Ken saglit bago tumingin ulit sa amin. Hinaplos niya ang pisngi namin bago siya bumuntong-hininga at tinalikuran kami. Nung makalapit sa kanila si Ken, sabay-sabay na silang tumalikod at naglakad paalis. Nakatanaw kami ni Rica sa kanila kasabay ng mga estudyanteng lalabas na rin sa school para makauwi.

Saglit kaming nanatili ni Rica at tahimik na humihikbi. Panay ako punas sa aking mukha habang palayo ng palayo sila Ken at Roy sa aming paningin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, kahit parang ang paghinga, napakasakit. Matindi ang pag-aalala ko sa kanilang dalawa lalo na kay Roy. Hindi lang ako, alam kong pati na si Rica at pamilya niya. Matapos malaman ng lahat ang balita, lahat kaming magkakamag-anak, nag-aalala para sa kanya.

Along with the EntitiesWhere stories live. Discover now