✎
CINCO'S POV
"Natutuwa ako kapag nagagalit ka."
Parang pumutok ang litid sa ulo ko dahil sa galit. Gusto ko siyang sunggaban ng maraming sampal dahil sa sobrang inis pero pinipigilan ko ang sarili ko sapagkat alam kong maligno siya. Pinipilit kong alalahanin na sugo siya ng dyablo kaya siya ganyan. Hindi siya normal na tao. Isa siyang impakto na nakakapang-init talaga ng ulo.
"Tigilan mo ang pamilya ko, sinasabi ko sayo. Nasa usapan 'yan! Ang sabi mo, hangga't sumusunod at nakikisama ako ng maayos sayo, walang masasaktan sa pamilya ko!" Inis kong asik.
Bahagya siyang humalakhak. "Napagkatuwaan ko lang siya." Ngumisi siya. "Nakita ko siya kanina na sinisira ang maliliit na damo. Ginagawa niya 'yon habang malalim ang iniisip kaya pinarusahan ko siya. Pinaikot ko siya sa kubo ng isang daang beses."
Namilog ang mata ko. "Isang daang beses?!"
Nakangisi pa rin siya. "Ngunit pinigilan mo kaya siyamnapu't siyam lang ang kanyang nagawa, kulang pa ng isa."
Pinangkitan ko siya ng mata. "Tigilan mo ang pinsan ko, Erro, sinasabi ko sayo." Banta ko at tinalikuran siya. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.
"Natutuwa ako sayo. Ang mga mata mo ay galit na galit. Nakakatuwa kang panoorin. Hindi naman malala ang mga ginagawa ko pero ganya'y mabilis kang mairita..." Bahagya siyang natawa.
Inis ko siyang nilingon. "Inaano ka ba?! Panay ka kasi trip."
"Anong trip?"
Umirap ako. "Trip! Pinaglalaruan!" Pagta-translate ko sa word na maiintindihan niya.
Natigilan siya saglit at pagkunwa'y natawa. "Ngunit mabilis ka pa rin mag-ngitngit kahit na hindi kita pinaglalaruan. Minsan nga'y, nagsasalita lang ako pero nayayamot agad ang iyong tingin sa akin. Mabilis kang nakakaramdam ng poot."
"Dahil, nakakabadtrip ka naman talaga!" Sagot ko.
Tuluyan kaming nakarating sa bungad kung nasaan si Rica at Simon.
Naabutan ko si Rica na mukhang pinapantasyahan na ang mukha ni Simon dahil hindi niya matanggal ang tingin rito. Patango-tango pa siya habang nagsasalita si Simon pero napalingon rin siya nung dumating kami. Narinig niya yata ang sigaw ko.
"Ang aga-aga, LQ kayo." Sinimangutan kami ni Rica at suminghal pa. Nilingon niya ulit si Simon at nagtanong ng pansarili niyang nais pero hindi ko na 'to pinayagan pa.
Hinila ko ang palapulsuhan ni Rica paalis don. Nagtataka pa si Rica at binabawi ang kamay niya pero hindi ko siya pinayagan. Badtrip ako kay Erro at ayoko muna siyang makausap. Lakas ng trip non. Labis na mapang-asar.
Nung makabalik kami sa kubo, nawala ang amoy na dama de noche kaya alam kong wala na sila. Doon lang nilingon ni Rica ang pwesto nila Simon at Erro ngunit agad siyang bumusangot nung makitang wala na ang dalawa.
"Ano ba 'yan, girl! Nag-uusap pa kami ni Simon!" Reklamo ni Rica.
Inirapan ko siya. "Tigil-tigilan mo nga sila, Rica. Hindi sila normal. Engkanto nga 'yon!" Pagdidiin ko pa.
Pero tulad ng inaasahan, hindi na naman siya naniwala. Humagalpak siya bigla ng tawa. "Alam mo para kang nangda-drūgs." Sinamaan ko siya ng tingin kaya nagpeace sign siya. "Eh, kasi naman! Ano bang problema mo sa kanila? Puro ka engkanto diyan. Ang gugwapo nun! Puro mga kalmado pa!"