Kabanata 27

1.1K 25 3
                                        

CINCO'S POV

Humigpit ang kapit ko sa cellphone dahil sa nabasang message ni Claire. Sunod-sunod ang lunok ko at natigilan na talaga. Para akong pinako ng malala sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang malamig na pamamawis ko pati na rin ang panginginig ng kamay ko. Parang binato ng malamig na yelo ang puso ko. Hindi ako makagalaw. Nanigas na ako dahil sa takot. Nanuyo ang lalamunan ko at nangangatal na rin ang labi ko.

Hindi ko alam ang gagawin dahil sa takot.

Nasa jeep pa raw si Claire? Kung ganoon, sino 'tong kasama ko?

Napamura ako sa utak ko. Hindi ko rin magawang makalingon sa taong nakaupo sa mismong upuan ni Claire. Pinanghihinaan ako ng loob. Ayokong lumingon. Wala akong lakas para gawin 'yon. Baka kapag nilingon ko ang nilalang na 'yon, hindi ko gusto ang makita ko.

De' bale na. Mas pipiliin kong mamatay nalang kesa lumingon!

Kung ano-ano na ang naiisip ko sa mga oras na 'to. Pati na rin ang pakiramdam ko, hindi ko na matukoy ng maayos. Naghahalo na ang taka, kaba, kilabot, at matinding takot. Pati ang isip ko ay hindi na makondisyon. Kakaiba na ang feeling ko. Pinagpapawisan na talaga ako ng malala at natatarantang hindi makagalaw. Naiihi ako na ewan. Naguguluhan na ako. Gulong-gulo na ako. Gusto kong kumilos pero hindi ko magawa. Nanghihina ang tuhod ko at hindi ko na alam kung saan kukuha ng lakas para pagalawin 'yon ngayon.

Nakarinig ako bigla ng langitngit ng upuan. Iyon bang kapag may tatayo, uurong ang upuan sa likuran. Ganon. Ganon ang naririnig kong langitngit at nangagagaling 'yon sa taong nakaupo sa upuan ni Claire. Hindi pa rin ako lumilingon. Hindi ko kaya.

Lumunok ako.

Nagdasal ako ng paulit-ulit. Lahat ng dasal na alam ko ay chinant ko na. Pero sa oras na 'to, maayos kong binibigkas 'yon na taos-puso. Pati ang sarili kong dasal ay nilalagyan ko sa dulo ng "sa ngalan ng diyos, Amen". Mahirap na. Baka kung sino na naman ang makarinig. Atsaka sa oras na 'to, maayos na talaga, grabe ang takot ko. Nag-uumapaw. Nagmamakaawa na talaga ako sa langit na tulungan ako sa mga oras na 'to dahil baka hindi ko na kayanin at mahimatay ako kasama ng nilalang na 'to.

Sobrang tahimik ng lugar. Nakapikit ng mariin ang mga mata ko dahil sa pagdadasal. Nakakaramdam ako ng malamig na hangin pero hindi ko na 'yon iniinda pa. Focus ako sa pagdadasal. Nilinis ko ang puso ko at inilahad na malinis ang lahat ng intensyon ko. Pinamukha ko sa sarili ko at sa nilalang na kasama ko ngayon na hindi ako nagbabanal-banalan sa oras na 'to.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nanigas ang tuhod ko. Nagkaroon ako bigla ng lakas para makakilos. Ginamit ko ang chance na 'yon at dumilat. Hindi na ako lumingon at tinakbo ko ang labas. Nagmamadali ako hanggang sa makarating ako sa hagdan. Doon ulit ako nanghina pero pinilit ko ang sarili kong tumakbo papalayo. Walang lingon-lingon. Diretsyo lang.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako nung makalabas ako ng building. Humampas sa akin ang malamig na simoy ng hangin na para bang nagsasabing, nakalayo na ako ng tuluyan. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa ako satisfied. Tumakbo ako hanggang sa guard dahil siya lang naman ang nakikita kong tao sa malawak na school na 'to.

"Anak ng, iha, anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?!" Mabilis niya akong dinaluhan, nung makalapit ako sa kanya, bigla akong bumagsak. Mabuti nalang at nasalo niya ako.

Hinang-hina ako habang umiiyak. Dito na ako sobrang nawalan ng lakas. Natapos na ang pinahiram sa akin na lakas ng langit. Habang umiiyak, sa puso ko, panay ako salamat sa poong-maykapal. Mabilis ngunit mabibigat ang tibok ng puso ko. Hirap na hirap ako. Nanlalamig rin ang buo kong katawan.

"Umupo ka, nako naman..." Humila siya ng upuan at pinaupo ako ron. Ang maliit na electricfan rin na nasa loob ng unit niya ay itinutok niya sa akin. Kumuha rin siya ng tubig at nagmamadaling inabot sa akin.

Along with the EntitiesStories to obsess over. Discover now