SIX MONTHS LATER;
"FINALLY natapos din. Ready na ang lahat."
"Tita Elsa, ang dami naman po niyan. Anong meron, bakit naghanda kayo ng maraming pagkain?"Confused na bungad ko sa kanya nang maabutan ko siyang abala sa kusina.
Kakagising ko lang din at hirap na akong gumalaw. Sobrang bagal nang pagkilos ko, kahit pagluto ay mabagal din ako kumilos.
Dulot ng due date of pregnancy ko at isa pa ang laki na nang tyan ko.
Wala din akong idea na nasa bahay pala namin si Tita Elsa na mukang enjoy na enjoy sa ginagawang paghahanda ng maraming iba't-ibang klase ng pagkain.
Nakagawian na niyang gawin ang ipagluto ako simula nang gumaling na ito 6 months ago.
Bumalik na din ang kanyang memorya.
Hindi pa nga ito makapaniwala nang malaman niyang anak ako ng isa sa matalik nitong kaibigan na si Itay.
Tuwang-tuwa siya dahil ako ang naging asawa ng nag-iisa niyang anak.
Nasilayan ko din at nasaksihan kung gaano sila ka-close ni Tita Paola at Itay.
Nakakalakad na din ngayon ang Itay ko sa awa nang maykapal. Kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil kapwa magaling na sila ni Tita Elsa.
Tanggap na din ni Tita Elsa na ang napangasawa ni Tito Luhan ay ang bestfriend nitong si Tita Paola.
Sa halip ay mas nangibabaw pa nga ang samahan nilang tatlo na para bagang walang nangyare.
Masaya akong makita silang lahat na komportable sa isa't-isa at masayang nagbobonding.
"Andyan na sila."Sa halip ay hindi magkanda ugaga nitong tinungo ang pinto nang may nag doorbell sa labas.
Hindi ako nakapag salita nang sunod-sunod na nagsipasok sa loob ang mga adonis.
"Oh dali pasok kayo mga hijo, paki dala sa labas lahat ng mga ito ah."Malapad na ngiting turan ni Tita Elsa sa mga adonis.
"Nandito pala kayo?"Takang bungad ko sa binatang nasa harapan ko.
"Goodmorning Chiara. Mamaya pa darating din si Mom at nang iba. Nauna lang kami para tumulong."Tugon sa akin ni Jeliarde at napansin ko ang maliit na unggoy na nakapatong sa ulo niya.
May kinuha siyang mga prutas na nakapatong sa mesa saka deretsong lumabas.
Kasunod naman nito si Cleo na anak ni Jaden na may malapad na ngiti saka kumuha ng isang naka imbak na plato sa mesa.
"Morning."Saad nito sa akin saka deretsong lumabas.
Sunod naman ang napaka seryosong si Hunter at Bryne na kapwa nalito pa kung alin ang dadamputin sa mga nakapatong na pagkain sa mesa.
Ngunit,
"I'll take this."Usal ni Hunter saka binuhat ang lagayan ng baso.
Seryoso naman na binuhat ni Bryne ang dalawang pitcher na may lamang tubig."allright,I got this."Anito.
Instead na mga pagkain ang dalhin, iyong magagaan na bagay ang dinampot nila saka sabay pang lumabas ng bahay.
"Hija halika sa labas, andun din si Delvin nag-iihaw ng isda kasama mga pinsan nito. Tara?"Napaigtad ako sa gulat nang nasa harapan ko na si Tita Elsa sabay hawak sa braso ko.
"Tita Elsa, anong meron?"Takang tanong ko dahil naguguluhan parin ako sa mga nangyayare.
Nakasalubong pa namin sa pinto si Macoy at magalang siyang nagmano kay Tita Elsa at ngumiti naman siya sa akin bago ito pumasok sa loob.

BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Fiction générale*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...